Chapter 3

28 2 0
                                    

Dalawang araw na simula ng muntik nya na akong galawin. Simula ng araw na iyon ay hindi na sya nagpakita pa sakin. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko alam kung paano ko sya haharapin.

Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Na-estatwa ako ng makita ko ang taong hindi ko pa kayang harapin pero nandito na sya sa harapan ko.

Walang emosyon syang nakatitig sakin kaya napalunok ako at umiwas ng tingin. Nagtalukbong na lang ako ng kumot para maiwasan sya.

Aaminin ko, galit ako sakanya dahil sa ginawa nya. Naiinis ako sakanya dahil muntik nya na akong galawin. Iningatan ko ang sarili ko ng ilang taon tapos sa isang iglap mawawala na lang? Ayoko nga!

"Talk to me." malamig na saad nya.

Hindi ko sya pinansin at tinalikuran lang sya. Itapon ko sya sa pacific ocean at ipakain sa mga pating. Nakakainis!

Narinig ko ang yabag nya palapit sa kama kaya nahigit ko ang hininga ko. Umupo sya sa tabi ko kaya hindi ako makahinga ng maayos.

"Umalis ka na. Hindi ako tatakas." saad ko.

Umusog ako para maiwasan sya pero mukhang mali ang ginawa ko dahil humiga sya sa tabi ko. Jusme! Kumalma ka heart.

Nakatalikod ako sakanya kaya hindi ko sya makita. Bumilis ang tibok ng puso ko ng niyakap nya ako at isiniksik ang sarili sakin. Sinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko at inamoy-amoy ito.

"Ano ba!" inis kong sabi.

Tinulak ko sya pero napigilan nya agad ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Inamoy nya ang buhok ko. Ramdam ko ang mabibigat nyang paghinga.

"Stop moving. I won't do that again. Just let me."

Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil pinoproseso ko pa sa utak ko ang sinabi nya. We? Hindi nga?

"P-papatayin mo ba ako? Please...a-ayoko pang mamatay." iyak ko.

"Don't disobey me and I won't kill you. And one more thing."

"A-ano 'yon?"

"If you try to escape, I will fvck you hard."

Napalunok ako sa sinabi nya. Wala sa sarili akong napatango. Ayoko pang mamatay kaya kailangan ko syang sundin at mas lalong ayokong ibigay sakanya ang sarili ko. Ano sya, gold?

Gusto ko ng umalis dito. Ayoko dito. Gusto ko lang naman bumili ng pagkain nakidnap pa ako at higit sa lahat kinulong pa ako. Ano nang gagawin ko?

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa pagbukas ng pinto. Nakita ko si manang may dalang tray ng pagkain.

"Kumain ka na, hija." saad ni manang.

Ngumiti ako. "Salamat po."

"Ang ganda-ganda mo, hija kahit bagong gising. Amoy na amoy din kita lalo na pag sobrang lapit. Kaya nabihag mo sya, eh."

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang huling sinabi nya. Nagpasalamat na lang ulit ako. Pinagsasabi ni manang?

Uminit ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyare kagabi. Dito ba sya natulog? Wala na kasi sya paggising ko.

Nakayakap pa naman sya sakin habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nya ng makatulog ako. Hindi ko alam kung dito ba sya natulog sa tabi ko o umalis agad sya.

"Manang, may itatanong lang po sana ako." saad ko.

Kumunot ang noo nya. "Ano 'yon, hija?"

"Ano pong pangalan ng lalakeng 'yon?"

Killer's Obsession Where stories live. Discover now