Erykah Sunshine
.
Certified heartless.
Full moon ba mamayang gabi? Ba't ganun ang ugali? Ang hirap hulaan ng ugali ni Glenn. Ang buong akala ko kasi ay galit siya kanina, eh, parang wala lang naman iyon sa kanya.
Inayos ko na lang ang mga natitirang damit ko at naglinis sa condo. Malinis na ang lahat, pero dahil nakikitira lang naman ako rito ay mas mabuting mag linis ulit. Bumili rin ako ng stock na pagkain na puwede kong maluto sa tuwing magugutom ako. Nag-stock rin ako ng mga paborito kong chi-chiria at iba pa.
Sunday came, and there was nothing to do. I rang Nanay Mira because I was thinking of her, and everything is good on her part.
Uuwi raw siya sa Mindanao sa susunod na linggo dahil kailangan. May sakit daw ang anak niya at ang walanghiyang asawa niya ay wala raw silbe, dahil nagkakasakit daw ang mga bata. Hindi nga siya masaya, dahil pera na naman daw ang po-problemahin niya, pero dahil nakaipon na siya ng konti, ay napagpasyahan niyang umuwi nalang at magsimula ng panibagon negosyo.
I felt sad knowing that she would be going home. Nanay is the only friend I have here. I can't call the people back home because I know my stepmother will catch me, and I'm not yet ready for that.
Lunes, maaga ako ngayon sa firm. Wala pa silang lahat at ako pa talaga. Nilinis ko ang opisina ni Glenn at inayos ang iilang kalat sa paligid. Hindi ko ginalaw ang mga nakarolyong papel dahil alam ko na importante ang mga ito, at ayaw kong ibaba sila sa puwesto kahit na nagkakagulo sila sa bawat anggulo.
"Who are you? Ikaw ba ang bagon PA ni engr?"
I looked at her and stood formally. She looks like an executive with a well-maintained figure. It's obvious that she's at her age, like her forties, but still, she looks gorgeous.
"Uhm, yes. It's Erykah Sunshine."
"Oh, I see! Ikaw iyong hinanap ni engr noong nakaraang mga linggo. Ikaw pala." Ngumisi siya at tinitigan ang bawat anggulo ng silid ni Glenn.
"Good that you're cleaning. By the way, did you receive my email? Engr Glenn instructed me to forward his entire schedule to you."
"Uhm, I haven't checked my emails. I will do it now."
Mabilis akong humakbang pabalik sa mesa ko at sinunod niya ako nang tingin. Halata naman, dahil parang magnet ang mga mata niya sa akin.
"O-Okay. I got it." Saglit akong ngumiti sa kanya nang makita ito sa inbox ko. Umayos at tumango agad siya.
"Simula ngayon ay ikaw na ang hahawak sa lahat ng schedule ni engr, okay? Kung may problema ka at kung wala kang maintindihan ay magtanong ka kay engr, at huwag sa akin. Kasi si engr naman talaga ang mas may alam sa mga kliyente niya."
"Okay."
"At isa pa. Ayaw na ayaw ni engr na magalaw ang mga papelis niya sa loob. May strategic plan kasi ang utak ni engr. At kung gagalawin mo ang bawat rolyo ng blueprint sketch plan na papel na nakatayo riyaan at sa gilid ay magwawala iyon kapag 'di niya mahanap. Hayaan mo nalang ang loob ng opisina niya na ganyan."
"Okay."
Huminto siyang saglit at tinitigan lang din ako.
"By the way, alam mo naman siguro na allergic si engr sa pabango ano?"
"H-Ha?" umawang ang labi ko. Hindi ko alam ito ano!
"You can wear a perfume. That's fine, but not those strong ones. Sensitive ang ilong ni engr." Iniwas niya ang mga mata sa akin at saka bahagyang tumalikod.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 Mature content She's haunted by her past, and his heart is off-limits. They were never meant to cross paths, but when their lives collide, they find solace in each other's arms. Can they break the w...