Chapter 12

12 1 0
                                    

"Slowly, baby."

Napangiti na lang ako kay Salem. Pano ba naman kasi, simula no'ng nalaman namin na buntis ako sobrang oa na ng lalakeng 'to. Nakahawak pa sya sa kamay at bewang ko habang inaalalayan akong maglakad pababa ng hagdan.

Alam na rin ng mga kasama namin sa bahay ang pagbubuntis ko at tuwang-tuwa sila dahil may aalagaan na daw silang bata lalo na si manang na naiyak pa sa tuwa.

Three weeks na akong buntis dahil no'ong isang araw ay binisita ulit ako ni Cindey para i-ultrasound ako.

Ang sarap din sa pakiramdam na magkakaroon ka na ng anak. Katulad ni Salem ay bata pa lang din ako pangarap ko ng magkaroon ng anak. Naalala ko pa nga no'ng nanganak ang amo ko dati inggit na inggit pa ako dahil gusto ko rin ng may aalagaan na bata. Tapos heto na, natupad na.

Sobrang thankful ako sa pinaka special na blessing na binigay samin ni lord.

"Ang oa mo talaga. Kaya ko naman maglakad, no. Hindi mo na ako kailangan alalayan."

"Tsk. What if madulas ka?"

"Ano ka ba, hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama sakin."

"I know."

Napairap na lang ako dahil hindi talaga magpapatalo ang lalakeng 'to. Inalalayan nya ako papunta sa kusina at pina-upo. Nakahanda na ang lahat at kakain na lang kami.

Agad akong napatakip sa ilong ko at duneretso sa lababo para dumuwal. Naramdaman ko ang paghagod ni Salem sa likod ko habang sumusuka ako. Naiiyak nanaman ako.

"Fvck! Why are you vomiting again? Wait, I'll call Cindey to check you up. Damn!" kinakabahang saad ni Salem.

Nagmumog muna ako bago ko sya hinarap at inirapan. Binatukan ko sya kaya napadaing sya at tiningnan ako ng masama.

"What the hell? Why are you hurting me?"

"Tanga! Syempre magsusuka talaga ako kasi buntis, naglilihi!" inis kong saad.

Agad nalukot ang mukha nya dahil sa sinabi ko pero hindi sya nagsalita.

"Tabi, gusto ko ng mangga."

"No. It's too early to eat mangoes."

Umiling ako. "Gusto ko nga ng mangga!"

Hinawakan nya ang bewang ko at inalalayan akong umupo ulit. Sumandok sya ng kanin na may adobo. Agad nyang tinapat sakin ang kutsara na may laman na kanin at adobo.

"Ayoko."

"You need to eat, baby. Say ah."

Binaling ko ang ulo ko sa kabilang direksyon para iwasan ang sinusubo nya sakin. Ayoko talaga ng kanin, gusto ko ng mangga.

"Ayoko nga sabi, gusto ko ng mangga!"

"Fine. I'll give what you want but you need to eat this first, okay?"

Umiling ako. Naiinis na ako sakanya. Sabing ayoko. Gusto ko ng mangga. Naisip ko tuloy ang mangga na hilaw kaya mas lalo akong naglalaway.

"Baby, eat na."

"Ayoko nga sabi, Salem. G-gusto ko ng m-mangga, p-please..." umiiyak na saad ko.

Hindi ko alam pero naiiyak talaga ako. Bakit ayaw nya akong bigyan ng mangga?

"M-mangga ang gusto kong kainin. Bakit ba ayaw mo akong bigyan? Hindi mo na ba ako mahal?"

Narinig ko ang malulutong nyang mura dahil sa iyak ko. Hinawakan nga ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki nya.

"Shh... I'm sorry, baby. Please... don't cry, don't cry, baby. I love you. I love you more than this planet so don't cry na."

"B-bakit hindi mo ako binibigyan ng mangga?"

"It's because you need to eat breakfast first before eating mango. I just want our baby to be healthy."

"Pero gusto ko nga ng mangga!"

Narinig ko ang malalim nyang paghinga dahil sa medyo pagtaas ko ng boses.

"No, baby. Later I'll buy you mangoes, okay? So eat na muna."

"Ayoko! Kung away mo akong pakainin ng mangga hindi na ako kakain. Bahala ka sa buhay mo. Kumain ka mag-isa mo! At huwag na huwag mo akong kakausapin kung hindi mo ako bibigyan ng mangga!"

Tumayo ako at padabog na naglakad pataas ng hagdan. Pumasok ako sa kwarto at nagkulong. Bahala sya. Hindi ko sya kakausapin kahit kailan.

Bakit ba kasi ayaw nya ako bigyan ng mangga? Hindi nya na ata ako mahal! Sabi nya mahal nya ako pero ang dali nyang nagsawa sakin.

Nakatulala lang ako sa kisame at sobrang sama ng loob ko dahil simula ng mag walk out ako kanina ay hindi nya man lang ako sinundan para suyuin.

Hindi nya na talaga ako mahal.

Napaiyak na lang ako dahil sa mga tumatakbo sa isip ko. Halos mag-iisang oras na pero hi di nya talaga ako sinusuyo.

Napalingon ako sa may pinto ng bigla itong bumukas. Bumungad sakin ang napakagwapong mukha ni Salem pero inirapan ko lang sya.

Lumapit sya sakin at niyakap ako, isinubsob nya ang mukha sa leeg ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Ano ba!" inis kong saad.

Pagkatapos nya akong hindi suyuin, anong akala nya sakin, marupok?

"Sorry na, my baby. I just want you to eat your breakfast before you eat mangoes."

Hindi ako umimik.

"Baby. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. How many times do I have to tell you the word 'I'm sorry'?"

Hindi parin ako umimik.

"Pansinin mo na ako. Nasa baba na ang mangga mo. Please, baby pansinin mo na ako."

Napatingin ako sakanya at agad na nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Hinalikan nya ako sa labi pero hindi ko iyon pinansin dahol lumilipad ang utak ko sa hilaw na mangga na nasa baba.

"Talaga? Binilhan mo ako?"

"Yes, my baby."

Agad akong bumaba at tinungo ang kusina. Narinig ko pa ang sigaw nya na 'careful' pero hindi ko sya nilingon.

Agad nagliwanag ang mukha ko ng makita ang mangga na nabalatan na. Umupo ako at agad na nilantakan ito. Napapikit pa ako sa sarap at feel na feel na kumakain.

Nakita ko ang asukal kaya kinuha ko ito at agad na sinawsaw ang mangga. Mas lalo akong napapikit dahil sa sobrang sarap.

Ang sarap!

"You're not mad at me now?"

Napatingin ako kay Salem ng bigla syang magsalita sa tabi ko.

"Hindi na."

Niyakap ko sya at hinalikan ng paulit-ulit sa labi. "Thank you, baby Salem ko. I love you!"

"I love you more, my baby." ngiti nya.

Killer's Obsession Where stories live. Discover now