Bigla kong natauhan at tumayo sa kinauupuan kong sahig.. tinulungan ko si lolong itulak yung pinto pasara para hindi makapsok yung halimaw.. hinarang namin sa pinto yung sofa sa sala.. ilang saglit pa tumigil na yung halimaw sa pagkalampag sa pintuan..
Narinig namin tong tumakbo sa gilid ng bahay..
"yung pinto sa likod!" sigaw ni lolo. Agad kaming tumakbo papunta sa pintuan sa likod sa may kusina.. nilock ko to ng chain lock ng biglang kumalampag mula sa labas yung halimaw.. hinarang namin ni lolo yung refrigirator para di makapasok yung halimaw..
Wala na yung kalampag..
Napaupo ako sa pagod at takot.. pawis na pawis ako.. pati si lolo.. naupo siya sa may lamesa sa harap ko..
"ngayon? Naiintindihan mo na??" sabi niya habang hinihingal..
Hindi na ko nakakibo..
"tara sumama ka sakin.."
inaya ko ni lolo na umakyat sa taas.. pinanuod namin yung kuha ng CCTV kanina..
Kuha mula sa front camera sa bubong ng 2nd floor.. Masyadong madilim hindi namin gaanong makita yung itsura pero maaaninag yung hubog ng likod niya.. para tong tao.. pero parang hayop siya maglakad..
Laking gulat namin ng mapanuod namin yung kuha ng camera sa may pintuan sa likod.. medyo kita yung buong katawan niya dito.. walang duda.. halimaw nga to.. para tong demonyong kulay itim na walang sungay, pakpak, at buntot.. nakakakilabot ang itsura nito.. hindi pa ko nakakita ng ganto sa kahit anong pelikulang napanuod ko..
Tumingin ako kay lolo.. "ano ba tong gustong pumatay satin na to Lolo?!" takot kong sinabi kay lolo..
Tumingin ako kay lola at kay lolo.. pati kay Gabby na tulog na tulog at walang kaalam alam sa nangyayari..
Anong gagawin ko?! Gusto ko nalang tumumba sa sobrang panlalambot.. naghahalu-halo ang emosyon ko.. takot na takot ako..
Biglang may kumalampag mula sa ibaba..
Bumaba agad kami ni lolo para tignan..
Pagbaba namin sa hagdan nakita agad namin yung halimaw.. nasira niya yung pintuan sa likuran!
Mabilis kaming tumakbo paakyat.. tumakbo ako papunta sa kwarto ni papa.. si lolo naman dun tumakbo kila lola. Anak ng pating! Mag isa lang ako ngayon! Sinara ko agad yung pinto ng kwarto.. kumakalampag to sa pintuan..
BINABASA MO ANG
Perplex
Mystery / ThrillerSa kagustuhan ni Glen na takasan ang kanyang bangungot hindi niya akalain na lalo pa pala siyang mapapalapit rito...