Chapter 7

69 1 0
                                    

Ang bilis ng panahon at isang buwan na pala ako dito. Hindi ko alam kung bakit palagi ng sweet at clingy sakin si Salem. Hindi ko alam kung anong sumapi sakanyang anghel para maging mabait.

Simula ng may mangyari samin naging ganon nya sya. Imbes na tiwala nya ang makuha ko ay tiwala ko na ang nakuha nya. Hindi ko din alam kung may plano pa ba akong tumakas. Mukhang wala akong magagawa dahil mas lalong nadagdagan ang nakabantay sa buong mansyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Salem.

Napalingon sya sakin habang nagsusuot ng necktie nya. Pinipigilan ko ang matawa dahil sa pagsalubong ng kilay nya dahil hindi nya maayos ang necktie nya.

"Company." maikling saad nya. "Damn!"

Natawa na lang ako ng mapikon sya sa necktie nya na hindi nya maayos-ayos. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala sya marunong magsuot ng necktie.

"Why are you laughing?" magkasalubong ang kilay na tanong nya.

"Hindi ka naman pala marunong magsuot ng necktie. Hay naku, ang tanda-tanda mo na hindi ka marunong nyan."

Tumawa ako ng inirapan nya ako.  Akala mo babae kung maka-irap eh.

"Akin na nga." saad ko.

Lumapit ako sakanya at akmang hahawakan na ang necktie nya ng ilayo nya ito.

"I can do this. I know how to wear this fvcking necktie."

Napailing na lang ako sakanya. Mukhang papatunayan nya sakin na kaya nya talagang isuot ang necktie nya. Natawa na lang ako ng mas lalong naging magulo ang necktie nya. Hindi talaga sya marunong.

"Fvck you!" inis na saad nya sa necktie nya.

Kung tao lang ang necktie ako ang matatakot para sakanya.

"Sabi kasing ako na. Ang kulit din ng lahi mo, no?" natatawang saad ko.

Napabuntong-hininga na lang sya at hinayaan akong ayusin ang necktie nya. Nailang pa ako dahil sa paraan ng pagtitig nya sakin habang inaayos ko ang necktie nya.

"Gusto mo ba lahian din kita?" nakangising tanong nya.

Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya. Wala talagang filter ang bunganga ng lalakeng to.

"Bastos!" umirap ako.

Sya naman ngayon ang tumatawa dahil sa reaction ko. Batukan ko kaya 'to para matauhan na hindi sya nakakatuwa?

"That's not impossible. We made love last night and I didn't used any contraceptive." seryosong saad nya.

Natigilan ako sa sinabi nya at parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Oo, binigay ko ulit ang sarili ko sakanya kagabi at ilang beses namin ginawa 'yon. Hindi rin sumagi sa isip ko na hindi sya gumamit ng proteksyon.

Paano kung magbunga ang ginawa namin? Paano kung mabuntis ako? Ilang beses nang may nangyari samin at hindi nga imposible 'yon. Natatakot ako na baka magbunga 'yon. Anong gagawin ko?

"I'm leaving, baby." saad nya.

Nabalik ako sa katinuan dahil sa sinabi nya. Napatingin ako sakanya at nginitian sya.

"Hey, are you okay?"

Tumango lang ako at umiwas ng tingin. Hinawakan nya ang baba ko para ipaharap ulit sakanya. Nagulat ako ng halikan nya ako sa labi.

"Bye, baby."

Ngumiti ako sakanya at kumaway. Hinalikan nya ulit ako bago sya nawala sa paningin ko. Natulala na lang ako pag-alis nya.

Hindi ko alam pero bigla na lang aking kinabahan. Paano nga talaga kung mabuntis ako?

Ipinilig ko ang ulo ko at inalis ang bumabagabag sakin. Hindi naman siguro. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Tumulong lang ako sa mga kasambahay, pinipigilan pa nila ako pero sabi ko ay ayos lang. Sa huli ay wala din silang nagawa at hinayaan ako.

Mabilis lumipas ang oras at namalayan ko na lang na madilim na pala. Nagulat ako ng bigla na lang may yumakap sakin mula sa likod. Napangiti na lang ako ng halikan nya ako sa pisngi.

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino sya dahil alam na alam ko ang amoy nya. Grabe, ang bango talaga ng lalakeng 'to.

"Good evening, baby." malambing na saad nya.

"Good evening, baby Salem ko."

Humarap ako sakanya dahil naramdaman ko na parang natigilan sya at hindi nakapagsalita. Natawa ako ng makita ang namumula nyang tenga at tulala sya sa kawalan.

Kinikilig ang, baby ko!

Pinisil ko ang tungki ng ilong nya dahilan para mapatingin sya sakin. Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple nya.

"Ayos ka lang?" natatawa kong tanong.

Inirapan nya ako. "You're making me blush so easily, baby."

Tumawa ako ng malakas dahil sa sinabi nya. Ginagamitan kasi dapat ng charm at kalandian, natawa na lang ako sa sariling isip.

Pagkatapos nyang makipaglambingan sakin ay sabay na kaming kumain. Nahihiya pa ako dahil nakakandong ako sakanya habang sinusubuan nya ako. Mabuti na lang at pinalabas nya ang mga kasambahay kaya nabawasan ang hiya ko.

Umakyat din kami kaagad sa kwarto pagkatapos naming kumain. Tumulong muna akong magligpit bago kami pumunta sa kwarto. Pinipigilan nya pa ako pero sinamaan ko lang sya ng tingin, sa huli ay wala syang nagawa.

"How's your day?" tanong ni Salem.

Nakahiga kami ngayon at sabi nya gusto nya daw mag cuddle kaya wala rin akong nagawa ng mag puppy eyes sya sakin. Ang cute nya kasi.

"Ayos lang naman. Tinulungan ko lang sila manang na maglinis, ang boring kasi dito."

"Tsk. Stop helping them. It's their job."

"Oa mo, no? Syempre nakakapagod din kaya mag linis ng napakalaking mansyon na 'to. Alam ko ang pakiramdam na 'yon, no."

Tumaas ang kilay nya. "Really?"

Tumango ako. "Oo. Actually, bago ako naging Teacher pumasok ako bilang isang katulong noong sixteen pa lang ako hanggang sa nakapagtapos ako ng pag-aaral."

"Why did you do that?"

Napabuntong-hininga ako ng maalala ang nga pangyayaring 'yon.

"Kasi walang ibang aasahan sila mama kung hindi ako. Panganay kasi ako tapos may kapatid akong bunso na lalake. Ako ang nagpapa-aral sa kapatid ko. Nakakapagod pero masaya kasi nakapagtapos ako dahil sa sarili kong pagsisikap."

Tumigil ako at tiningnan sya. Nakatingin lang sya sakin at nakikinig sa kwento ko. Hindi sya nagsasalita at hinihintay lang ang sasabihin ko.

"Tricycle driver si papa tapos manicurista naman si mama. Nagsimula lang akong magtrabaho noong naaksidente si papa at napilay. Ayaw pa sana akong payagan ni mama pero pinilit ko sya. Pumasok ako sa pinakamayamang pamilya sa bayan namin at namasukan bilang katulong. Lahat ng sahod ko ay binibigay ko kay mama para sa gastusin at sa gamot ni papa pati na rin sa pagpapa-aral sa kapatid ko."

"You're so kind, baby. You sacrifice your happiness and help your family. You reached your dreams. I'm so proud of you, baby."

Napangiti ako sa sinabi nya. Hinalikan nya ako sa labi kaya tumugon ako. Lumalim ang halikan namin hanggang sa naging isa nanaman ang katawan namin.

At tanga na kung tanga pero aminin ko man o hindi ay gusto ko na sya. Gusto ko na si Salem, hindi, mahal ko na sya. Alam kong ang bilis pero 'yon ang nararamdaman ko para sakanya.

Sa isang buwan na magkasama kami at sa mga pinapakita nya sakin, sa paglalambing nya at sa pag-aalaga nya sakin ay unti-unti akong nahuhulog sakanya.

Oo, mahal ko na sya. Mahal ko na si Salem.

Killer's Obsession Where stories live. Discover now