Chapter 11

87 4 0
                                    

Buntis ako....

Buntis ako....

Buntis ako!

Natulala na lang ako ng ma-proseso ng utak ko ang nangyari.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi ko mapigilan na maluha. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag. Pero ang nangingibabaw ay ang saya ko ngayon.

Masaya ako dahil magkaka-baby na ako, kami ni Salem. Bukod sa pagiging teacher ay pangarap ko rin na maging isang ina kaya sobrang saya ko ngayon.

Pero ang tanong....matatanggap ba ni Salem ang batang nasa sinapupunan ko?

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Pinunasan ko ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Cindey.

"Are you okay, Aivie?"

Napalunok ako at inayos ang sarili ko bago ako lumabas ng banyo. Agad dumako ang tingin sakin ng lahat ng mga tao sa loob ng kwarto.

Dumako ang tingin ko kay Salem na nakatingin din sakin ng mariin at kalaunan ay nginitian ako ng napakatamis kaya sinuklian ko iyon.

Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Paano kung hindi matanggap ni Salem ang bata? Ano nang gagawin ko?

"Ouch! Fvck you, Gray!"

"The hell, Kaius! I didn't do anything, stop it!"

"Tangina mo, Axel! Bakit ka ba nambabato ng unan?"

"Gago ka, Devin, hindi kita inaano!"

"Stop it, morons!"

Rinig kong pag-aaway ng apat dahil sa pagbabatuhan ng unan nila Gray at Axel kaya natamaan din ng unan sila Devin at Kaius maging si Salem ay natamaan din. Kaya ayon, naghahampasan na sila ng unan at hindi ako makapaniwala na maging si Salem ay nakikipaghampasan na rin ng unan sa apat.

Ang childish din pala ng mga 'to, ngayon ko lang nalaman.

"What's the result?" mahinang bulong sakin ni Cindey.

Napatingin ako sakanya at kinakabahan na binigay sakanya ang dalawang pregnancy test. Agad nya itong kinuha at nakita ko ang pagngiti nya ng makita ang resulta. Nagawa pa talaga nyang ngumiti habang ako ay abot langit ang kaba.

"I knew it! Congrats, Aivie." saad nya at niyakap ako.

Napaluha na lang ako ng yakapin nya ako.

"T-thanks, Cindey."

Humiwalay sya sakin at ngiting-ngiti akong tiningnan kaya nahawa rin ako sa ngiti nya. Tiningnan ko ang masama namin na busy sa paghahampasan ng unan.

Hanggang ngayon ay hindi parin sila tapos.

"AIVIE IS PREGNANT!"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Cindey. Napalunok ako ng palihim dahil nagsisimula nanaman ang kaba sa dibdib ko.

Natigilan silang lahat sa paghahampasan at napatingin sa gawi namin. Walng umimik niisa sakanila at nawalan ng emosyon ang mukha nila.

Napatingin ako kay Salem na nakatingin sakin ng mariin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya pero sobra ang kaba na nararamdaman ko dahil sa reaksyon nya.

Hindi nya ba tanggap?

"W-what?" sabay-sabay na saad ng apat habang si Salem ay nakatingin lang sakin.

"Aivie is pregnant." saad ulit ni Cindey at pinakita sakanila ang dalawang pregnancy test.

Agad na kinuha ni Axel ang pregnancy test at tiningnan ang resulta. Pinalibutan sya ng tatlo para makita din ang pregnancy test.

Sandali silang hindi nagsalita at namalayan ko na lang na nakatakip na ako sa dalawang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw nila.

"CONGRATULATIONS!" sabay-sabay na sigaw nila.

Nakatakip ako ng dalawang tenga ko dahil hindi ko rin inaasahan ang reaksyon nila lalo na ang sigaw nila na may kasama pang pagtatalon sa kama. Para silang mga bata.

"Magiging ninong na kami!" masayang saad ni Gray at sumusuntok pa sa hangin.

"The hell! Sharpshooter ang baby Salem namin!" nakangising saad ni Devin.

