Erykha Sunshine
.
It was beyond what I expected.
Malapalasyo ang kwarto na para sa akin. I believe this room is the Presidential Suite.
The staff are busy, doing their jobs and even the builders and engineers are still busy to meet the deadline. No one wanted to talk to me for a chat. Lahat yata ay parang mga robot at walang gustong magpahinga sa kanila. Lunch break lang yata ang pahinga nila, pero kahit ang lunch break ay trabaho pa rin ang pinag-uusapan.
Sa loob ng dalawang araw kay halos nangalahati na ako sa workloads na gustong ipapaasyos ni Glenn sa akin. Naiintindihan ko na kung ano ang gusto niya. Para ito sa programming ng accounting sa sistema ng proyektong ito, kaya lahat ng mga importanteng papelis at program ay nandito. May iilang IT experts din at malaki ang opisina sa kabilang wing ng gusali.
Ang tanging nasa tabi ko lang palagi ay si Manong Max. Minsan nga parang naawa ako sa kanya, kaya madalas ay tinataboy ko siya para naman magawa niya ang gusto niya. Pero matigas ang ulo ni Manong. Nananatili pa din siya sa likod ko na parang gwardiya.
Speaking of Glenn, I haven't heard from him for three days now. He didn't even respond to my emails the other day or my messages online.
Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan niya?
"Ma'am Erykah, Engineer's Glenn private helicopter is departing now. Expect to see him in an hour," tugon ni Manong. Nasa paanan siya ng pinto ng opisinang ito.
Kumalabog nang husto ang puso ko at napatayo ako sa sarili. Hindi ko inaasahan ito, at hindi ko rin expected na ngayon na siya darating. Ang akala ko ay sa susunod na linggo pa.
"Talaga, Manong? Okay!"
Inayos ko agad ang mesa niya, pero wala nang aayusin dahil malinis na ito. Itinabi ko ang mga natapos ko na at ni-reiew saglit ang mga nagawa ko sa computer kung sakaling magtanong siya.
Lumabas din ako at patakbong pumunta sa magiging kwarto ni Glenn. Katapat lang ito ng kwarto ko at nasa Presidential suite rin.
Panay ang sunod ni Manong sa akin, at hindi ko nalang siya pinansin. Sanay na ako na para siyang buntot At kahit sabihin ko pa sa kanya na huwag siyang sunod ang sunod, ay hindi siya nakikinig sa akin. Utos raw ni Glenn na bantayan ako. Wala raw akong magagawa sa utos na ito.
"Manong, ano ba ang paborito ni Engr na kainin?"
I am careful of how to address Glenn. Engineer pa rin ang bigkas ko sa kanya, dahil siya naman ang boss naming lahat. Kung kaming dalawa lang, ay tinatawag ko siya sa pangalan niya.
"Hindi po pihikan si engineer, Ma'am. Kahit na ano kinakain niya."
"Okay." Ngumuso ako at pinagtagpo ko ang labi.
Dumayo aka sa canteen rito at tiningnan kung ano ang mga niluluto nila. Lahat naman kasi ng mga workers rito kasama na ang mga builders ay libre ang pagkain. Malaki ang canteen ay kayang e-cater ang kahit limang daang katao. Pero sa ngayon ay nasa isang daan na mga workers ang nandito at lahat sila libre. Iyong mga nasa field sa kabilang bahagi ay hinaatiran ng pagkain.
"Puwedeng magpaluto nito, Mira? Para kay Engineer Glenn."
"Oh, darating si Engineer Glenn, Ma'am Erykah?" Namilog ang mga mata niya, at nang marinig ito ng mga serbidora at iilang staff sa paligid ay na-alarma sila.
"Oo. Sarapan mo ang luto, okay? At paki deliver na rin sa suite niya. Aayusin ko roon. Salamat."
"Sige po, Ma'am Erykah."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 Mature content She's haunted by her past, and his heart is off-limits. They were never meant to cross paths, but when their lives collide, they find solace in each other's arms. Can they break the w...