Simula
Eris Veronica
Why does living in this world have to be this hard? Hindi ba puwedeng mumulat ka na lang sa umaga, babangon, kikilos, at patuloy na hihinga ng walang iniisip? Bakit kailangang sa bawat paglipas ng oras kailangan nating daanan ang mga pagsubok na hindi natin alam kung saan nagmumula?
'Yan ang tanong na patuloy tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ko mahanap ang sagot hanggang ngayon.
Nakangiti kong tiningnan si Reina na masayang nag lalaro kasama ang ilang mga bata na kakakilala niya lang dito sa palaruan. Kakagaling ko lang sa trabaho bilang isang employee ng isang bangko dito sa Manila.
Sinamahan ko si Reina dito sa may hindi kalayuang palaruan mula sa bahay na tinitirhan naming dalawa. Hindi ko sana siya papayagan dahil masama sa kaniya ang magpakapagod, pero habang nakikita ko ang matatamis niyang mga ngiti sa labi at maliligayang tawa kasama ang mga kalaro ay nawawalan ako ng karapatang pigilan siya. At isa pa ang makita siyang masaya ang isa sa pinakamalaking tagumpay ko sa buhay.
"Naynay!" Matamis akong ngumiti kay Reina ng tawagin niya ako. Marahan kong kinaway ang aking mga kamay. Agad naman siyang naglakad palapit sa akin.
"Dahan dahan baka matisod ka." Minasdan ko naman siyang madahang naglakad habang tinitingnan ang kaniyang nilalakaran. "Basang basa ka na agad ng pawis."
"Para po sa'yo!" Mula sa kaniyang likod ay nilabas niya ang kaniyang maliliit na kamay na may hawak na kulay pulang bulaklak ng santa ana na tinuhog-tuhog at ginawang kuwintas.
Natawa ako dahil doon. "Lumapit ka pa nga dito." Ngiting ngiti siya at magiliw na bumungisngis.
"Ako po ang gumawa niyan, katulong si Gela." Tukoy niya sa isang batang babae niyang kalaro. Yumuko naman ako para masuot niya sa akin ang kuwintas kuwintasan na ginawa.
"Ang ganda naman, bagay na bagay sa akin." Ngumiti ako ng malawak bago siya iginiya patalikod at ilagay ang towel na aking baon.
"Reina!" Pag tawag ng isang kalaro niya.
"Intay lang!" Tinapik ko ng mahina ang likod ni Reina. Agad naman siyang lumakad.
"Huwag maghahabulan Reina, ha? Masama sa'yo ang mapagod ng sobra." Paalala ko pang muli. Nag thumbs up naman siya kaagad sa akin.
Madali naman siyang nakipaglaro sa mga bagong tagpo niyang kaibigan. Masayang binibida ang kung anong bagay.
Limang taon na si Reina at kasalukuyang pumapasok ng kindergarten. Matalinong bata at medyo may pagkamahiyain. Hindi siya mahilig makipagkaibigan at laging tahimik. Himala nga ngayon at hindi siya gaanong nahihiya sa mga batang nakakasalamuha niya.
Matangkad si Reina dahil may kapayatan. Mahaba ang may kaiklian na buhok bagay sa maliit na mukha; maputi ang kaniyang balat; manang mana sa lahi sa side ni Papa.
Hindi ko mapigilang malungkot ng lumapat ang aking mga mata sa mapuputla niyang mga labi at malamlam na mata.
Ang hirap maging mahirap. Gustong gusto kong gumaling na siya dahil ayoko siyang lumaki ng hindi nararanasan ang ginagawa ng katulad niyang mga bata. Gusto kong lumaki siya ng normal at hindi iniisip ang kaniyang kondisyon. Meroon siyang congenital heart disease at matagal niya ng iniinda iyon. Sa paaralan ay tatlong araw lang ang kaniyang pasok dahil dumadalas na sumakit ang kaniyang dibdib at manamlay. Bagaman kalahating araw lang siyang pumapasok sa eskuwelahan ay umuuwi pa rin siyang pagod na pagod.
Puwede ko naman siyang ipagamot at paoperahan ngunit ay wala akong sapat na pera para doon. Ang kinikita ko sa bangko ay sapat lang para sa pang araw-araw na gastusin naming dalawa sa bahay. Napapacheck up ko man siya ay hindi lagi dahil hindi ko din makaya ang bayad sa mga pribadong hospital. Mahirap namang umasa sa mga pang publiko dahil hindi sapat ang kanilang doctor at mga kagamitan. Madalas pa nga pag-doon kami pumupunta ay naiignora sa dami ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensyon.
Napakunot ang noo ko ng makitang humihinga ng malalim si Reina. Tuloy siya sa paglaro. Unti unting dinaga ang aking dibdib, habang minamadsdan ko ng maigi ang bawat kilos na ginagawa niya. She clutched her left chest, which made me stand up from sitting.
Ang lakad na gagawin ko sana palapit sa puwesto niya ay naging takbo ng bigla siyang mapasalampak sa lupa at kapusin ng hininga. Nagulat ang kaniyang mga kalaro maging ako rin. Nagsilapitan na din ang mga Nanay ng mga bata na kalaro ni Reina.
"Reina!"
"Tita Nica! Si Reina po!" Gamit ang nanginginig na kamay ay dinaluhan ko siya. Hirap na hirap siyang tumingin sa akin.
Agad ko siyang pinaupo ng ayos. "Kalma, Reina. Inhale, exhale. Inhale, exhale." Paulit-ulit naming ginawa yun, pero hindi nakakatulong. "K-Kumalma ka, anak." Halos maiyak na ako sa takot na nararamdaman.
Napasapo siya sa kaniyang dibdib. Mas lalo akong kinabahan. "Nay, h-hindi k-ko na p-po k-kaya." Natakot ako doon lalo na ng Unti-unting bumabagsak ang talukap ng kaniyang mga mata.
"H-Hindi, Reina! Hintay! Huwag kang matulog! Dadalhin kita sa hospital!" Mabilis ko siyang binuhat at todo alalay naman ang mga tao dito sa palaruan. Bumuhos na ang luhang kanina ko pang pinipigilan. May pumunta namang tricycle sa puwesto ko. "Anak, saglit lang papunta na tayo sa hospital. Lumaban ka."
Mabilis kaming nakarating sa pinakamalapit na hospital at agad namang na-assist si Reina.
Wala akong tigil sa pag-iyak, natatakot ako.
Buhay ko si Reina; siya na lang ang nananatiling pinanghahawakan ko sa mundong ito. At ayokong dumating ang puntong kinatatakutan ko. Hindi ko kaya na mawala siya. Hindi ko kakayanin.
"Nica!" Dagli akong napatunghay ng may tumawag sa pangalan ko. Mas lalo akong napaluha ng makita ang nagaalalang mukha ng kaibigan ko.
"T-Tina." Mabilis ko siyang niyakap. "S-Si Reina... R-Reina... Ano... Ina-"
"Kalma, kumalma ka." Hinaplos niya ang likod ko patuloy ako sa pag-iyak. "Kumalma ka, Nica. Magiging ayus din ang lahat." Malumanay na aniya na siya namang bahagyang nagpakalma sa akin. Inalalayan niya akong umupo.
"Salamat sa pag punta mo. H-Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Ayoko ma."
"Shhh... Huwag mo'ng sabihin iyan. Malakas iyang inaanak ko, hindi hindi ka niya iiwan." Humiwalay ako ng yakap sa kaniya bago punasan ang luha sa aking mga mata, pinipigilan ko ang pag takas ng ilang hikbi.
"Ano ba ang sabi ng Doctor?"
Mahina akong umiling. "Wala pa. Nasa loob pa siya. Ayokong pumasok, parang hindi ko kayang makita kung ano ang kalagayan niya."
"Tatagan mo ang loob mo." Hindi ko magawang ngumiti kay Tina. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, at alam kong alam niya iyon.
"Sino po ang kasama ng pasyente?" Napabaling kami sa pinto. Para namang lumubog ang puso ko ng makita ang may katandaang doctor na lumabas, siya ang nag-tingin kay Reina.
"A-Ako po." Nauutal na ani ko.
"Are you the mother?" Mabini akong tumango. "Your name, Hija?"
"Eris Veronica Dela Cruz, Doc." Agarang sagot ko.
"Eris, Hija. Nais kitang makausap ukol sa kalagayan ng anak mo, kaya kung maari ay doon tayo sa office ko mag tungo." Napalingon ako kay Tina na labis din ang pag aalala katulad ko. Tumango akong muli sa Doctor bago sumunod sa kaniya sa loob ng hindi kalayuang office. Kasama ko si Tina ay pumasok din kami sa loob.
"Upo kayo." Magkatabi kami ni Tina sa harap ng office table ng Doctor, at base sa name plate na nakalagay ay siya si Doctor Arellano, isang pediatrician.
"K-Kamusta po siya?" Nanlumo ako ng bumuntong hininga ang Doctor.
"Dapat tayong mag pasalamat dahil agaran niyong nadala dito ang bata bago nahuli ang lahat. Bagaman nadala niyo nga ng maaga ay masyado pa ding huli na. Bakit niyo pinalala ang kalagayan niya?" Nagbabadya na naman ang luha sa aking mga mata. Mahigpit na hinawakan ni Tina ang aking kanang kamay.
"W-Wala kasi pong sapat na pera para mapatingnan siya sa mga pribadong hospital, nagpapatingin naman po kami sa mga public hospitals, pero hindi po siya nat-test dahil lagi pong nire-referr sa ilang mga Doctor." Umiling si Doctor Arellano. Ipinatong niya ang kaniyang dalawang siko at pinagsiklop ang mga kamay.
"At ngayon may sapat na kayong pera kaya dito niyo siya nadala?" Natigilan ako sa tanong niya. Napayuko ako at nakagat ko ang aking ibabang labi. "Sa tingin ko gaya ng naunang rason ay wala. Pero bakit ngayon na nasa kritikal na siyang kalagayan kahit walang wala kayo ay nadala niyo ang bata? Hindi kita sinisisi, hija. Nauunawaan ko na ang tao ay may iba't-ibang estado ng buhay, but this situation is between life and death.".
Bakit nga ngayon kung puwede din pala noon? Ang lakas ng loob ko siyang dalhin dito sa hospital na ito samantalang wala akong lakas ng loob noon? Bakit? Dahil nasa bingiti na siya ng kamatayan, saka ako kumikilos?
Bumuhos ang luha ko lalo na sa sunod na sinabi ni Doctor Arellano. "Malala na ang kalagayan ng anak mo at kailangan niyang ma-operahan, at bilang isang doctor ngayon pa lang ay sinasabi kong malaki ang kakailanganin mong halaga."
Paulit-ulit na naririnig ko ang boses ni Doc sa utak ko. "Oh, kumain ka muna." Inabot sa akin ni Tina ang cup noodles na umuusok usok pa. Alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako nakakatulog. Nakaupo ako dito sa sofa sa loob ng kuwarto ni Reina. Tanaw ko siya mula sa puwesto ko, maraming aparato ang nakakonekta sa kaniya.
"Anong gagawin ko Tina? Saan ako kukuha ng pera?" Natutulala ng tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"May alam akong puwedeng pag kakuhanan ng malaking pera, pero ayoko na isubo ka sa trabahong iyon."
"Anong trabaho?"
Umiling si Tina. "Ayoko, marami pa diyan na puwedeng pasukan na trabaho, kung papasukin mo man ang trabaho na iyon gusto ko ay panghuli sa listahan mo."
"Hindi, Tina. Kahit anong trabaho, handa kong pasukan basta ba ay matulungan ko si Reina. Para sa kaniya. Para lang sa kaniya."ErmisSan
BINABASA MO ANG
My Sleeping Buddy
RomansaDescription Nothing is more important than your loved one, that is what Eris Veronica Dela Cruz believes. Matapos mamatay ng kaniyang Ate ay siya na ang nagpakananay kay Reina. Reina is suffering from a heart disease and she already needed an operat...