Chapter 9

41 2 0
                                    

Eris Veronica

Itinabon ni Reina sa kaniyang kabilang pisngi ang kaniyang isang kamay at bumulong. "Naynay, ano po yung husband?"

Pigil ko ang tawa ko lalo na at napalakas ang bulong ni Reina, si Atlas naman ay parang nag-iba ang timpla ng mukha. "Kaibigan ang ibig sabihin ng husband, 'nak." Kinindatan ko siya, at umayos naman siya ng upo. Iniwas ko ang tingin kay Atlas ng masama siyang nakatingin sa akin.

"No, don't believe your mom. Husband means, asawang lalaki, not a friend." Namula ang pisngi ko sa pagkapahiya sa sinabi ni Atlas.

Ano ba ang trip niya? Kita na nga niyang iniligtas ko na siya sa interogasyon dahil sa maling mga salita niya tapos patuloy pa din siya.

Napatingin ako kay Reina nang mahina niyang tapikin ang hita ko. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

"At bakit naman po magiging asawa ka ng Naynay ko? Niligawan mo na po ba ako?" Napatakip naman ako sa bibig dahil sa pagkasamid. Hindi ko inaasahan ang tanong ni Reina na kung saang lupalop naman niya napulot.

Dagli kong inabot ang tubig. "Reina!" Mahina at mariing saway ko sa kaniya, sumimangot naman ang bata.

"Nagtatanong lang naman po."

"Why? Do I have to court you first for me to be your mom's husband?" Bigla namang nag iba ulit ang mukha ni Reina at tumikwas ulit ang isang kilay. Napahalukipkip pa siya. Samantalang si Atlas naman kahit medyo may kalamigan at antok ang mga mata ay may kung anong paglalaro ang nakikita ko doon. Para silang mag ama kung magkasagutan.

Mag-ama? Saan naman nanggaling iyon?

"Ay opo! Dapat sa akin muna po ikaw dumaan dahil po gano'n po sa amin. Atsaka, Naynay may boyfriend ka na po ba?" Napahinga ako ng malalim dahil sa sunod na tanong niya na ibinaling niya sa akin. Napailing ako. "Wala daw po siyang boyfriend pero hindi ka po puwedeng maging hubs... Hasb... Asawa ni Naynay hangga't hindi mo po nakukuha ang aking pagpa-" bago pa maituloy ni Reina ang kaniyang sasabihin ay sinubuan ko na siya.

Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng operasyon sa kaniya. Dumadaldal.

Ngumuso naman siya at ako ay tumawa ng peke kay Atlas. "Pasensiya na Mr. Castillejo. H-Hayaan mo na po 'yang anak ko, huwag mo ng pakinggan. May pagkamadaldal talaga eh. Baka sa mga kalaro niya natutunan." Ngumiti ako ng pilit at si Reina naman ay sumimangot lang bago binigyan si Atlas ng tingin na parang nagsasabing sa sunod na lang at tumango naman ang isa.

Maayos naming nairaos ang hapunan nang hindi na nagbubukas ng kahiya-hiyang usapin ang dalawa. Kaya naman, ligtas din ako mula sa kung ano mang kahihiyan.

Hindi ako nakatulong sa pagliligpit at paghuhugas ng pinggan dahil kinareer ng mga kasambahay ang gawain at halos maipon na sila doon sa kusina upang hindi lang ako makatulong.

Napabuntong hininga ako bago tamad na umupo sa upuan dito sa may balcony. May kalamigan ang hangin dahil marami-rami din ang punong kahoy dito at dahil din siguro sa sa malapit ng mag-bermonths.

Ngayon ang unang gabi ko dito sa bahay ni Atlas at unang gabi din bilang kasama niyang matulog kaya naman kinakabahan ako. Required ba talaga na magkadikit kami o 'di kaya ay magkayakap kung matutulog kagaya ng una kaming natulog dalawa? Kailangan ba talagang nasa ibabaw ko siya?

Namula ang aking pisngi ng maalala na naman ang gabing iyon. Iyon ang unang beses kong may makatabi, makahalik at makayakap na isang lalaki! Isa pa hindi ko kilala!

Halos mapaatras ang upuan ko sa gulat ng biglang may magbaba ng isang wine glass sa mesa sa aking tabi. Nagtama ang mga mata naming dalawa ng lalaking kanina pang tumatakbo sa isip ko, at hindi pa din nagbabago ang kalamigan nito. Ngunit hindi na ako nagtataka, kung hindi naman malamig ang kaniyang mga mata ay parang antok na antok.

Naglakad siya patungo sa sulok ng balcony at sumandal sa pader habang tangan ang wine glass sa kaliwang kamay, halos sakupin na nga ito ng kamay niya sa laki nito. Medyo basa ang buhok ni Atlas habang nakasuot ng hapit na sandong kulay itim, dahilan upang makita ang naghihimutok niyang biceps at malapad na dibdib, kapares ang isang gray na sweatpants na nagpapakita ng mahahaba niyang binti. Halos mahigit ko ang aking hininga dahil sa kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Bakit kailangan niyang maging ganito kagwapo?

