FIVE

7 1 0
                                    

"Ano to?"

"nasaan ako?"

ang dilim.. wala kong makita.. kahit ang Sarili ko hindi ko makita.. napakadilim..

*tak*

Anu yun? Patak ng tubig??

"sinong nandyan?!"

*tak* *tak* tak*

Sunod sunod na to na parang patak ng ulan.. ang ingay! Nakakabingi!

Biglang kumidlat kasunod nito ang napakalakas na kulog..

Kidlat.. kulog..

Kidlat.. kulog..

May naaninag ako.. parang tao..

"sinong nand'yan?!"

Kumidlat at kumulog nanaman.. naaninag ko pa din siya.. nakatayo lang siya pero hindi siya gumagalaw at umaalis sa pwesto niya.. sobrang dilim.. yung napakabilis na liwanag lang ng kidlat yung nagbibigay liwanag sa paligid..

"alam kong nand'yan ka! Sumagot ka!!" sigaw ko.. pero wala pa ding sumasagot.. sobrang dilim talaga wala akong makita..

Kumidlat..

Laking gulat ko ng makita ko na malapit na yung nilalang sa'kin!

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" snapasigaw ako sa takot at napapikit.

Biglang lumiwanag ang paligid.. parang hapon na.. palubog na yung araw..

Nandito nanaman ako sa may talahiban sa may tunnel.. tumingin ako sa paligid ko.. walang ibang tao dito.. ako lang mag isa.. lumapit ako sa may bungad ng tunnel.. gawa sa bakal ang paligid ng loob nito para talaga tong isang malaking kanal.. kinuha ko yung putol na sanga malapit sakin at pinalo ko ang bakal na paligid nito.. umalingaw ngaw sa loob ang ingay na nilikha ng kalampag.. pumasok ako sa loob ng tunnel.. habang pumapasok ako eh kinalampag ko to dahil wala akong makita sa sobrang dilim.. hindi pa man ako nakakalayo biglang nagbago yung paligid.. nasa bungad nanaman ako ng tunnel.. pero hindi na maliwanag.. parang gabi na.. buhay na buhay at matataas din yung mga talahib at basa pa tong mga to parang katatapos lang ng ulan.. nakaharap ako sa tunnel.. tumingin ako sa likuran ko.. nandun yung halimaw.. mabilis tong sumugod papunta sakin!

Pero bago pa man niya ko abutin..

Bigla kong nagising..

"panaginip nanaman.."

Lagi nalang akong binabangungot.. hindi lang basta panaginip to.. parang may kung anong ibig sabihin yung mga panaginip ko.. hindi ko maintindihan eh.. pero parang konektado lahat..

Tumingin ako sa bintana.. mukhang umulan ng malakas kanina.. madilim pa.. tinignan ko yung cellphone ko 3am palang.. ayoko nang bumalik sa pagtulog para kasing tuwing matutulog nalang ako eh binabangungot ako..

Naupo ako sa kama.. "teka?" parang may kung ano sa cabinet.. tumayo para lapitan yun.. hinawi ko yung mga damit ni papa na nakahanger.. may pintuan.. hindi ko 'to napansin ng una kong naghalungkat dito dahil pinigilan na ko ni lolo bago ko pa man makita to.. pero bakit di niya pa ko pinipigilan?? Mukhang tulog pa silang lahat..

Pumasok ako sa pintuan.. may hagdan dito pababa.. parang papuntang basement to.. hindi ko alam na may basement pala sila lolo.. ang dilim.. yung flashlight lang ng phone ko yung ilaw ko..

Nandito na ko sa basement.. walang cctv dito.. mukhang hindi nila inaasahang may makakapasok dito bukod sa kanila..

Teka ano to?? May mapa sa pader.. tapos may mga pictire parang may iniimbistigahan sila.. teka?? Picture ni papa to ah??

Pati yung mga picture ng crime scene niya.. mukhang iniembistigahan nila lolo kung ano ba talagang nangyari kay papa.. kelangan ko nang bumalik sa kwarto bago pa nila malaman na nandito ako..

Mabilis akong naglakad pabalik ng may masipa akong parang kahon.. tinignan ko yung laman nun.. mga CD.. CCTV footage.. kinuha ko yung kahon at bumalik na ko sa kwarto..

Agad kong kinuha yung laptop.. pinanuod ko yung isang CD..

"february 29, 2008;3am-first encounter (front tree camera)"

ano to..? kuha to sa harap ng daan, yung CCTV dun sa puno sa harapan.. wala naman akong makita? Ilaw lang sa poste at saka daan yung nakikita ko..

biglang nagloko yung camera.. "hanggang dun lang!?"

inulit ko yung video..

teka..

pinause ko sa may bandang bago lumabo yung video..

parang may biglang sumulpot na tao sa malayo..

PerplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon