Eris Veronica
Sinuklay ko ang basa at bahagya ng humahabang buhok ni Reina matapos ko siyang puyudan. Bago ikinabit ang kaniyang neck tie.
"Ang ganda ganda naman ng anak ko!" Ngumiti siya ng kay tamis at kumindat sa akin.
"Mana lang sa'yo, Nay." Natutuwa ko siyang hinalikan sa pisngi.
Halos dalawang linggo na kaming nananatili dito sa mansyon ni Atlas. Ito ang unang araw na babalik na si Reina sa kaniyang eskwelahan at maging ako naman sa aking trabaho.
Sa mga nakalipas na gabi, kahit kailan man ay hindi kami nagtabi ni Atlas sa pagtulog.
Hindi naman sa nagrereklamo ako o dahil gustong gusto ko. Ngunit hindi ba ay iyon ang ibinigay niya sa aking trabaho? Ano naman ang naging role ko sa bahay na ito kung wala din naman akong pakinabang hindi ba? Wala rin naman kasi akong ginagawa dahil parang sinusundan ata ako ng mga kasambahay kahit na sinabi na ni Atlas na okay lang daw na gawin ko ang gusto ko. Feeling ko nga palamunin lang kami dito.
Nagising ako sa aking mga iniisip ng makarinig ng pagkatok sa pinto. "Bukas po 'yan." Saad ko.
"It's me, Atlas." Para namang nagharumentado ang puso ko sa bilis ng pagtibok ng marinig ang malalim na boses na iyon.
Sa akin na ba lumipat ang sakit sa puso ni Reina?
Nag bukas ang pinto at niluwa noon ang isang anghel, macho at hot na anghel. I tilted my head. Baliw na ako.
"B-Bakit?" He just looked at me from head to toe, using his attractive gray eyes. Scrutinizing me. Pero tumigil ang kaniyang mga mata sa aking hita, kaya naman naiayos ko ito ng puwesto.
Naka-itim na skirt at white long sleeves, kasi ako dahil ito naman ang normal na uniform namin sa bangko. Meron din naman kaming coat, kaso minsan ko lang iyon suotin dahil nasa Pilipinas, natural mainit.
"Good morning, Tito Atlas." Pagbati ni Reina na parang hindi niya ito tinaray-tarayan ng una silang nag usap. Pansin ko nga ang closeness nila sa nakalipas na linggo.
"Good morning, little tigress." Imbis na mainis ang isa ay lumapit pa siya kay Atlas at kumapit sa kamay nitong halos tiadin niya na.
"Gwapo mo naman, Tito. Puwedeng ikaw na lang po ang maging husband ko?" Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ngunit nagpalipat ang mata ko kay Atlas ng makita ko siyang ngumiti.
Gwapo nga.
Binuhat niya si Reina na siyang ikinabahala ko, baka kasi magdumi ang suot niyang black tuxedo. "Punta ka po sa work?"
"Ahuh... And I'll send you to your school and your mom at work first." Malamyos na ani niya sa bata, bago tumingin sa akin na ikinangiti ko ng pilit.
Nanlaki naman ang mata ng isa. "Talaga po? Sasakay tayo sa shiny car mo?"
"Yes." Tipid na sagot niya.
"Hindi na kailangan baka makaabala kami. Kaya namin, mag tataxi na lang kami ni Reina." Mariin niya akong tinitigan habang sumimangot naman si Reina.
"No, whether you like it or not, you'll ride with me." Aapila pa sana ako ng tumalikod na siya buhat si Reina na ngingiti ngiti naman ng malawak. May binulong bulong pa siya kay Atlas.
Napanguso na lang ako. Kung dati si Reina lang ang kalaban ko sa pagdedesisyon, ngayon dalawa na sila.
Napabuntong hininga ako bago sumunod sa kanila bitbit ang bag ko at bag ni Reina.
Mabilis kaming nakarating sa eskwelahan, si Reina sa backseat, samantalang ako ay sa passenger's seat, ayon sa gusto ni Atlas.
"Bye-bye, Naynay! Bye-bye, Tito Pogi!" Pamamaalam ni Reina. Kumaway naman ako bago siya tumalikod at masiglang pumasok sa room. Ng makailang minuto ay nagumpisa na ulit si Atlas magmaneho ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
My Sleeping Buddy
RomanceDescription Nothing is more important than your loved one, that is what Eris Veronica Dela Cruz believes. Matapos mamatay ng kaniyang Ate ay siya na ang nagpakananay kay Reina. Reina is suffering from a heart disease and she already needed an operat...