SIX

16 3 0
                                    

"Haha! Oo nga no?? Tara na nga. Nagiging malilimutin na ang lolo mo! Haha. Buti nalang wala tayong nakasalubong na mababangis na hayop! Haha! Unahang bumalik ng bahay!" Halatang may tinatago tong matandang 'to ah? Hehe. Pero uunahan ko siyang umuwi! Ayokong maiwang mag isa dito sa daan!

***

Nakauwi na kami. Hiningal ako! Ang bilis tatakbo ni Lolo! Buti nalang umatake yung rayuma niya! Hahaha! Ako pa din ang nanalo!

Umakyat na si lolo sa kwarto kasama si lola. Si Gabby naman tulog pa din dun sa kwarto. Ako naman andito sa sala.

Oo nga pala may internet dito!! Buti nalang dinala ko yung laptop! Haha. Wala kasing hilig manuod ng TV sila lolo kahit may TV dito kasi puro stress lang daw ang binibigay ng mga palabas na drama dito. Haha. Kaya sa internet nalang sila nakikiupdate, nakakapili kasi sila ng mga gusto lang nilang basahin o panuorin saka hindi talaga sila nagpapahuli sa uso.

Dineactivate ko nga pala FB ko!! May dare kasi kami ng kaklase ko na makakatiis ako ng walang FB ng hanggang pasukan eh. 5k pustahan namin! Haha. Mag goo-google nalang ako.

"Dreams" *enter*

"Dreams... Day dreams... What are dreams? Eto!" *click!*

"Dreams. Ano yan apo?"

"Nyaaah!!" nagulat ako kay lola! "Lola naman eh! Wag naman kayo basta bastang sumusulpot!"

"Hahaha! Sensya apo... Nagulat ba kita? Haha." pang iinis nya pa. "Ano ba yang sinesearch mo?? Mabagal yung internet pag gantong oras." sabi nito.

Tumingin ako sa laptop ko hindi na nga nagtuloy yung pagloload. Kainis...

"Sakin mo nalang itanong yung gusto mong malaman." sabi nito.

"Haha. Sige nga? Anu po bang ibig sabihin ng panaginip??" tanong ko.

"Alam mo apo. Ang panaginip napakamakapangyarihan niyan. Ang paniwala ng matatanda noon samin, pag nananaginip ka eh naggagala ang kaluluwa mo." sabi nito.

"Ha?? Eh anu po yung nakikita natin sa mga panaginip? Ang ibig sabihin po totoo lahat ng yun??" tanong ko.

"Oo pero hindi lahat ng naalala mo eh talagang napaginipan mo, yung iba kasi nabuo lang nang magising ka na. Pero ang totoo, hindi yun ang talagang napaginipan mo." paliwanag nito.

"Eh pano naman po yung mga panaginip na parang totoo? At hindi lang basta kathang isip? Kunwari ako, nanaginip ako ng nakakatakot tapos nagising ako at naaalala ko pa din at siguradong sigurado akong napaginipan ko yun??" tanong ko.

"Alam mo, sa mundo natin, napakaraming dimensyon bukod sa dimensyon kung nasan tayo ngayon. Pero ang panaginip, napakamakapangyarihan nito. Nagagawa ka nitong dalin sa kahit saang Time dimension." sabi ni lola.

"Anung ibig niyong sabihing Time dimension?" tanong ko.

"Kapag nananaginip kasi tayo humihiwalay ang kaluluwa natin sa katawan natin. Ang kaluluwa natin, hindi 'to nabibilang sa kahit na anung dimensyon kaya, kaya nitong pumunta sa iba't ibang time dimension. Tulad ng mapupunta ka sa nakaraan o hinaharap." paliwanag nito.

"Ahh. Lola..." sasabihin ko na ba kay lola yung napapanaginipan ko? Mukhang maipapaliwanag niya naman yung panaginip ko eh.

"Anu yun apo?"

"Ah...Eh..."

"MAMA!!! MAMA!!" sigaw ni Gabby.

Akyat agad kami ni lola sa taas. Si lolo naman biglang napalabas ng kwarto at agad pumunta kay Gabby. Yung boses kasi ni Gabby takot na takot, ngayon ko lang narinig yung batang yun ng ganung takot na takot.

Pagpasok namin ng pinto, tumakbo agad si Gabby papunta kay lola.

"Mamaw!! Lola may mamaw dun!!" takot na takot na sumbong nito habang tinuturo yung bintana. Tumakbo agad si lolo papunta sa bintana para tignan. Ako din tinignan ko pero wala naman kaming nakita. Lumabas din ng bahay si lolo sumunod din ako sa kanya. Wala din kaming nakita.

Pagpasok namin nasa sala na sila lola. Umiiyak pa din si Gabby.
"Nanaginip lang siguro si Gabby." sabi ni lola.

"10 am palang Gabby, walang halimaw ng ganto kaaga. Haha!" pang iinis ko dito. Haha. Totoo naman kasi eh.

"Manuod ka nalang ng TV ha? Mamaya kakain na tayo." pang uuto ni lola dito para tumahan.

***

Gabi na...

Tapos na kaming kumaen. Nakalock na yung mga pinto pati bintana. Si Gabby dun na natulog sa kwarto nila lola, ako naman hindi ako makatulog... Hayy! Bababa muna ko sa sala para manuod ng TV... Pag labas ko ng kwarto ko makikita agad sa tapat nito yung kwartong tinulugan nila mama at Gabby. Nakabukas yung pinto pati yung bintana pumapasok tuloy yung hangin ang lamig. Nakalimutan sigurong isara nila lolo. Pumasok muna ko sa kwarto para isara yung bintana. Lumapit ako sa bintana. Biglang naging kakaiba yung pakiramdam ko. Parang may nakatingin sakin. Tumingin ako sa labas. Wala kong masyadong makita kundi yung mga puno. Madilim kasi dito sa likuran ng bahay dahil di umaabot yung ilaw ng poste. Sinara ko na yung bintana. Bumaba na ko sa sala. Manunuod muna ko ng TV.

Naupo ako dito sa single sofa. Sa bandang likuran ko may bintanang maliit hindi kakasya yung tao dun. Pero kung batang maliit ka kakasya ka. Haha. Ginawa daw yun para dun papasok yung pusa nila lolo. Eh kaso nawala last week yung pusa.

Nanunuod na kong TV pero naaaninag ko mula sa TV yung bintanang maliit. Ang creepy. Pero hindi ko nalang pinansin. Maganda yung pinapanuod ko eh.

Maya maya pa naaninag ko nanaman yung bintana. Parang may gumagalaw. Hindi ko masyadong maaninag kung anu yun. Binabaan ko yung brightness ng TV gamit yung remote.

Laking gulat ko sa nakita ko. kamay ang gumagalaw! Parang pilit niya kong inaabot. Nakakatakot yung itsura ng kamay! Hindi ko masyadong makita ng napakalinaw pero nakikita ko yung haba ng mga kuko nito! Napapalubog na ko sa kinauupuan ko para lang hindi ako maabot nito. Hindi ako makagalaw o makasigaw sa sobrang takot ko para kong naging bato. Pinagpapawisan na ko sa sobrang takot!

"Glen!" biglang may nagsalita. Pagtingin ko sa may hagdan si lolo.

Tumingin ako sa may TV wala na yung kamay. "Nakita niyo yun 'lo??" tanong ko kay lolo.

"Alin??" tanong niya.

"Yung kamay! Dito sa may bintana!"

"Ha? Wala namang kamay ah? At panong magkakakamay d'yan eh dis-oras na ng gabi?" nagtatakang sabi nito.

Dali dali akong tumayo at umakyat papunta sa kwarto ni papa. Takot na takot pa din ako!!

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

***

"Ano to?"

"Nasaan ako?"

Ang dilim... Wala kong makita. kahit ang sarili ko hindi ko makita. Napakadilim...

*tak*

Anu yun? Patak ng tubig??

"Sinong nandyan?!"

*tak* *tak* tak*

[To be continued]

-------------------------------

Teaser for next chapter:

'Naupo ako sa kama... "Teka?" parang may kung ano sa cabinet... Tumayo ako para lapitan yun. Hinawi ko yung mga damit ni papa na nakahanger.'

PerplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon