Game 60: Practice game

29 3 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Pinaglalaruan niya ang hero ni Bugoy at mukhang akala niya ay ako 'yon. Wala akong ideya kung sino ang player na 'yon kaya hinayaan ko na lang si Bugoy na makipaglaro sa kanya gamit ang account ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan kong gaming chair at naglakad ako patungo sa kusina para kumuha ng tubig. Ang mga tumbler na may pangalan namin ang nasa gitna ng mesa kaya naman kinuha ko ang akin ang nilagyan ng tubig bago ako bumalik sa sala at pagdating ko tapos na ang laro.

"Easy win." Nakangising sambit ni Bugoy.

"Tsk! Bulok ng kalaban. Yung assassin lang nila ang nagbuhat ng laro eh." Reklamo naman ni Aries.

"We should find another opponent. Maybe we can invite some pro players?" Suhestyon naman ni Yakuji.

Pasalampak akong naupo sa gaming chair ko nang biglang tumunog ang account ko at isang chat ulit ang lumabas doon mula sa nakalaro nina Bugoy kanina lang.

'Can't wait to see you, majesty. I hope you are in a good health.'

"Sino naman 'to?" Inis na sambit ni Bugoy at saka nito hinandan ang mga daliri para magreply.

'Fvck off!'

Napangisi ako sa reply ni Bugoy at napailing na lamang. Muli akong nagsulat sa Ipad na hawak ko at saka pinakita kay Kuya Jobert 'yon.

'Why don't we invite the Alpha for our practice game?'

Sabay-sabay silang napalingon sa akin nang basahin ni Kuya Jobert yon ng malakas.

"Hindi ko alam kung pwede natin silang makalaro pero susubukan ko kung makapag sched tayo sa kanila ngayon." Ani naman ni Kuya Jobert.

Lumapit ako sa pwesto ni Bugoy at hinawi ito para ako ang pumalit sa kanya. Ini-exit ko muna ang laro at saka ako pumunta sa page ko at halos malula ako sa dami ng followers at message.

Binuksan ko ang message at hinanap ang account ni Espiritu at sakto namang naka-onlinr ito kaya hindi ako nagdalawang isip na pindutin ang video call.

Makalipas ang ilang minuto, bumulaga sa amin ang bulto ni Espiritu na nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakapangalumbaba.

"Majesty, what a surprise?" Ani nito mula sa kabilang linya.

"Uh, Fumiko wanted to have a practice game with your group? If it's okay since we are trying some tactics with Fumiko's strategy." Si Kuya Jobert ang sumagot para sa akin.

"It is an honor for me. When should we start our practice game?" Tila interesadong sambit ni Espiritu.

Nagtype ako sa Ipad na hawak ko at iniharap ko kay Espiritu 'yon.

"Are you sure about that?" Aniya nang sabihin kong ngayon ko sila gustong makalaro. "I mean, we don't have any schedule right now. Maybe I can pull this off. And uh, may I ask why are you using that Ipad instead of talking me using your voice?"

Natahimik ang mga tao sa likuran ko at saka ako nagtype sa Ipad.

'I lose my ability to talk because of what happened months ago. I"m sorry if I am using this as my means of communication. No one knows what happened to me back then so please don't tell this to anyone. I trust you as my friend, Remi,'

Sumilay ang ngiti sa labi ni Remi at saka ito marahang tumango. "Got it, Fumiko. Shall we start with your practice?"

Napangiti naman ako at saka tumango kay Remi. Ito na rin ang nagpatay ng tawag at saka ko ibinalik sa lobby ang computer na ginagamit ni Bugoy at saka ako umatras.

"Kailan pa kayo naging close ni Espiritu?" Tila nahihiwagaang tanong ni Kuya Jobert.

'Since the issue spread between us. He's a good guy tho.'

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon