Chapter 62

947 19 2
                                    

Akira's pov

Nailipat na rin ng hospital si Shaila at ngayon ay nandito kami sa AKL Hospital na pag aari ni Angel.

Isang doctor ang pinsan ni Sean na si Angel at isa rin pala nyang kasamahan/kaibigan si Abigail.

Sa ngayon nakaupo ako sa may upuan kung nasaan ay nakahiga ang kaibigan ko at hawak ang kamay nya. Sobra pa rin akong nag aalala dahil isang araw na pero wala pa rin syang malay.

Napatingin ako sa tyan nya, napangiti ako ng maalalang ligtas si baby sa tyan nya at di ito nalaglag.

Medyo inaantok na rin ako. Haysss ganito talaga kapag buntis minsan inaantok pero madalas talagang antukin na sila.

Papikit-pikit ako ng maramdaman ang daliri nya na gumalaw kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Naluluhang napangiti ako ng makitang may malay na sya kaya kaagad kong pinindot ang alarm sa may uluhan nya na tandang kailangan ko na ng doctor ngayon.

"Oh my ghad Shaila, nag kamalay ka na rin sa wakas" bulalas ni Abigail ng makapasok ito kasama si Angel.

"S-sino kayo?" Natigilan ako sa tanong nya.

S-she not remember us? S-she not remember me?

"Hoy Shaila hwag kang ganyan. Di nakakatawa yan" pekeng tawa kong sabi habang nanunumig na ang mga mata ko dahil sa takot na baka di nya talaga ako o kami kilala.

"Pero di ko kayo maalala" doon ay tuluyan na akong nanghina na kaagad naman sinalo ni Angel at pinaupo.

"Bruha ka!!! Gusto mo bang sabunutan kita ngayon din!!" Akmang sasabunutan ni Abigail si Shaila ng inawat agad ito ni Angel.

"A-angel bakit ganon? B-bakit walang maalala kaibigan ko?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

"Hindi naman gaano kalakas ang impak na nangyari pero nag karoon pa rin ng damage ang utak nya" sagot nito sa akin.

"K-kung ganon? W-wala talaga syang maalala?" Humihikbing tanong ko sa kanya. "I'm not sure pa Kira" napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito kaya kaagad nataranta ang dalawa ng makita nila ang nangyari sa akin.

"Oh my!!! Don't pressured yourself Akira, baka malagot kami kay Damon yan" natatarantang sabi ni Angel.

Iyak lang ako ng iyak ngayon dahil sa sama ng loob o dahil sa walang maalala ang kaibigan ko.

Bakit ba nangyari ito?

"A-akira" napatingin kami kay Shaila na ngayon ay bakas na rin ang pag aalala.

"A-ayos lang ako S-shaila. M-mas mabuting mag pahinga k-ka na muna" nauutal na sagot ko sa kanya.

Tumayo naman ako at todo alalay naman sa akin ang dalawa. Akmang tatalikod na ako ng marinig ko ang sinabi ni Shaila na ikinaiyak ko lalo.

"Joke lang beshe, di naman ako nawalan ng ala-ala eh. Binibiro lang kita" at dahil sa sinabi nya ayon namura't sinermonan sya ni Abigail.

"G*ga ka talaga!!! Alam mong buntis kaibigan mo ginaganyan mo na yan!!! Aba gusto mo atang malibing kami ng wala sa oras kapag nalaman ito ni Damon!!!" Galit na galit nitong sabi.

"Sorry na guys" nakangusong sabi nito.

"Hay, tatawagan ko na sila Damon at para na rin mawalan na ng kademonyohan ya'ng si Akito" sabi nito bago lumabas ng kwarto.

"Si kuya ba talaga ang ama ng batang dinadala mo Shaila?" Tanong ko sa kanya. "Di ko sya iiwasan Akira kung hindi" may pagka sarkastikong sabi nito na ikinairap ko.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon