Chapter 65

1K 23 7
                                    

Kira's pov

1 year passed

Sa isang taon na nakalipas ay walang araw na di hinanap ni Sean ang kapatid nya. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kay Devion pati sa kapatid ni kuya Felix na si Andrea.

"Nako Kira yong mga babies mo umiiyak na naman" tawag sa akin ni Daniella. Hindi pa rin sila okay ni Mark, nag uusap sila pero di katagalan dahil umiiyak si Daniella sa kanya.

"Pag tapos ng kambal, may triplets ka naman" natatawang sabi ni Elliana na ikinanguso ko.

"Sakit kaya manganak!!" Singhal ko sa kanila na mas ikinatawa naman nila lalo.

Mga pangalan pala ng triplets ay... Derrin Kevin Selvenia, Darrin Simon Selvenia at Diana Kate Selvenia. Iyan ang mga pangalan ng triplets, si kuya Akito naman at Shaila ay may anak na lalaki na rin. Aries Michael Arilla ikinasal lang sila 5 months ago at mismong si Wade ang naging attorney nila sa kasal nila kuya.

Nagulat din sila nanay noon kasi di daw nila aakalain na mag kakatuluyan din sila Shaila at kuya, tss pakipot pa ang mabait kong kapatid eh.

Pero....... Si Dennise at Jiro ay napapadalas na mag-away. Minsan pa nga kapag nag kikita sila o nag sasalubong mabilis na umiiwas si Dennise kay Jiro.

Malaki na rin ang pinag bago ni Jiro matured na matured na kahit 15 year old palang sya at habang si Dennise naman ay 21 year old.

"Sis mga babies mo gutom na" nilapitan ko ang mga anak ko na umiiyak. Malakas umiyak si Diana, si Simon naman ay malakas makadede at si Kevin naman? Malakas dumede sa gatas na nakalagay sa chuppon nila.

"Nako ang prinsesa namin umiiyak na naman" sulpot ni kuya Mark. Binuhat nya si Diana pero mas umiyak lang ito kaya tinawanan sya nila Warren.

"Tol ibigay mo na yan sa daddy nya, alam mo naman na daddy's girl yan" natatawang sabi ni Neilson. Nandito na rin pala sila.

"Damon anak mo" usal ni kuya Mark kay Sean na kaagad nilapitan at kinuha si Diana.

"Shhhh stop crying now baby Diana, daddy's here na" napangiti ako ng makitang nakangiting pinapatahan nya si Diana.

"Mama nag luto kami ni kuya Drake ng cupcakes" malapad na ngiting sabi ni Sofia kaya nagulo ko ang buhok nya.

"Hindi ba makalat sa kitchen?" Tanong ko sa kanya na kaagad umiling. "Tita Elliana's help us po mama kaya malinis po ang kitchen" bibo na sabi nya kaya napangiti ako.

Lumabas ng kusina si Drake na may dalang plato na may cupcakes at si Elliana na may dalang pitchel at baso.

"Guys kumain na kayo" tawag nya sa mga kasama ko na kaagad naman pinuntahan ng mga boys si Elliana.

Napapansin ko na may something sa pagitan nila Ace at ni Elliana pero parang wala lang sa kanila yon.

Galing mag panggap noh?

"Guys!!!" Napatingin kami sa may pinto ng sumulpot si Erin na parang balisa.

"Oh bakit? Parang hinabol ka ng kapwa mo bakla ah?" Nakangising sabi ni Warren na kaagad ikinabatok ni Angel.

"Tumigil ka na nga dyan!!!" Galit na sabi ni Angel na ikinailing naman namin. "Bakit parang di ka mapakali dyan? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"N-nakita nyo ba si Abigail? K-kasi nawala nalang sya bigla" kumunot ang noo ko sa tanong nya.

For the first time na tinanong ni Eron si Abigail sa amin dahil kahit noon pa man ayaw na ni Eron kay Abigail dahil masyado daw itong obsessed sa kanya.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon