"Oy tara dito!"
Ha? Teka? Nasan ako??
"Oy! Bilisan mo iiwan kita jan eh!"
Biglang may tumagos mula sa likuran ko.. "Teka eto na!!" para akong multo na nilagpasan ng lalaking yun. Nilibot ko yung mata ko, nakatayo ako sa gitna ng talahiban. Mga tuyong talahib na nakatumba. Tapos parang may tunnel na ewan na parang malaking kanal sa ilalim ng mga puno. Pakiramdam ko nasa mataas ako. Ang hangin kasi...
Sinundan ko yung dalawang lalaki. Parang kaedaran ko lang sila. Pamilyar din yung mukha nung lalaki kanina yung nagtatawag. Pumasok sila papasok sa loob ng tunnel. Hindi nila ko nakikita. Sinundan ko lang sila. Parang malaking kanal tong tunnel. Gawa sa bakal yung paligid nito...
"P're? Sigurado ka ba dito?"
"Oo George, natatakot ka ba??"
"Pag may nagyari sa'ting masama dito Lino! Lagot ka talaga sakin!"
"Lino?? Palayaw ni papa yun ahh??" sabi ko. Sabay lapit sa lalaking nauunang maglakad, si papa nga to! Nung binata pa siya! Hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita ko na yung mga picture niya! Pero tong isang lalaki hindi ko kilala. Saka umaano kaya sila dito??
Sinundan ko pa sila ng sinundan. Ang dilim sa loob ng tunnel yung dalang flashlight lang nila yung ilaw namin. Parang pababa na tong nilalakaran namin. Mukang malayo na din 'tong nalalakad namin. Hindi ko na makita yung liwanag mula dun sa pinasukan namin. Wala kong makita kahit yung sarili ko hindi ko makita. Yung iniilawan lang ng flashlight yung nakikita ko..
"P're? Bumalik na kaya tayo?" sabi ni George..
"Malapit na tayo.." sagot ni papa.
Biglang may kumalampag galing sa malayo sa likuran namin.
Dali-dali nilang tinapat yung ilaw sa pinanggalingan ng tunog. Pero walang silang nakita.
"P're ala-sais na nang hapon. Bumalik nalang tayo bukas." sabi ni George.
May kumalampag nanaman.. Parang mas malapit na yung kalampag.
"P're tara na.." takot na aya ni George.
May kumalampag nanaman.. mas malakas na ngayon. Papalapit ng papalapit.
Pabilis ng pabilis at palakas ng palakas. Napakalakas nito umaalingawngaw sa buong paligid! Nakakabingi!!
"Glen!! Bumangon ka na dyan. Tara na kumain ka na nang makalibot tayo.."
Panaginip lang pala.. pawis na pawis ako pero giniginaw ako. Kinikilabutan pa din ako hanggang ngayon.
Bumangon na ko at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa lamesa.
Binigyan ako ng tasa ni lolo.
"Okay ka lang ba?? Kape? Gatas? Anung gusto mo?" tanong ni lola.
"Lola may kilala ba kayong George na kaibigan ni papa?" tanong ko kay lola.
"Oo, bakit apo?" sagot niya.
"Nasan na po siya?" tanong ko.
"Hindi ko alam eh. Binata palang sila papa mo nawala na siya. Sabi ng mga magulang niya lumayas daw siya eh." sabi ni lola. "Bakit mo naman natanong?" tanong nya pa.
"Ahh. Wala naman po. Nakita ko lang po sa mga picture ni papa sa kwarto niya. Hehe." Hindi ko pwedeng ikwento kay lola yung panaginip ko baka pagtawanan nanaman niya ko.
"Ay! Oo nga pala. Si mama mo nga pala. Bumalik sa Manila! May emergency daw sa trabaho eh. Baka next week pa siya makabalik." sabi ni lola.
"HA!? Yehey! Mas malaya na kami ngayon! Hahaha!" mahigpit kasi si mama eh maraming hindi pwede. Haha.
"Tapos ka na ba dyan apo? Tara na at galang gala na ko. Haha." aya sakin ni lolo.
"Opo 'Lo! Tara na po. Haha."
***
Naglakad lakad kami ni Lolo paakyat ng bundok.
"Buti kaya nyo pang maglakad sa edad niyong yan 'Lo?" tanong ko.
"Bastos kang bata ka ah? Haha. Oo naman malakas pa ko. Kalabaw lang ang tumatanda! Haha." parang batang bata pa talaga siya, para ngang kaedad ko lang yung kausap ko eh.
Ang layo na nang nalalakad namin, wala nang mga bahay bahay dito saka matataas yung puno.
"'Lo? May tatanong po ko..."
"Ano yun? Hehe."
"Ano po ba talaga yung kinamatay ni papa?" tanong ko. Biglang napatigil sa paglalakad si lolo. Nagbago bigla yung mood niya.
"Hindi ba naikwento sayo ni mama mo yung nangyari?" tanong niya.
"Na kinain siya ng mababangis na hayop?" tanong ko.
"Oo.. Yun ang nangyari." sagot niya.
"Kung may mababangis na hayop dito, bakit pa po tayo naglakad ng ganto kalayo?" tanong ko.
Nagulat siya sa tanong ko. Parang may tinatago siya na ayaw nyang malaman ko...
[to be continued]
_________________________________
Ayan. Baka matagalan bago ako makapag UD ulit. Sobrang busy sa business e.
Basahin nyo muna iba ko pang stories if you want. Hehe.
Pipilitin kong makapag UD as soon as I can.
If you want a Love Story, just read my new and ongoing story, PLAYLIST.
Thank you.
Do not forget to vote and to leave a comment.
-Jeje
BINABASA MO ANG
Perplex
Mystery / ThrillerSa kagustuhan ni Glen na takasan ang kanyang bangungot hindi niya akalain na lalo pa pala siyang mapapalapit rito...