"february 29, 2008;3am-first encounter (front tree camera)"
ano to..? kuha to sa harap ng daan, yung CCTV dun sa puno sa harapan.. wala naman akong makita? Ilaw lang sa poste at saka daan yung nakikita ko..
biglang nagloko yung camera.. "hanggang dun lang!?"
inulit ko yung video..
teka..
pinause ko sa may bandang bago lumabo yung video..
parang may biglang sumulpot na tao sa malayo..
Yung isang CD naman yung pinanuod ko..
"April 15, 2014;2am-close encounter (backyard camera)" teka? Ng isang araw lang to ah??
Parang may gumagalaw sa likod ng mga puno.. nagloko nanaman yung video.. lumabo..
Luminaw na ulit pero nasa sahig na yung camera.. tapos bigla ulit tong lumabo at dun na natapos.. inulit ko yung video..
Teka?! Pinause ko nang bandang nasa sahig na yung camera at bago lumabo at tuluyang lumabo.. "ano yun??" Parang may binti sa may bandang kaliwa ng video.. pero kakaiba dahil nababalot to ng buhok.. parang sa unggoy.. pero hindi.. dahil parang binti to ng tao..
Pinanuod ko pa yung ibang CD.. wala na kong nakita..
"Glen.."
Si lolo..
"sabihin niyo sa'kin lo! Ano ba talagang nangyayari dito?! Ano tong ibig sabihin ng mga video na to?!"
"hayaan mo kong magpaliwanag.." sabi niya..
"sige ipaliwanag niyo sakin dahil gulong gulo na talaga ko!" galit na utos ko dito.
"may kung anong nilalang ang nakatira sa bundok na ito.. kahit ako o kami ni lola mo hindi alam kung ano o sino yun.. pero sigurado kaming siya ang may kagagawan ng nangyari kay papa mo.."
"ha?! Eh pano yung mga ibang nakatira dito sa bundok??" tanong ko..
"walang ibang nakatira dito sa bundok Glen.. kami nalang ni lola mo ang nakatira dito dahil lahat sila ay nag-alisan na dahil sa takot.." paliwanag nito..
"aalis na kami ni Gabby! Uuwi na kami sa Manila!" kinuha ko yung phone ko.. tatawagan ko sana si mama pero walang signal..
"hindi pa kayo pwedeng umuwi ngayon.. nagka-landslide kanina d'yan sa malapit satin.. nasira yung daan pababa ng bundok.." sabi ni lolo..
Anak ng! mag-i-stay ako dito sa bundok na may gumagala galang halimaw o kung anu man yun?!
"naputol din yung connection ng telpono.. pati mga cellphone walang signal.." dugtong pa nito..
"sana una palang sinabihan niyo na kami lo!" natatakot ako..
"wag kang matakot.." sabi nito..
"si Gabby?! Asan si Gabby??" lumabas ako ng kwarto at pumasok ako sa kwarto nila lolo.. nagising si lola.. si Gabby naman tulog pa din.. "bakit Glen??" tanong ni lola..
Napatingin ako sa monitor ng CCTV.. may tao sa labas ng bahay..
Agad akong bumaba at lumabas ng pinto..
"GLEN!! Pumasok ka dito!!" sigaw ni lolo..
Hindi ako makagalaw sa nakita ko.. hindi tao yung nasa labas.. hindi din hayop.. nakatayo to sa may daan.. hugis lang nito ang nakikita ko.. kulay itim to.. napakaitim.. pero nakikita ko mula sa kinatatayuan ko sa harap ng pinto ang nanlilisik na mga mata nito.. parang mata ng pusa pag nasa dilim..
"GLEN!!" sigaw ulit ni lolo..
Pero hindi pa din ako makagalaw sa takot.. nakatulala lang ako at nanigas na parang bato..
Nanlilisik yung mga mata ng nilalang na yun.. tumatakbo to papunta sakin.. hindi to parang tao tumakbo.. napakaliksi nito.. parang pusa..
Biglang may humatak mula sa likuran ko.. hinatak ako nito papasok ng bahay.. .
Si Lolo.. agad nitong sinara yung pinto..
Kinakalampag ng halimaw yung pinto.. nagpupumilit tong pumasok dito sa loob..
"tulungan mo ko!!" sigaw ni lolo sakin..
ƚ�!�[�"�
BINABASA MO ANG
Perplex
Mystery / ThrillerSa kagustuhan ni Glen na takasan ang kanyang bangungot hindi niya akalain na lalo pa pala siyang mapapalapit rito...