"Bibili na ako ng kotse mamaya." excited na saad ni Kaius.

"May tuturuan na kaming mambabae—aw!" saad ni Axel kaya binatukan sya ni Cindey.

Natawa ako sa mga reaksyon nila. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon nila. Kinakabahan pa naman ako dahil sobrang tahimik nila kanina ng sabihin ni Cindey na buntis ako.

"May tatawag na din sakin ng 'ninong gwapo'—tangina!"

Hindi natapos ni Axel ang sasabihin nya ng binato sya ng tatlo ng unan. Mas lalo akong natawa ng magbatuhan ulit sila ng unan.

Ngunit natigil din sila ng biglang may padabog na sumara ng pinto. Para akong na-estatwa ng ma-realize na si Salem pala iyon.

Nagkatitigan silang lahat at sabay-sabay na tumingin sakin. Hindi nya ba gusto ang batang 'to? Tumulo ang luha ko sa isiping iyon.

"Tangina, ayaw ata ni Salem sa bata!"

"Gagong, Salem, hindi siguro papanagutan si Aivie!"

"Aivie, don't cry, pakyu ka, Salem!"

"Lintik, hindi nya ba tanggap ang baby?"

Mas lalo akong naluha dahil sa sinabi nila. Baka nga hindi nya tanggap ang anak namin. Baka nga ayaw nya sa baby namin. Baka nga hindi ako papanagutan ni Salem.

"Tangina nyong lahat! Mas lalo nyo lang pinapaiyak eh!" inis na saad ni Cindey.

Niyakap nya ako at hinahagod ang likod ko. Pilit nya akong pinapatahan pero hindi ko magawa.

"Shh...stop crying, Aivie. Makakasama 'yan sa baby."

Tumango lang ako at pinunasan ang luha ko. Natigilan ako ng may marinig akong lagabog kaya nagkatinginan kaming anim. Sabay-sabay kaming lumabas at sinundan ang lagabog.

Napahinto kami sa kwarto ni Salem at sabay-sabay kaming natawa ng marinig ang sigaw nya. Parang natanggal ang tinik sa dibdib ko dahil sa narinig.

"Fvck! I'm gonna be a father! Shit! I'm a father now, tangina!"

Tumawa kami at laking pasasalamat ko talaga dahil tanggap ni Salem ang baby namin. Amg saya ko!

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at bumungad samin ang nagkalat na bedsheet at unan. Napatingin ako kay Salem na tumatalon sa kama kaya mas lalo kaming natawa.

Natigilan sya at napatingin sa gawi namin. Nakita ko ang pagpula ng tenga nya at isinubsob ang mukha sa hawak nyang unan.

"Gago ka Salem!"

"Inamo, Salem. Akala namin ayaw mo, eh."

"Ready na ang kotse, Salem."

"Mas lalong ready na ang pinaka-guwapong ninong—shit!"

Natawa kaming lahat ng batukan nila si Axel. Napatingin ako kay Salem ng bumaba sya ng kama at nagtungo palapit sakin.

Agad nya akong niyakap at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Naramdaman ko na lang na parang may bumabasa sa leeg ko, teka....umiiyak ba sya?

"Salem?"

"Thank you very much, baby. Thank you. Thank you. Thank you. It's my biggest dream, baby. I'm so happy, super super happy, my baby."

Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi nya. Hinigpitan nya ang pagkakayakap sakin at hinalikan ako sa sintido at sa pisngi.

"Akala ko ayaw mo. Bigla ka na lang kasing umalis."

"Shh... I'm sorry, baby. It's just....I want to shout and jump because of happiness that's why I left and went here. Nahihiya nga ako kasi nakita mo ako na tumatalon sa kama at ngayon ay umiiyak. Thank you for granting my wish, baby. I love you very very very much. Mamahalin kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam. Mamahalin kita, kahit magsawa ka pa hindi parin ako titigil na mahalin ka."

Killer's Obsession Where stories live. Discover now