Eris Veronica
Para akong buang na tinitigan ang computer ko na may mga article na tungkol kay Atlas. Nabasa ko na lahat tungkol sa kaniya, kung gaano siya kayaman at kung gaano siya kataas na tao. Isa talaga siyang bilyonaryo at parang sumasakit ang ulo ko.
Bakit ngayon ko lang nalaman ito?
Napabuntong hiningi ako.
"Nica?" Tamad akong nag scroll sa mga article at baka bigla pa itong mapawi mula sa aking computer.
"Nica." Marahas ko itong pinindot pindot. "Hoyy Nica!" Napabaling ako sa madiin na bulong na iyon.
Naiiritang mukha ni Dion ang nakaharap sa akin. "Bakit?" Inosenteng tanong ko. Inirapan niya ako.
"Uwian na, okay? At nandiyan na din ang sundo mo, bruha." Napakunot ang noo ko.
Sundo? Sino? Wala naman akong naalalang may sumusundo sa akin sa trabaho.
"Si Fafa Atlas! Ang driver mong mas mayaman pa sa'yo! Kasama ang anak mo!" Para naman akong nahimasmasan doon. Agad kong pinatay ang aking computer, binitbit ang bag at nag out.
"Wow ha! Ang bilis mag-out narinig lang ang pangalan ni Fafa Atlas." Sabi niya pa kasunod ng mga asaran. Nagpaalam na lang ako sa kanila. Ang lakas ng boses ni Dion at nina Rose buti na lang ay sound proof ang office namin kung hindi nakakahiya kami at mapatalsik dito sa bangko. Nagpaalam din naman sila.
Mula sa glass door ay natatanawan ko ang kotse ni Atlas. Para namang nagkarera ang puso ko ng pagkabukas ng guard ay si Atlas na nakayuko kay Reina ang nabungaran ko. Nag tatawanan silang dalawa habang nag uusap.
Napakagat ako sa ibabang labi. Hindi ko maintindihan pero parang may ilang similarities silang dalawa, may mga foreign features si Reina na meron din si Atlas.
Hindi kaya...
"Naynay!" Kaagadan naman akong ngumiti ng tawagin ako ni Reina. Napaiwas ako ng tingin ng sensuwal siyang lumingon sa akin, habang tumakbo naman ang makulit palapit sa akin.
"Hayy ang pogi talaga." Nakadinig ako ng bulong-bulungan sa may likudan na alam ko na kung sino.
"Bakit magkasama kayong dalawa?" Takang tanong ko. Ang alam ko kasi ay half-day siya at sinundo na ng driver nina Atlas kaninang tanghali, kaya hindi ko alam kung paanong kasama na siya ngayon ng binata.
"Sinundo po kasi ako ni Tito-dad sa bahay po." My eyes darted to Atlas with curiousity before turning it back to Reina.
"Tito-dad?" Takang tanong ko sa kaniya, nililinaw kung bakit gano'n ang tawag niya kay Atlas.
"Opo, sabi niya po kasi ay iyon na lang itawag ko sa kaniya habang hindi mo pa siya husband. Pero pumayag na po ako kaya malapit ko na siyang tawaging Daddy." Labis na nangunot ang aking noo.
Aba ang galing naman ata ng batang ito na magdesisyon!
Bago pa makichismis ang mga katrabaho ko sa may likudan ay agad ko ng hinila si Reina palapit kay Atlas.
"M-Magandang hapon." Napayuko ako dahil hindi ko kaya ang intensidad ng kaniyang mga mata. "Dapat hindi mo na ako sinundo, kaya ko namang umuwi."
"Is that appropriate? Not looking at someone you are talking with?" Namula naman ang pisngi ko ng pagsabihan niya ako sa paraang patanong. Tiningnan ko siya. His bloodshot eyes are looking at me intently, which causes the butterflies in my stomach to go wild.
'Alam ko naman kung paano ang tamang pakikipag-usap, nahihiya lamang ako.' nais kong banggitin.
"P-Pasensiya na." Pag hingi ko ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
My Sleeping Buddy
RomantizmDescription Nothing is more important than your loved one, that is what Eris Veronica Dela Cruz believes. Matapos mamatay ng kaniyang Ate ay siya na ang nagpakananay kay Reina. Reina is suffering from a heart disease and she already needed an operat...