Chapter 14

77 1 1
                                    

"Surprise!"

Nawala ang excitement na nararamdaman ko dahil hindi si Salem ang bumungad samin kundi 'yong driver ni Salem.

Napangiwi ako. "Manong Randy naman, akala ko si Salem na eh."

"You're wrong timing, Manong Ran." saad ni Kaius.

"Where's Salem?" si Devin.

"Pasensya na po, kayo. Huwag po kayong mag-alala papunta na po si señorito."

Tumango kaming lahat at umayos na dahil narinig na namin ang mga yapak ni Salem.

"Surp—"

Sabay-sabay naming sigaw pero nabitawan ko ang hawak kong cake dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

"Tangina..."

"What the hell?"

"Shit..."

"Gago..."

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa nakita ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang alam ko lang, nasasaktan ako ngayon.

Hindi ko matanggap. Unti-unting tumulo ang luha ko. Naninikip ang dibdib ko. Si Salem... si Salem... may... kahalikang ibang babae.

Saktong pagbukas ng pinto ay si Salem agad ang bumungad saamin at may babaeng kahalikan. Parang sila lang dalawa ang nandito at hindi bumibitaw sa paghahalikan nilang dalawa.

Napuno ng galit ang puso ko. Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nyang panloloko sakin.

"Manang, pumunta muna po kayo sa mga kwarto nyo." rinig kong saad ni Gray.

Narinig ko ang mga yapak nila. Kami na lang ang nandito at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ako nakatiis at malakas na pumalakpak. Natigil silang dalawa at nakita ko sa mga mata ni Salem ang gulat ng makita ako. Ang mga kasama ko naman ay nasaakin din ang tingin.

"Ang ganda naman ng palabas nyo. Ang sweet nyo naman, 'yong tipong kahit marami ng taong nakatingin patuloy parin kayo sa paglalaplapan. Anong title ba 'yan?" saad ko.

Lumuluha ako habang nakatingin sakanilang dalawa. Lumapit sakin si Salem pero hinawakan ng malanding babaeng 'to ang kamay nya kaya mas lalo lamang akong napuno ng galit.

"Thank you. You know, he's my boyfriend, and he's the father of my child. Yes, I'm pregnant. Also, we love to kiss each other even though many people are watching, right sweetie?" malanding saad ng babae.

Napairap ako ng palihim dahil sa sinabi nya. Tangina. Boyfriend? Buntis? May girlfriend na pala ang walang hiyang 'to. At ang kapal ng mukha nya para buntisin ako!

Diba, gusto nya ng baby? Oh ayan na, buntis na ang 'girlfriend' nya. Bakit kailangan nya pa akong paglaruan?

"Shut the fvck up, Grace!" dumagungdong ang galit na boses ni Salem sa buong mansyon.

"Why, sweetie? Stop being mad at me, I hate it. And we can make love in your room, you like that?" saad nya at hinalikan si Salem sa labi.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Mas lalo akong nasaktan ng hindi man lang sya tinulak ni Salem. Napayuko na lang ako dahil sa sobrang pagsisisi. Galit ako, oo. At mas lalong nasasaktan ako.

Sino ba namang hindi, 'yong taong mahal na mahal mo ay nakikita mo na may kahalikang ibang babae sa harapan mo at higit sa lahat.... buntis pa.

"See? He loves to kiss me talaga." saad nya at tumawa.

Killer's Obsession Where stories live. Discover now