Eris Veronica
"Follow me." Madahan akong naglakad papasok sa loob ng isang magarang mansiyon na aming pinuntahan. Maingat kong inaapak ang aking paa sa makintab na sahig na wari ba ay mababasag ito kapag naging marahas ako sa paghakbang.
Nakakamangha dahil minsan lang akong makapasok sa ganitong lugar. Hindi naman ako ignorante dahil noong mga nakaraan ay nakapasok na ako sa magagandang bahay noong naglilinis at naglalaba ako sa ilang mayayaman na pamilya na malapit sa amin, ngunit iba ang mansiyon na ito. Parang kahit basahan ay nagkakahalaga ng ilang dolyares. Moderno at marami ay bubog at mga babasagin ang gamit ng mansiyon. Nagkikislapan ang mga silver at gold na bagay sa paligid.
"Magandang gabi po, sir." Nabigla ako nang pagtapak namin sa kusina ay mga nakahelerang katulong ang sabay sabay na yumuko. Kanina sa labas ay may dalawang gwardya ang nag bigay galang sa kaniya at hindi ko naman ipinagtaka pero ngayong nandito sa kusina at kita ko kung paano siya yukuan ng lahat ay hindi ko mapigilan ang kabahan at mangamba.
Napatingin ako sa malapad niyang likod.
Sino ka ba talaga, Mr. Castillejo?
"Sit." Namula ang aking pisngi sa pagkapahiya. Halos kurutin ko na ang sarili ko. Masyado, akong nalulutang!
"P-Pasensya na." Madahan akong umupo sa hinila niyang upuan. Tinanggal niya ang coat na kayang suot at inabot sa isang katulong bago tinupi ang manggas ng kaniyang itim na long sleeve dahilan upang lumitaw ang kaniyang maputing braso. May ilang litaw na ugat mula sa kaniyang kamay patungo sa loob ng puting long sleeves.
Umupo siya sa upuang katapat ko. Napatingin ako sa maraming bakanteng upuan sa aking tabi.
Mag-isa lang ba siya kung kumain dito?
Agad kong pinigilan ang katulong na nagnaglagay ng pagkain sa plato ko. "Naku! Hindi po! Ako na po!" Agarang pigil ko sa kanya na kagaya ko ay bahagya ding nagulat.
"Pasensiya na, pero ako na po." Maliit akong ngumiti sa kaniya bago nagsandok ng pagkain.
Sa totoo lang ay maraming pagkain sa aming harapan, iba't-ibang putahe ng ulam ang nakahain, pero hindi ako nakakaramdam ng gutom. Nag umpisang kumain si Mr. Castillejo na hanggang ngayon ay estranghero pa rin para sa akin. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya.
Naging tahimik kami. Hindi ko naman magawang mag bitaw ng kahit anong salita dahil para bang isang kasalanan ang umimik sa harap niya ng walang pahintulot.
Tahimik akong nakatayo sa tabi ng lababo at paminsang tinitignan ang dalagang katulong na kanina ay maglalagay sana ng pagkain sa aking plato.
Tutulungan ko sana siya, kaso ay hindi siya pumayag. Trabaho niya daw iyon.
"Puwede ba akong mag-tanong?"
"P-Po?" She startled a bit, which made me smile.
"May gusto lang akong malaman." Mahina siyang tumango bago binalik ang atensyon sa paghuhugas ng plato. Napatitig naman ako sa repleksyon ko sa harap ng malaking fridge. "Ano ang pangalan ng amo niyo?"
Kung kanina ay nagulat siya, mas nagulat siya ngayon. "Hindi niyo po alam ang pangalan ni Sir?"
"Hindi eh, apelyido niya lang." I bite my lower lips.
Hindi ko nga siya kilala, pero sumama ako sa kaniya. At sa tingin ko naman ay hindi ko siya kailangan na kilalanin pa lalo na kung saglit lang naman kaming dalawang magkakasama. Ayoko din siyang makilala.
"Ano po..." Naibalik ko ang atensyon ko sa kaniya. "Atlas Nicklaus Castillejo."
Muntik na akong mapatawa ng pagak. Napakagandang pangalan para sa isang guwapong lalaki. Ngunit isang hangal para bumayad ng babaeng magpapainit lang ng kaniyang gabi.
"Ikaw? Ano ang pangalan mo?" Ngumiti akong muli ng matamis.
"Querine po, ma'am." Natawa ako ng mahina.
Inilagay ko ang kamay ko sa aking kabilang pisngi bago bumulong. "Nica na lang." Napaumis naman siya.
"Ma'am?" Naibaling namin ang atensyon sa isa pang katulong na sumilip sa pinto. "Pinapatawag na po kayo ni Sir sa taas." Para namang tatakbo ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito dahil sa sinabi niya.
Ito na ba?
Sumunod ako sa kaniya sa pag-akyat sa eleganteng hagdan. Bubog ang hawakan nito hanggang sa gilid at katulad ng ibang gamit ay kumikislap. Ngunit hindi ko ma-appreciate ang ganda nito dahil sa sobrang kaba.
Naglakad kami sa mahabang pasilyo hanggang huminto sa isang mataas na pinto. "Pumasok na po kayo, ma'am." Saad niya. Tumango naman ako. Bahagya pa siyang yumuko bago lumakad palayo.
Hindi ko maalis ang tingin sa lugar na nilakadan niya. Dahil sa antisipasyon ay kinukurot ko na ang aking braso.
Nagdadalawang isip na ako. Parang gusto ko ng umatras.
Tila naman naririnig ko sa kabilang bahagi ng aking isip ang tunog ng mga machine sa loob ng kwarto ni Reina, naiisip ko ang mga mata at ngiti niyang malamya. Halos maiyak ako.
Hindi ko dapat isipin ang pag-atras, isa iyong kahibangan.
"Why are you still there?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang magbukas ang pinto sa aking gilid at makita si Mr. Castillejo, o tawagin ko na lang na Atlas.
Nakasuot siya ng sweat pants at nakahubad. Napalunok naman ako ng lumapat ang aking mga mata sa walong umbok na meroon sa kaniyang matigas na tiyan. May tumakas pang tulo ng tubig sa kaniyang buhok na naglalandas dito. Umiwas ako ng tingin.
"U-Uhmm... Uhh-"
"Come in." He opened the door widely. Kahit natatakot ay pumasok na din ako sa loob ng kuwarto niya.
Kahalo ng amoy niyang mint at sabon ang mabangong amoy ng kuwarto niya. Amoy na masasabi mong maskuladong lalaki ang may ari.
Napakalinis ng maling kwarto, halos kasing laki na nga ata ito ng bahay na tinutuluyan namin ni Reina. Kulay puti ang kobre ng kama at ang mga bagay ay nakasunod lang din sa disenyo ng mansiyon na tila ba ay ito na talaga ang gusto niyang disenyo.
"That's the bathroom if you want to take a bath; there's clothes there on the couch," he said in his husky voice. I bit my tongue, unable to say anything.
Tiningnan ko ang couch na tinutukoy niyang narito sa kuwarto niya. Gaya ng kama ay kulay puti din ito. Kinuha ko ang paper bag na kulay asul bago nagtungo sa comfort room. Hindi na ako nagtanong kung saan dahil kita ko naman mula dito sa kuwarto kung saan dahil sa medyo nakasiwang na pinto.
Malaki din ang banyo may bubog na naghaharang mula sa shower area. Transparent ito hindi gaya ng ibang bubog na smokey, siguradong pag may biglang pumasok dito sa loob ng banyo ay kitang-kita ang naliligo.
Sinarado ko naman agad ang pinto at siniguradong nakakando. Tinanggal ko na ang maskara at tinapon sa basurahan bago nag umpisang maligo.
Wala na namang saysay iyon. Hindi ko na kakailanganin. Ano pa ba ang halaga na itago ko ang mukha ko kung mawawalan na din naman ako ng dignidad?
Madahan kong binuksan ang pinto ng banyo. Nakasuot ako ng ternong pajama na kulay krema at isang fluffy na tsinelas na kasama sa paper bag. Nagtataka nga ako, ang ine-expect ko talaga ay lingerie ang laman niyon.
At bakit ako nag-expect? Nag init ang pisngi ko.
Iniisip ko lang naman!
Tuluyan na akong lumabas at hindi ko natagpuan si Atlas dito sa kuwarto, kaya nakahinga ako ng maluwag.
Umupo ako sa couch at nagmasid lang sa paligid. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa akin. Napabuntong hininga ako at napasandal sa malambot na upuan dahilan upang mapatingala ako.
Nasa hospital si Tina, siya muna ang magbabantay kay Reina ngayong gabi. Paniguradong hinahanap na ako ng batang iyon.
Pinikit ko ang mga mata ko, tanging tunog lang mg aircon ang aking naririnig. Agad akong napaayos ng upo ng marinig ang pagbukas at sara ng pinto.
Lumapat ang aking tingin sa dalawang abong mga mata na kay hirap basahin.
Swabeng naglakad si Atlas patungo sa single couch sa aking harapan. Hindi gaya kanina na hubad, ngayon ay nakasuot na siya ng T-shirt na kulay puti na hapit na hapit sa malaki niyang katawan. Magulo ang kaniyang buhok at tila antok na antok ang kaniyang mga mata. Pero parang natural na ata iyon sa kaniya ganoon din ang itsura no'n noong unang kita ko sa kaniya sa dressing room.
Matiim siyang tumitig sa akin dahilan upang mahiya ako. Pinagmamasdan at sinusuri niya ang aking mukha.
Aatras na ba siya, kasi napapangitan siya sa akin?
"You remove it." I simply nodded my head because of his statement.
"Nakakairita." Simple rin namang tugon ko. Naputol ang usapan namin doon.
Ang kaninang naghaharumentado kong dibdib ngayon ay mas tumibok ng kay bilis ng tumayo siya at lumapit sa akin.
"Claiming what should I already claim a while ago?" Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niya akong halikan. Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang dapat kong gawin.
He carried me in bridal style before going to bed. Hindi ko pa rin magawang tumugon dahil lahat sa akin ay bago.
Marahan niya akong ihiniga sa kama na parang dapat akong ingatan. Tinanggal niya ang ilang takas na buhok sa aking mukha at mariin akong tiningnan.
Ngayong mas lapit ang kaniyang mukha sa akin ay mas na titigan ko siya ng maayos. Gwapo talaga siya. Makapal ang kilay niya at hindi sabog, mahabang ang pilik mata, at sobrang pula ng kaniyang mga labi.
Halos mapakunot ang noo ko ng makakita ng peklat sa tabi ng kaniyang kilay. Hindi ito gaanong halata sa malayo, pero ngayong malapit ay kitang kita lalo na at maputi siya. Hindi ko alam kung saan galing iyon, pero bagay sa kaniya. Mas nakapagpadagdag sa kaniyang kakisigan.
Muli niya akong sinunggaban ng halik. Kahit naninibago ay tumugon ako. Binili na rin naman niya ako sa gabing ito, kaya wala akong magagawa kung hindi sumunod.ErmisSan
BINABASA MO ANG
My Sleeping Buddy
RomantikDescription Nothing is more important than your loved one, that is what Eris Veronica Dela Cruz believes. Matapos mamatay ng kaniyang Ate ay siya na ang nagpakananay kay Reina. Reina is suffering from a heart disease and she already needed an operat...