Chapter 2

35 2 0
                                    

Naalimpungatan ako ng may marinig akong sumisigaw na parang namimilipit sa sakit. Kinabahan ako ng marinig ko ang pagmamakaawa ng lalake na huwag syang patayin.

Hala, nababaliw na ba ako?

Mabilis akong bumaba ng kama at tinungo ang pintuan. Pinihit ko ang door knob. Naging masaya ako ng bumukas ang pinto. Yes! Hindi naka-lock!

Dahan-dahan akong lumabas at bumaba ng hagdan. Sinundan ko ang sigaw ng isang lalake. Huminto ako sa isang room sa pinakadulo. Malapit lang sa kwarto kung saan ako dinala ng lalakeng 'yon. Kaya siguro rinig na rinig ko anng sigaw ng lalake.

Sumilip ako sa nakaawang na pinto. Napatakip ako sa bibig ko sa nakita. Hawak ng dalawang tauhan ng lalakeng 'yon ang isang lalake. Sumisigaw sya dahil patuloy syang hinahampas sa likod ng latigo.

Nahigit ko ang hininga ko ng kumuha ang boss nila ng pliers at inipit ang daliri ng lalake. Sumigaw sya sa sakit. Halos mag wala na sya dahil sa sobrang sakit.

"I told you to stop shouting because my wife are sleeping but you didn't listen to me."malamig na saad ng lalakeng kumidnap sakin.

Hindi ko mapigilan na maawa sa kalagayan ng lalake. Torture room siguro ito dahil maraming nakasabit na iba't-ibang patalim at baril sa dingding.

Mas lalo akong nagulat sa sinabi ng lalakeng kumidnap sakin.

"Cut his head and send it to his boss." saad nya.

Tumango ang mga tauhan nya. Bago pa sya makalabas ay dali-dali akong pumunta sa main door. Walang mga tauhan dahil lahat sila nasa torture room.

Nakahinga ako ng maluwag ng mabuksan ko ang pinto. Nakaisang hakbang pa lang ako ng bigla na lang may sumigaw na dumagungdong sa buong bahay. Nanginig ako dahil sa takot ng marinig ko ang pangalan ko.

"FVCK! WHERE ARE YOU AIVIE?! SHIT! FIND HER! IF YOU DIDN'T FIND HER I WILL KILL ALL OF YOU! GOD-DAMN IT!"

Walang lingon lingon akong tumakbo at tinungo ang gate. Nanlalambot ang mga tuhod ko pero hindi ko ito ininda. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

Ayoko pang mamatay!

Nataranta ako ng hindi ko mabuksan ang gate. Tangina! Hindi ko alam kung paano buksan 'to! Wala syang lock. Feeling ko ay may pinipindot dito para ma open.

Wala na akong time! Kailangan ko ng makaalis bago nya ako maabutan. Natatakot ako sa posibleng mangyayari sakin kapag nahuli nya ako.

Rinig ko ang mga yabag kaya mabilis akong nagtago sa malaking puno. Pigil ang hininga ko habang nagtatago sa malaking puno.

"HANAPIN NYO SYA! HALUGHUGIN NYO ANG BUONG BAHAY! HINDI SYA MAKAKALABAS DAHIL HINDI NYA MABUBUKSAN ANG GATE! FIND HER IMMEDIATELY! FVCK!" rinig kong sigaw nya.

Ano ba 'tong ginawa ko? Nakakatakot sya. Pakiramdam ko kakainin nya ako ng buhay kapag nahanap nya ako.

Hindi ko namalayan na hindi na pala ako humihinga kaya huminga ako ng malalim. Tinakpan ko ang bibig ko. Natatakot ako dahil baka sa oras na mahanap nya ako ay totohanin nya na ang sinabi nya na papatayin nya ako.

Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang mga yabag patungo sa direksyon ko. Nanginig ang buong kalamnan ko ng marinig ko ang galit na boses nya.

"Get out. Alam ko kung nasaan ka nagtatago. Lumabas ka na dahil nauubos na ang pasensya ko!" galit na sabi nya.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang yabag nya paalis. Akala ko katapusan ko na.

Paano ako makakalabas? Hindi ko alam kung paano buksan ang gate. Paano na ako nito?

Killer's Obsession Where stories live. Discover now