Prologue

102 2 0
                                    

Bigla na lang may kumidnap sakin at dinala ako sa isang lumang ware house. Marami kami at lahat kami ay mga babae. Hindi ko alam kung anong gagawin nila samin. Natatakot ako pero pinipigilan kong maiyak.

Nakapalibot samin ang mga lalakeng naka kulay itim. Binabantayan nila kami ng maigi. May dala pa silang baril kaya hindi kami makatakas.

"Nandyan na si boss!" sigaw ng isang lalake.

Nakita ko ang bulto ng isang lalake. Hindi ko makita ang mukha nya dahil madilim sa may banda nya. Madilim din sa ware house na 'to at tanging ilaw lang sa malayo ang nagsisilbing liwanag.

Yumuko lahat ng mga tauhan nya bilang paggalang. Sinenyasan naman kami ng mga tauhan nya na yumuko kaya yumuko kami.

"Pumili ka na lang sakanila, boss." saad ng isa pang naka itim.

Lumapit sya sa pinakaunang babae. Nasa pinaka dulo ako at pang-sampo ako. Naglalakad sya ng mahina habang tinitingnan kami isa-isa. Nakayuko lang ako at hindi inaangat ang tingin.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng huminto sya sa may likuran ko. Unti-unti syang lumapit sakin at suminghot-singhot.

Anong ginagawa nya?

Hindi pa sya nakontento at inamoy ang leeg ko at buhok ko. Nanginig ako ng bigla nyang dilaan ang leeg ko.

Nahigit ko ang hininga ko sa sunod nyang sinabi. Katapusan na ba ng buhay ko?

"Nakapili na ako." malamig na sabi nya.

Hinapit nya ang bewang ko at inamoy ang buhok ko.

"Anong gagawin namin sa iba, boss?"

"Kill them."

Sorry for grammatical errors. Thank you!

Killer's Obsession Where stories live. Discover now