Chapter 15

80 4 0
                                    

Nakaupo ako dito sa may carpet ng garden at pinagmamasdan ang mga bulaklak. Gabi na rin pero wala akong ganang pumasok. Gusto ko lang munang mapag-isa.

"Baby, what are you doing there?"

Napatingin ako nang marinig ko ang boses ni Salem. Hindi ko siya pinansin at inirapan lang. Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung paano ba ako tuluyang makakaalis dito.

Gusto ko ng lumayo. Pinangako ko sa sarili ko na kapag niloko ako ng isang tao, hindi ako magdadalawang isip na iwan ang taong 'yon.

Nagawa na nga nya ng isang beses, pwede nya pa 'yon ulitin.

Pero bakit parang ayoko? Bakit parang gusto ko na lang na tanggapin ang lahat basta nandito lang siya sa tabi ko, sa tabi namin ng anak niya?

"Aivie, please...talk to me. I'm really sorry. Mababaliw na ako kapag hindi mo pa ako kinausap." nagmamakaawa nyang saad.

Hindi ako umimik at tumingin lang sa mga bulaklak na nasa harapan ko. Ayoko syang kausapin. Baka kapag nagsalita ako mauwi lang sa iyak.

Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan kong maranasan 'to. Wala naman akong ginawang kasalanan. Pero, bakit pinaparusahan ako? Nagmahal lang naman ako.

"It's cold here. Let's go inside."

Hindi ko parin siya pinansin o kahit tingnan man lang. Masakit parin ang ginawa nya sakin. Hindi nya lang ako niloko, ginawa nya pa akong kabit.

"Baby, please... for the sake of our child. Get inside. You might catch a cold."

Bumuntong-hininga ako. Tumayo ako at pinagpagan ang pajama na suot ko. Nilagpasan ko lang siya pero hindi pa man ako nakaka-tatlong hakbang ay nahawakan niya na ang palapulsuhan ko.

Tiningnan ko sya ng walang emosyon at tinaasan ng kilay. Problema na naman ng lalakeng 'to?

"C-can I sleep with you?" kinakabahan na saad niya.

Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang. Parang natunaw ang puso ko ng makita ko ang sakit na dumaan sa mata niya pero bigla rin agad nawala.

Bumuntong-hininga ako. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Oo, mahal ko siya pero niloko niya ako. Pero, bakit hindi ko kayang iwan siya? Bakit hindi ko kayang makitang nasasaktan at nahihirapan siya?

Ang tanga ko na ba?

"Ayoko." saad ko na lang at tinalikuran siya.

Tinungo ko ang kwarto at humiga. Nakatitig lang ako sa may kisame at hindi ko kayang matulog. Paulit-ulit kong nakikita sa utak ko ang lahat ng nangyari.

Wala akong kinakausap kahit sino man. Kahit sila manang ay hindi ko kayang kausapin. Lahat ng mga kaibigan ni Salem ay palagi akong tinatawagan para kumustahin pero hindi ko man lang sila nakakayang kausapin.

Hiyang-hiya ako sa kanilang lahat. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Pakiramdam ko wala akong karapatan na magalit dahil una sa lahat walang kami ni Salem at ang hindi ko matanggap ay ginawa niya akong kabit.

Hindi ako makapagsabi sa mga tao rito sa bahay kahit naging malapit na sila sa akin. Wala eh, ganito talaga ako. Hindi ako sanay na may sinasabihan ng problema. Mas sanay ako na sinasarili ko ang lahat ng problema ko.

Mas mabuti pa na sarilihin ang problema kaysa magsabi sa isang tao na wala naman pakialam sa akin.

'Yan ang palaging nakatatak sa utak ko. Tama naman, 'diba? Pakiramdam ko kaya ko naman ng mag-isa.

"Baby, tulog ka na ba?"

Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Salem. Mabilis pa sa alas-kwatro kong pinikit ang mga mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero pinanatili ko na nakapikit ang aking mga mata.

Killer's Obsession Where stories live. Discover now