Chapter 66

809 17 0
                                    

Akira's pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muhka ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at bumangon kasabay ng pag unat ng katawan ko.

Bumaba ako para sana tignan ang triplets kaso wala na sila dito. Wala na rin si Sean kaya malamang sya na ang nag labas sa triplets.

Ginawa ko nalang ang morning ruotine ko at nag palit ng damit bago ako bumaba

Napabilis ang pag baba ko ng marinig ko ang boses nila kuya sa may salas.

"Omg!!! Beshe ko!!!" Tili ni Shaila na syang nag patakip sa tenga nilang lahat.

"Love hwag kang sumigaw magigising ang apat" sayaw ni kuya pero di sya pinansin nito at kaagad akong dinambahan ng yakap.

"I miss you my sister-in-law parang ang tagal natin di nag kita sobra kitang namiss bruh—aray!!" Daing nya ng piktusan ko ang ulo nya.

"Isang buwan lang kayo nawala akala mo naman dinala mo na lahat ng speaker sa sobrang lakas ng tili mo" sumimangot ito sa sinabi ko. Nag dadabog pa ito na akala mo di binigay ang gusto nya, tss.

"Good morning wife" lumapit sa akin si Sean at hinalikan lang ako nito ng mabilis bago hinapit sa bewang ko.

"Ano na palang nangyari? Kahit isang buwan lang kaming nawala para kayong binagsakan ng langit at lupa sa itsura nyo na yan" tanong ni kuya sa kanila, o sa amin.

"Ayon nag lalaho ng parang bula ang mga tao dito. Hayss si Abigail naman ang biglang nag laho, ewan ko kila Eron nag away na naman siguro" napapailing na sagot ni Warren sa kanya.

"May update na ba sa kakambal mo?" Tanong ni kuya kay Sean kaso umiling lang ito. "Hanggang ngayon wala pa rin, Hindi ko alam kung saan lupalop ng mundo pumunta yon" sagot ni Sean sa kanya.

"Lakas din ng amats non ah?" Nakangising turan ni kuya. "Kahit si Andrea di pa nakikita" biglang nag iba ang timpla ng muhka ni kuya Felix. Sige nga? Paanong di mag iiba ang timpla ng muhka, eh nawala nalang ng parang bula din si Andrea?

"Mapapatay ko yon, Sean" banta ni kuya Felix na ikinatawa ng mahina nitong isa kaya siniko ko ito.

"Si Jona, muhkang may plano na naman sya" natahimik kaming lahat sa sinabi ni Neil.

"Bakit?" Kunot-noo na tanong ni Wade. "Pagkatapos kasi ng sagupaan noong nakaraang taon. Yong pag tangka sana natin mahuli ang uncle nila Damon, nawala rin si Jona. Malamang sa malamang may pinaplano na naman yon" sagot ni Neil.

Tumingin silang lahat kay Sean.

"Damo ano na'ng gagawin mo?" Sinamaan ng tingin ni Sean si kuya pero nginisihan lang sya nito.

Ganyan na sila simula na'ng ikasal si kuya kay Shaila.

"Hindi pa rin ako mapapanatag kahit marami na'ng mga body guard at security ang mansyon na to. Kahit saan kami mag punta may natatanggap pa rin kaming sulat" sagot ni Sean.

Sulat? Ang alam ko sa akin lang yon? Pero—

"Diba ako lang pinapadalhan nya?" Kunot-noo na tanong ko sa kanya. "Oo," tipid na sagot nya.

Narinig naming umiyak si Diana kaya kaagad ko itong dinaluhan para naman patahanin.

"Shhh anak, tahan na" pag papatahan ko sa kanya kaso umiiyak pa rin ito kaya nag aalalang tumingin ako kay Sean.

Lumapit naman sya sa akin at kinuha sa akin si Diana bago hinele-hele kaso kahit sya di nya mapatahan.

"Kagabi pa sya umiiyak, di pa rin sya napapatahan. Kung tatahan sya saglitan lang tapos mamaya iiyak na naman sya" sambit nito.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon