Chapter 63

941 22 4
                                    

Kira's pov

Naalimpungatan ako ng may humahalik-halik sa pisngi at labi ko kaya napadilat ako ng mata at ganon nalang ang gulat ko ng makitang si Sean lang pala yon.

"Hmm hubby kanina ka pa ba dyan?" Inaantok na tanong ko sa kanya. Di ko na rin naramdaman ang kambal sa tabi ko na malamang ay dinala nya na sa mga kwarto nito.

"Kakarating lang wife, nagising ba kita? Sorry namiss ko lang mag lambing sayo" napangiti ako sa sinabi nya.

Kinawit ko ang dalawang braso ko sa kanyang leeg kaya ngayon ay nakasiksik naman na ang ulo nya sa leeg ko at ganon din ako sa kanya.

"Sabi nila Ace nasa ibang bansa ka raw ngayon?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko na hinahalik-halikan nya ang leeg ko kaya nakikiliti ako sa ginagawa nya.

"Oo pero umuwi din ako agad dito. Alam ko di ka sanay na walang inaaway kapag nag babago mood mo" natawa ako sa sinabi nya. Totoo naman yon, si Sean ang mas gusto kong kaaway pero nag papalambing pa rin ako sa kanya.

Sisihin nya anak nya sa tyan ko sya ang nangunguna sa daddy nya.

"Pahinga na tayo, pagod ka sa work mo diba?" Tanong ko dito. Umangat naman ang ulo nya at tinignan naman ako sa mata sa mata.

"Ikaw ang mas kailangan mag pahinga Kira. Bawal sayo ang mag puyat" hinaplos nito ang muhka ko kaya napapikit ako para damhin ang init ng palad nya.

"But i need your hug hubby" nakangusong sabi ko dito. Natawa sya ng mahina at hinalikan ang labi kong nakausli bago ako muling niyakap.

"Okay, I'll stay here in your side. Go back to sleep now my queen" sumiksik ako sa kanya na yakap sya hanggang sa makatulog muli ako.

Sean's pov

Na'ng maramdaman ko na'ng tulog si Kira ay dahan-dahan akong umalis sa kama para di sya magising.

May kailangan pa akong puntahan ngayon kaya maiiwan ko muli sya dito sa mansion.

Hinalikan ko muna muli ang noo nya bago ako lumabas ng kwarto naming dalawa. Nadaanan ko pa si Devion na malalim ang iniisip at parang ang sama ata ng timpla ng mood nya.

"Sure kang uuwi ka sa mansion, kuya Damon?" Tanong nito sa akin. "T*nga kasama ka" napangiwi naman ito sa sagot ko kaya natawanan ko ito.

Umiling nalang ito bago nag lakad kami pababa at paglabas ng pinto ay nandoon na sila Ace na nag hihintay.

"Bossing paano naman si Akira walang kasama dito?" Tanong ni Warren sa akin. "Sila Margarette na ang bahala kasama ang kapatid nito" sagot ko sa kanya.

"Pasalamat ka malaki rin ang utang na loob ng kapatid mo sa amin kung di baka nilibing na kita ng buhay" banta ni Mercy sa akin na ikina ngiwi ko naman.

Kahit kailan ang babaeng to masyadong brutal, tss.

"Nabalitaan ko rin na nandoon si Joan sa mansyon, kuya" napatingin ako kay Devion na ngayon ay papalapit na sa amin.

"Basta ang plano ay plano, kailangan  natin makuha si mom sa mansion na yon" sagot ko sa kanila na ikinatango naman nila.

"Ingat bro, baka pag balik mo nasa kabaong ka na ah" sinamaan ko naman ng tingin si Jerick na nakangisi sa akin.

G*go din ito eh!!!

Umalis na kami sa mansyon, kailangan kong matapos ito dahil baka hanapin agad ako ni Akira pag nagising iyon.

Third person's pov

Huminto sila sa di kalayuan ng mansyon na tinitirhan ng pamilya nila Damon. Bumaba naman agad sila Damon sa kotse nila at nilingon si Devion na kaagad namang ikinatango nito.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon