Chapter 8

152 8 0
                                    

Nagising ako dahil parang may humahalungkat sa tiyan ko. Mabilis akong tumakbo sa banyo at doon sumuka. Wala naman akong ibang nilabas kundi puro laway

Naluluha na ako dahil sa pagsusuka ko. Naghilamos ako at nagmumog bago lumabas ng banyo. Hinang-hina ako dahil sa pagsuka ko. Hinanap ko si Salem pero wala sya kwarto paggising ko. Bumaba ako at pumunta sa kusina.

"Nakita mo ba si Salem, Cassie?" tanong ko.

Isa sa kasambahay si Cassie at naging close ko na rin sya. Matanda lang ako sakanya ng dalawang taon kaya parang kapatid na rin ang trato ko sakanya.

Nagka-kuwentuhan kasi kami noon at nabanggit nya na kaya sya nagta-trabaho para sa pamilya nya. Pareho ang naging dahilan namin noong mga panahong naging kasambahay ako. Kaya mas nagkaintindigan kaming dalawa at naging close ng sobrang bilis.

"Maaga pong umalis, señorita. May iniwan po syang pagkain para saiyo, kainin mo na lang daw po paggising mo." saad nya.

Napangiti naman ako. Ang sweet talaga ni Salem. Mas lalo akong nahuhulog sakanya dahil sa pagiging sweet at caring nya. Basta, ang bait nya talaga sakin, ngayon. Hindi kagaya ng dati na parang mangangain ng buhay kung makatingin. Takot na takot pa naman ako sakanya noong mga panahong iyon.

Tumango lang ako. "Sabi ko naman sayo na huwag mo na akong tawaging 'señorita', diba?"

Napanguso sya kaya natawa ako. "Eh kasi baka pagalitan ako ni señorito. Nakakatakot pa naman 'yon kapag nagalit."

"Akong bahala sakanya. Pag hindi mo ako tinawag na 'ate' hindi na kita papansinin, bahala ka."

Nanlaki ang mata nya at mas lalong humaba ang nguson nya. "Hoy, huwag ka namang ganyan, señorita- ay este ate."

Tumawa lang ako. Nagpaalam na ako sakanya na pupunta sa kusina. Nakita ko ang pagkain na sinasabi ni Cassie at agad ko itong binuksan. Kumalam ang sikmura ko ng makita at maamoy ko ang adobo. Nakita ko ang isang note sa may lamesa kaya kinuha ko ito at binasa.

'Good morning, baby. I'm sorry if J didn't wake you up. It's an urgent meeting that's why I left. I don't want to disturb you because your sleeping peacefully. By the way, here's your breakfast, I cooked that for you. Eat well, baby:)'

-Your baby Salem

Natawa na lang ako dahil sa last word nya. 'baby Salem'. Napailing na lang ako at parang inasinan na uod dahil sa kilig. Agad akong kumain, ang dami kong nakain dahil ang sarap ng luto ni Salem.

Pagkatapos kong kumain ay tumulong uli ako kina manang na maglinis. Bagot na bagot na ako dito sa bahay at gusto kong may gawin ako. Napanguso ako dahil naisip ko ang avocado. Gusto king kumain ng avocado.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng avocado sa fruit tray. Parang gusto kong maiyak dahil walang avocado dito.

"Hija, may ipapabili ka ba? Pupunta kami ng grocery."

Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni manang. "Acovado po."

"Oh sige. Aalis na kami, hija."

"Pwede po bang sumama?"

Napakamot naman so manang sa pisngi nya at umiling. Napanguso ako at tumango.

"Pasensya na, hija. Hindi pwede, baka ako ang mapagalitan ni señorito."

Nang makaalis si manang ay natulala ako saglit. Alam ko naman na utos iyon ni Salem kaya naintindihan ko. Ayoko naman na may mapahamak dahil lang sa kagustuhan ko.

Napaigtad ako ng bigla na lang may lumagabog sa living room. Agad akong pumunta doon pero natigilan ako ng makita si Salem at ang mga kaibigan nya na may bitbit na babae.

Killer's Obsession Where stories live. Discover now