Chapter 4

32 2 0
                                    

Eris Veronica

Maingat kong pinagpagan ang larawan sa ibabaw ng aming lumang estante dito sa bahay. Katabi ng telebisyon.

Napabuntong hininga ako at inabot ang stool upang umupo. Nakipagtitigan ako sa mukha ni Ate sa larawan katabi ng larawan nina Mama at Papa.

"Ate..." Mahinang usal ko. Tinuunan ko ang dalawang mga mata ko upang pigilan ang pagluha. "Mapapagamot ko na si Reina. M-Mapapagamot ko na siya." Huminga ako ng malalim.

"Maiaayos ko ang buhay niya gaya ng pinapangarap nating dalawa. Magiging maganda na ang kinabukasan ng anak mo, at magagawa ang mga bagay na gugustuhin niya." Pinalis ko ang luha ko ng tuluyan na itong bumagsak sa aking mga mata.

Ate Arnie is my older sister, who died of heart disease. At namana naman ni Reina iyon. Habang lumalaki kaming dalawa ay kita ko ang hirap na dinanas niya habang lumalaki at hindi malabong maranasan ni Reina ang lahat ng iyon na ayaw na ayaw kong mangyari.

Wala na rin ang mga magulang namin, college ako at si Ate naman ay nagtatrabaho na ng mamatay si Mama dahil sa aksidente, samantalang si Papa naman ay sumunod sa pagkalipas ng isang taon. Nahirapan kami dahil nasanay kaming may mga magulang kaming tumutulong sa amin. Ngunit kinaya naming dalawa, nakapag tapos ako ng pag-aaral at nagtulong kami ni Ate. Gaya ni Reina ay mahiyain din si Ate Arnie at malihim, kaya hindi ko nakita ang ganap niya sa buhay.

Naalala ko noon, magfo-fourth year college na ako sa kursong BSBA at nag-apply ako agad sa bangko na pinag tatrabahuhan ko ngayon, tumatanggap sila ng mga undergraduate at natanggap ako. Masaya akong umuwi at balak siyang surpresahin ngunit mas nasurpresa ako ng malamang buntis siya at hindi niya sinabi sa akin kung sino ang ama ng bata.

Natuwa ako kahit na gano'n pero sa kabilang banda ay natakot, alam naming dalawa kung gaano ka-delikado ang sitwasyon niya, pero hindi niya hinayaan na maapektuhan ang bata sa tiyan niya. Pinili niya si Reina bago ang sarili kung kaya naman kahit masakit ay tinanggap naming dalawa kung ano ang puwedeng mangyari sa kaniya. Hinanda namin ang sarili. Isa sa pinakamasakit na parte ng buhay ko iyon. Gusto kong tulungan si Ate, pero wala akong malaking pera para doon. Halos magwawalong buwan pa lang na ipinagbubuntis ni Ate si Reina ay nanghihina na siya. Hanggang hindi niya kinaya, pero matapos ang lahat ay naisilang niya muna ang bata.

Nalaman kong may problema sa puso si Reina at hindi pa nakatulong ang kaniyang pagiging premature baby. Patong patong ang problema at utang ko noon, pero sa awa ng Maykapal ay nakaya ko. Kinaya ko dahil kay Reina at mga pangako ko kay Ate.

"Kakayanin ko, Ate." Ngumiti ako bago niyakap ang larawan.

Matapos kong mag ayos at kumuha ng ilang damit sa bahay ay dumiretso ako sa hospital.

Isang linggo na ang nakalipas matapos akong makarating sa tahanan ni Atlas. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Hindi ko maintindihan kung baliw ba ang lalaki na iyon o sadyang wala lang siyang mapaglagyan ng pera niya sa sobrang yaman niya. Matapos kasi niya akong halikan at panggigilan ay wala namang nangyari. Narinig ko lang buong magdamag ang malalalim niyang paghinga at mabigat niyang katawan sa ibabaw ko. Hindi ako nagreklamo, hinaplos ko lang ang buhok niya noong gabing iyon. Kita ko kasi na hirap siya at pagod.

Pagkagising ko ng umaga ay hindi ko na siya naabutan, basta ay may naghatid sa aking pauwi, at pagtingin ko sa bangko ay may laman na iyong limang milyon. Hindi ko siya maintindihan, anong iginanda ng performance ko sa kaniya kung binayaran niya ako ng limang milyon na dapat ay tatlong lang para lamang matulog mag damag?

Baliw nga ata ang bilyonaryo na iyon.

"Naynay!" Masiglang ani Reina pagkakita niya sa akin na pumasok sa pinto ng kaniyang kwarto. Niyakap ko naman siya kaagad. Natutuwa akong sumisigla na siya bago ang kaniyang nalalapit niyang operasyon.

My Sleeping BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon