6

36 1 0
                                    

Maka lipas ang ilang linggo mula nung sagutin ko si Lesther, ngayon ko masasabing na sa “ happy, healthy relationship ” na ‘ko. Iba rin ang treatment sa'kin ni Lesther, mukhang seryoso talaga siya sa'kin.

“ love ”

“ ano 'yun? ”

“ may nahanap na akong bahay, dun sa ka bilang barangay. Mas malapit rin sa school and mas okay siya kesa rito. ”

“ rent ba? ”

“ no love, it's our home. ”

“ what do you mean 'our' home? ”

“ sinabi ko na kay daddy about us, and in exchange they.. bought us a house since i've been renting a place for a while na and since may boyfriend na raw ako, dapat raw may sarili na akong bahay. ”

“ seryoso ba? ”

“ oo, but they're still filing some paperworks na katunayan na sa'tin ‘yung bahay. ”

“ pero diba sabi mo nag hanap ka ng bahay and.. sabi mo rin na may nahanap ka na ”

“ oo nga, hinanap ko 'yung bahay na binili nila daddy for us. ”

Nahiga ako sa tabi ni Lesther at yumakap, yumakap rin siya sa'kin pabalik. Naka ramdam rin ako ng antok kaya nag pasya ako na matulog muna para maka pag pahinga para na rin sa serve mamayang gabi.

Makalipas ang ilang oras at na sa church na kami, na sa sacristy na ako at si Lesther naman ay na sa labas.

Lumabas na kami mula sa sacristy at nakita ko si Lesther na may kinakausap na lalake habang naka ngiti, hindi ko nalamang iyon pinansin at pumunta na sa aming formation.

Nag salita na rin ang aming commentator at nag simula na rin kaming mag lakad papuntang altar, thurible nga pala ang serve ko ngayon at panigurado nga namang amoy usok nanaman ang aking sutana dahil na ring kadalasan ko itong gagamitin sa misa.

Maka lipas ang halos isa't kalahating oras ay natapos na rin ang serve ko sa simbahan, lumabas na ako habang dala-dala ang sutana at nakita ko si Lesther na nag aantay sa labas ng simbahan na may dalang inumin at tissue, nilapitan ko agad siya at inabot niya sa'kin ang dala-dala niyang inumin.

“ here oh ” sabay abot sa'kin

“ thank you love ” ininom ko ito at pinunasan rin ni Lesther ang pawis ko sa mukha habang iniinom ko ang binili niya, talaga namang swerte ako sa taong 'to. Apaka caring and loving naman ng taong ito ay!

“ nga pala, mauna ka na umuwi sa'kin. Bibisita ako kina uncle, baka gabihin rin ako don.

“ kina uncle mo lang ba talaga? ”

“ oo, at wala na ‘kong ibang pupuntahan. ”

“ sige, dun ka na ba mag dinner? ”

“ oo eh, nag luto raw si tita. ”

“ sige love, ingat ka ha. ” sabay kiss sa kaniyang pisngi.

Niyakap rin ako ni Lesther bago siya umalis at sumakay sa jeep, ako naman ay nilakad lang pauwi ng bahay dahil na rin iba ang way ni Lesther sa'kin

Makalipas ang ilang minuto at naka rating na rin ako sa'min, naupo muna ako at nag pahinga bago mag palit ng gamit at bago rin mag luto ng hapunan.

Meanwhile at Lesther's.

“ uncle? Uncle Fred? ” sabay katok. Maka lipas ang ilang segundo ay bumukas na rin ang pinto, si Christian ang nag bukas sabay sabing “ uy pasensya na kuya, nag iiniy kase ako ng ulam. Pasok ka kuya ”

SEMINARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon