EIGHT

20 3 0
                                    

Bigla akong nagising..

Hingal na hingal ako..

"oy magsigising na kayo d'yan. Nandito na tayo.." sabi ni mama samin.

Hingal na hingal pa din ako.. tumingin ako sa paligid.. hapon na..

"oy! Nakatulala ka pa d'yan! Tulungan mo kong magbuhat ng gamit.. nag aantay na sila lola mo sa loob ng bahay.." sabi ni mama.

Lumabas ako ng kotse.. iginala ko yung mata ko sa paligid, nasa bundok pala talaga tong bahay nila lola, sa harapan ng bahay ay may garahe na hindi sementado may mga damu-damo lang na maliliit tapos nakaharap din ang bahay nila sa daan (asphalt yung daan) na ilang metro lang ay bangin na, kita dito yungpaglubog ng araw ang ganda ng view.. yung mga poste ng ilaw mejo lumang style, kahoy pa.. tapos may mga kapit bahay naman sila kaso malalayo, pero tanaw pa din naman..

Yung bahay nila lola malaki din, may second floor 'to tapos kulay puti na parang kumupas na ewan pero hindi mukhang haunted house sa mga pelikula. Haha! Sa likuran naman ng bahay puro malalaking puno, as in malalaki tapos pataas pa yung lupa kaya parang ang taas taas nila.. dun nakakatakot! mukhang may mga ewan na lumalabas dun pag gabi eh.. papasok na nga ako sa loob!!

Kinuha ko yung mga gamit sa likod ng kotse.. habang naglalakad ako palapit ng bahay napansin kong ang daming CCTV camera dito sa paligid.. sa may puno dun sa harap malapit sa daan.. sa magkabilang gilid ng bubong.. sa may pinto.. sa may magkabilang gilid ng bubong sa 2nd floor.. ang dami.. siguro nag iingat lang din sila kasi nga bundok na to tapos dalawa lang silang matandang andito.. pumasok na ko sa loob ng bahay.. sinalubong agad kami nila lolo't lola..

Binuhat ni lolo si Gabby mukhang matanda na si lolo puti na din yung buhok niya pero mukhang malakas pa siya kasi ang ganda ng tindig ng katawan niya eh.. si lola din ganun.. puti na mga buhok nila.. pero parang nasa 50 lang sila..

Sinalubong ako ni lola ng yakap tapos pinaghahalikan ako sa pisngi.. tuwang tuwa sila nung makita kami ni Gabby kasi nga ngayon lang nila ulit kami nakita. Haha. "lola tama na.. hindi na ko baby.. haha. Bente anyos na ko.." sabi ko..

"eh anu naman? Baby parin namin kayo.. hehe!" sabi ni lola..

"haha. Namiss lang kayo ng lola mo.. mga bata pa kayo ng huli naming kayong nakita eh.. etong si Gabby naman ngayon lang namin nakita. Haha. Ang taba taba!" sabi naman ni lolo sabay halik sa kili kili ni Gabby. Haha.

"osya magpahinga na muna kayo at siguradong napagod kayo sa byahe.. mamaya kakain na din tayo.." sabi ni lola..

Naupo kami sa sala nila lola.. napansin kong may mga CCTV camera din hanggang dito sa loob ng bahay.. sa bawat sulok meron.. sa may paakyat ng hagdan parang bawat anggulo makikita eh.. walang hindi makikita sa cctv camera.. parang bahay ni Big Brother to ah? Hindi ako pwedeng basta basta lang mangungulangot dito siguradong mahuhuli ako sa camera pag pinahid ko sa kung saan lang yung kulangot ko. Hahahahaha!

***

Habang kumakain tinanong ko sila lolo kung bakit maraming CCTV dito.. tumingin si lola kay lolo tapos tumingin sakin si lola.. "nag iingat lang kami apo, alam mo na matatanda na kami.. tapos dalawa lang kami at liblib pa tong lugar namin.." sabi niya.. tama lang pala yung iniisip ko kanina.. haha. "para po kasing sa mga napapanuod kong pelikula eh.. yung mga tipong ,may hinuhuli silang uncanny.. something.. alam niyo na..? hehehe."

"Paranormal activity ba yang pinapanuod mo apo? Haha. napanuod na din namin yan. Haha. pero walang ganun dito. Haha." sabi ni lolo.. sabay nagtawanan sila.. nakakahiya tuloy.. "wag kang matakot, walang multo dito.." dugtong pa ni lola..

"eh kaya ka naman pala nananaginip ng kung anu ano eh kakanuod mo ng nakakatakot.." sabi ni mama..

"oo na.." sabi ko sabay kagat sa pritong manok.

***

Tapos na kaming kumaen, nilibot kami ni lolo kanina dito sa bahay ang ganda dito kahit medyo luma.. nakatulog na si mama at si Gabby, magkasama sila sa kwarto habang ako mag isa dito sa kwarto. Kwarto daw to ni papa dati ng bata pa siya.. may mga picture din dito si papa nung bata hanggang sa magbinata siya. Kamukha ko pala siya pero mas gwapo ako.. hahaha! Nakakatawa yung mga porma nila dati. Haha. nagkakatikot din ako dito sa Cabinet.. may mga damit damit pa dito mga luma na pero dahil saradong sarado tong bahay (salamin na kasi tong mga bintana eh tapos may rehas sa labas) kaya walang alikhabok na makakapasok. Haha. siguradong nakikita ko ni lolo or ni lola kung nakatingin man sila ngayon sa monitor ng CCTV..

"Glen??" may kumakatok sa pinto.. si lolo..

"Po??" sagot ko sa tawag niya..

"matulog kna.. maggagala pa tayo bukas.." sabi niya.. oo nga pala nagsabi akong igala niya ko dito sa bundok.. haha.

"opo eto na po.." sinara ko yung pinto ng cabinet at humiga na ko sa higaan..


PerplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon