Chapter 7

42 2 0
                                    

Eris Veronica

Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Matapos ang nakakahiyang tagpo kanina ay nagpunta kami dito sa roof top ng hospital.

Namula ang aking pisngi ng maalala ang bawat halik na aming pinagsaluhan.

"What are you thinking?" Umiling lang ako bilang tugon. Parehas kaming nakaharap sa malawak na syudad ng Manila.

"Ano ba ang kailangan mo? Bakit mo ako sinundan?" Tanong ko bago inayos ang buhok na tinatangay ng hangin, papalubog na ang araw, at lumalamig na ang temperatura.

"I just need something from you." Napataas ang kaliwang kilay ko. Naguguluhan at nag iisip kung anong klaseng bagay ang kailangan niya.

Halik ba?

Napakagat ako sa ibabang labi sa isipin na 'yon.

Malandi ka! Tudyo ng isip ko.

"Yung five million ba?" Imbis na sagot ko. "Wala na sa akin, naggamit ko na." Nilingon ko siya, at siya naman ay mariing nakatingin sa akin gamit ang mata niyang nakakasindak.

"No, I don't get back what I already gave." His hoarse voice lingered in my ears.

Napahinga naman ako ng malalim. "Kung ganoon ay ano?" Napalunok ako ng hindi pa din niya inaalis ang tingin sa akin bagkus ay mas lumalim pa ito.

"I want you to work for me." Napakunot ang noo ko.

"Huh? Trabaho? Bakit?" Umiwas siya ng tingin at bumaling na lamang ang tingin sa kahel na langit.

"I want you to work for me every night, I'll pay you well. Even twice or three times your salary from whoever you are working with." Nabigla ako sa sinabi niya at napahawak sa sarili kong katawan.

"H-Ha?! Ayoko! Hindi ako pumapayag! Ayus na sa akin ang hanggang halik! Napilitan lang naman akong sumama sa'yo noong gabing iyon kasi nangangailangan talaga ako! Pero hindi ko ibinebenta ang sarili ko!". Nakita ko ang pag ngisi niya at ang tinging nanunukso.

"That's not what I mean." He leaned on me, and I stepped back out of fear, but he just flicked off my forehead. Napanguso ako. "But we can do it if you want to." Namula ang pisngi ko at napailing.

"H-Hindi! Ano ba kasing klaseng trabaho?" Mahinang tanong ko. Dumako ang tingin niya sa labi ko pabalik sa aking mga mata bago lumayo.

Tumiim ang kaniyang tingin. "Be my sleeping buddy."

Para namang may kung ano-anong sinulid ang nagbuhol-buhol sa isip ko.

Huh? Sleeping buddy? As in buddy sa pagtulog?

"And as I told you, I'll pay you well." Naglandas ang kaniyang dila sa kaniyang ibabang labi. "Let's treat this like a business, you'll be my employee, and I will be your employer."

Napabuntong hininga ako at nag-isip-isip.

"Kung tatanggapin ko ang trabahong inaalok mo, paano ang trabaho ko sa bangko? Kailangan ko bang manatili sa bahay mo?"

"No, you don't have to. But I advised if you will, because it's more convenient, and it will not be a hindrance to your job, for you will just work for me at night." I bit my tongue after that. Thinking something that is far from what he is trying to imply.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging desisyon. Pero kung sakali na manatili ako sa bahay mo, ayus lang ba na isama ko ang anak ko?" Parang may kung anong dumaan na emosyon sa kaniyang mga mata, at napansin ko ang bahagya niyang pag atras.

Halos mataranta naman ako doon, pero hindi ako kumilos. Bakit naman ako mag-aalala sa nararamdaman niya?

"You have a husband?" Nagulat ako sa tanong niya, at napasimangot. Mukha yata akong may asawa kaya iyon ang naiisip niya.

My Sleeping BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon