Chapter 13

21 1 0
                                    

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mgagandang bulaklak dito sa garden. Ngayon ko lang nakita ng ganito ang mga bulaklak dito. Nadadaanan ko lang kasi 'to dati pero ngayon ay napagmamasdan ko na sila ng malapitan.

Ang daming tanim dito sa mansyon. May red and white roses, sunflower, daisy, meron ding tulips at marami pang iba. Sobrang ganda nilang pagmasdan. Hindi ako nakatiis at nilapitan ko ang paborito kong bulaklak.

White rose.

Hinawakan ko ang bulaklak at inamoy. Napapikit na lang ako dahil ang sarap sa pakiramdam. Payapa. Sana palaging payapa ang buhay ko at kasama ko ang mga taong mahal ko.

"What are you thinking, baby?" bulong ni Salem.

Napangiti ako ng haplusin nya ang tiyan ko. Kung makahaplos akala mo naman sobrang laki na ng tiyan ko at talagang nakayakap pa talaga sya sakin mula sa likod.

"Iniisip ko lang na sana lagi tayong ganito, no? I mean, 'yong walang gulo. Masaya at payapa lang."

"Are you happy with me?"

Napakunot ang noo ko at hinarap ko sya. "Oo naman. Sobra pa sa sobra, Salem."

"Really? Even I kidnapped you? Even I killed people?"

Nginitian ko sya ng napakatamis at hinalikan sa labi. "Yes. Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo, mahal na mahal na mahal na mahal kita."

Niyakap nya ako ng sobrang higpit at hinalikan sa pisngi pati sa labi. "Thank you, baby. You don't know how happy I am right now. Hearing those words is a relief for me. I promise, baby, I will give you the universe that you deserve. I love you."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko at para akong tanga na kinikilig. Pakiramdam ko lumulutang ako, ang oa pala ma inlove, no?

"Nga pala, bakit ka ba nangkikidnap ng mga babae?"

Natigilan sya sa tanong ko pero kalaunan ay ngumiti din sya.

"Because I want to have a child."

Napangiwi ako. "Gusto mo pala magkaroon ng anak bakit kailangan mo pang mangidnap?"

"Just for fun."

"Ano? Just for fun? Paano 'yong ibang kasama ko dati? Diba sabi noon na patayin sila? P-pinatay mo ba sila?"

"Paano kung pinatay ko sila, mamahalin mo parin ako?"

Napaisip ako sa sinabi nya. "Kung pinatay mo sila.....ayoko na sayo!"

Nagbago ang mukha nya at napalitan ng pagkaseryoso. Ang gwapo talaga ng baby Salem ko.

"Fvck! I thought even I am the worst person in the whole world you will still love me?" nakanguso nyang saad.

"Hindi naman kasama ang pagiging killer." irap ko.

Narinig ko ang mura nya.

"Baby, I didn't kill them, okay? I didn't, I swear."

Tumango lang ako. Hinalikan nya ako sa labi kaya napangiti ako. I love this man. Mahal na mahal ko talaga ang lalakeng 'to. Kahit sya pa ang pinakamasamang tao, mamamatay tao sa buong mundo, mahal na mahal ko parin sya.

-

"Vie, what's your plan tomorrow?"

Napatingin ako kay Gray ng bigla syang magtanong. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin.

"Huh? Plan saan?"

Nakatingin silang apat. Oo. Silang apat. Wala kasi si Salem, umalis sya, ang sabi nya may trabaho daw sya at ilang buwan na syang hindi nakakapasok kaya kailangan nya na daw pumasok. Ito namang apat pinapunta ni Salem para daw bantayan ako at baka madulas daw ako at makunan.

Oa talaga ng lalakeng 'yon.

"Hindi mo alam?" tanong ni Axel.

Napataas ang isang kilay ko at napipikon na sinagot sya. "Kung alam ko edi sana hindi na ako nagtanong, diba? Mindset ba."

"Chill lang, Vie, high blood ka naman agad." tumatawang saad ni Devin.

Inirapan ko sya. "Ano ba kasing meron, bukas?"

"It's Salem day!" nagpapalakpak na saad ni Kaius.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Birthday ni Salem bukas? Bakit wala man lang syang sinabi sakin?

"Birthday ni Salem?"

Sabay-sabay silang tumango.

"Bakit ngayon nyo lang sinabi?"

"Kasi ngayon lang namin naalala."

"Eh?"

"So, what's your plan?"

Napaisip ako sa tanong ni Devin. What if i-surprise ko kaya sya? Magiging masaya ba sya? Ma-aappreciate nya ba?

"May plano na ako."

-

August 5

Birthday na ngayon ni Salem kaya nag-aayos kami dito sa may sala. Kinuntsaba ko ang mga kaibigan ni Salem pati na rin lahat ng tao dito sa bahay. I-su-surprise namin sya.

Mabuti na lang at umalis sya dahil marami daw ang trabaho nya at may meeting daw sya kaya mamaya pa sya makakauwi.

Tulong-tulong kami sa pag decorate dito sa sala. Sila manang naman ay ang nagluluto ng mga handa. Pinakuha ko na rin kay Axel ang cake na pinabili ko sakanya kanina.

Mabuti na lang at tinulungan talaga ako ng mga tao dito sa bahay at ng mga kaibigan ni Salem. Alas-tres pa lang ay nag-ayos na kami para mamayang alas-otso ay tapos na kami.

Ala-siete na ng matapos kaming mag-ayos. Color black at gold ang theme. May mga baloons na nilagay sa sahig at may tarpaulin na may malaking picture ni Salem.

"Thanks god, we're done." saad ni Gray.

Sabay-sabay kaming umupo at nagpunas ng pawis. Nakakapagod naman kasi talaga.

"Salamat nga pala sa tulong nyo. Kayo din po manang at sa lahat ng tumulong, maraming-maraming salamat po."

Ngumiti lang sila sakin kaya sinuklian ko rin sila ng isang matamis na ngiti.

"Anong oras ba ang uwi ni Salem?" tanong ni Devin.

"Sabi nya mga eight daw nandito na sya. Sandali lang magbibihis lang ako."

Sabay-sabay silang tumango kaya nagtungo na ako sa kwarto namin. Mabilis lang akong naligo at sinuot ko ang binili sakin ni Salem na red off-shoulder dress. Nag-ayos na rin ako dahil malapit ng mag alas-otso.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Napangiti ako ng makita kong nakapag-ayos na rin silang lahat, si Salem na lang ang kulang.

-

8:30 pm.

"Andyan na sya."

Mabilis ang galaw namin ng marinig namin ang sasakyan ni Salem. Kinuha ko ang cake at sinindihan ito. Lahat kami ay nandito sa sala at hinihintay ang pagbukas ni Salem ng pinto.

Si Gray at Axel ay nasa magkabilang gilid ng pinto para sa pagpaputol ng confetti at ako naman ay nasa gitna dahil ako ang may hawak ng cake.

Unti-unting bumukas ang pintuan at kasabay ng pagbukas nito ay ang pagpaputok ng confetti at ang pagsigaw namin.

"Surprise!"






Killer's Obsession Where stories live. Discover now