Chapter 10

51 1 0
                                    

"Hey, what's wrong?"

Ang aga-aga ay sumusuka ulit ako. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw. Napahawak ako sa tiyan ko at sa sintido ko dahil parang nahihilo ako.

Ramdam ko rin ang paghaplos ni Salem sa likod ko. Gusto ko pa sanang matulog pero parang may humahalungkat sa tiyan ko kaya tumakbo kaagad ako ng banyo at sumuka.

Gusto ko na lang maiyak dahil sa pagsuka ko. Ano ba kasing nakain ko at bakit panay ang suka at pagkahilo ko?

"Are you okay?"

Tumango lang ako at agad na naghilamos. Nanghihina ang tuhod ko at parang anumang oras ay mawawalan na ako ng malay. Ipinikit ko ang mga mata ko at yumuko.

Nandidilim ang paningin ko ng imulat ko ang mga mata ko. Nawalan ako ng balanse pero may braso na sumalo sakin.

"What happened? Baby, wake up!"

Huling narinig ko kay Salem bago ako lamunin ng kadiliman.

-

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang pamilyar na kwarto, kinusot ko ang mga mata ko at nilingon ang paligid.

"A-anong nangyare, Salem?" tanong ko ng makita ko si Salem na naka-upo.

Agad syang napatingin sakin at niyakap ako. Isiniksik nya ang mukha sa leeg ko habang hinahaplos nya naman ang buhok ko.

"Thank god, you're awake. I'm so worried about you, my baby. Are you okay?" nag-aalalang saad nya.

Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin kaya niyakap ko sya pabalik. Hinaplos ko ang likod nya.

"A-ayos na ako, Salem. Ano bang nangyari?"

"You're just vomiting earlier then you faint."

"G-ganoon ba? Nahihilo kasi ako tapos—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang napakagandang babae na nakasuot ng lab gown habang may nakasabit na stethoscope sa leeg nya. Ibig sabihin isa syang doctor.

"My baby Doctor, wait me. Hey!"

Napadako ang tingin ko sa taong sumigaw. Natigilan ako ng makita ko si Axel na pilit hinahabol ang babaeng doctor.

"Shut up!" inis na saad ng babae.

Hinawakan sya ni Axel sa braso at pinaharap sakanya. Sinamaan sya ng tingin ng babae pero ang gago kinindatan lang ang babae. Pinigilan ko ang matawa ng tapakan ng babae ang paa ni Axel. Kawawa naman sya dahil naka-heels pa naman ang babae.

"Ouch! You hurt me, my baby doctor. You need to treat my feet." nakangusong saad ni Axel.

Napanganga na lang ako dahil sa inasta nya. Binatukan sya ng babae pero si Axel ay parang tanga na kinikilig.

"Get out, Mr. Conzego."

"No."

"Get out."

"No. Call me 'baby' muna."

"The hell?! Argh! You're so annoying!"

Napatingin ako kay Salem ng marinig ko ang pagtikhim nya kaya naagaw nya ang atensyon ng dalawa. Agad na bumati ang babae samin at humingi ng tawad dahil sa pagtatalo nila ni Axel.

"Can I check her now?" tanong ng babae.

Tumango si Salem kaya inihanda ng babae ang gamit nya. Nakita ko pa na naupo si Axel sa may sofa at nakangiting pinapanood ang babae.

"By the way, I'm Doctora Cindey Acero, I'm an ob-gyne."

Napangiti ako. "I'm Teacher Aivie Rodriguez."

Killer's Obsession Where stories live. Discover now