Napaiwas ako ng tingin at napainom sa wine glass ng diretso dahilan para mapangiwi ako.

"Ang pait naman nito." Lihim kong saad.

Ano kayang klaseng alak ito?

"It should not be drunk that way." I diverted my gaze to Atlas. His voice is so deep.

"A-Ahh. Hindi kasi ako marunong uminom." Nahihiyang saad ko sa kaniya.

'Ito nga ang unang beses kong tumikim ng alak,' nais ko sanang idugtong.

"Why?" he simply asked. Parang interisadong hindi.

"Hindi kasi maganda kung iinom ako, may bata akong inaalagaan at pinapalaki, hindi maganda kung magiging masama akong ehemplo sa kaniya. Kung kaya naman hangga't kaya ko ay tumatanggi ako sa mga ganiyang bisyo." He tilted his head and just sip to his wine.

"But you drink the wine." My lips protruded.

Oo nga 'no?

"N-Nalimutan ko kasi, atsaka nauuhaw na ako." Palusot ko pa. Nagkunwari akong inaayos ang aking buhok dahil hinangin, pero sinundan ko ang kilos niya. Umayos siya ng tindig at ibinulsa ang kaniyang kanang kamay. Inubos niya ang natitirang alak sa kaniyang baso. He swallowed three times before licking his lower lips sexily. Para namang nagslow motion ang lahat na hindu ko alam kung bakit.

Naginit ang aking pisngi at napakurap ako ng ilang beses ng lumingon siya malapit sa puwesto ko. Napailing ako bago napatingin sa wine glass na parang isa itong napakainteresadong bagay upang may mapagtuunan lamang ng atensyon at huwag kung saan saan napapadpad ang mga mata ko.

"Want me to teach you how to drink properly?" Agad naman akong napatingala sa kaniya.

"H-ha?" Tanong ko pa.

He walked slowly, which made my heartbeat faster. "I'll teach you how to drink."

"Hala. Hindi na, ayokong matuto." Kinakabahang saa ko sa hindi malamang dahilan. Napaisod ako sa sandalan ng aking upuan ng nakalapit na siya sa akin ng tuluyan. Bakit kailangan niyang lumapit sa akin kung tuturuan niya lang ako?

"I insist." Malalim sa saad niya bago ako titigan gamit ang mga mata niyang parang inaantok.

"Pero hindi ko naman kailangang matuto." Binaling niya ang kaniyang atensyon sa hawak niyang wine glass.

"You have to." He seriously said that, which made him so damn hot.

Tumunog ang takip ng wine matapos niyang abutin at buksan ito ngunit nagtataka akong napatingin sa kaniya ng baso niya lang ang sinalinan niya, at hindi pinansin yung sa akin.

"Ngunit-" naiwan ang lahat ng sasabihin ko ng ilapat niya ang kaniyang hintuturo sa ibabaw ng aking labi.

"Shhh." He made me silent casually. "Just watch and learn."

Para namang nalunok ko ang aking dila dahil sa ginawa niya. Mas lumapit siya sa akin. Ngayon ay nasa harapan ko na talaga siya at halos magkadikit na ang aming mga binti. Napatingala ako sa kaniya na siya namang pinagsisihan ko, he crouched a bit and smirked. My face reddened.

Paano niya ako tuturuan sa lagay na ito?

"M-Mr. Castillejo and-"

"Atlas, sweet. Call me, Atlas." Pagputol niya muli sa sinasabi ko.

Inabot niya ang wine glass at dineretso ng inom ang lahat ng laman nito na siyang nagpaawang sa aking mga bibig. May ilan pang tumakas sa kaniyang labi, kaya madahan itong naglandas pababab sa kaniyang baba hanggang leeg na hindi namn niya pinagabalahang punasan.

Naiatras ko ang aking ulo ng mas lumapit siya sa akin tinitigan niya ako sa aking mga mata na parang hinihipnotismo. Bumaba ang aking tingin sa kaniyang ilong patungo sa labi at sa tumakas na wine, parang gusto ko iyong punasan. Gusto kong kastiguhin ng sarili ko dahil hindi na ako ito kaso ay nabigla ako ng ilapat niya ang kaniyang mga labi sa akin. Nanlaki ang aking mga mata lalo na ng may dumagsang matamis na likido sa loob ng aking bibig hanggang humagod sa lalamunan.

Atlas kissed me and, at the same time, made me drink the wine. Ginalugad ng kaniyang dila ang aking bibig at lasang lasa ko sa kaniya ang naghalong wine at kung anong mint.

Tuluyan na akong napasandal sa upuan at napapikit ang aking mga mata, samantalang si Atlas ay patuloy lang.

Hindi ko alintana kahit nasa balcony kami, sa labi niya lang napunta ang aking atensyon. Nalulunod sa kung anong bagay na hindi ko mawari kung ano.

"Naynay?" Para naman akong nagising sa katotohanan dahil sa pagtawag na 'yon. Nasamid ako at agad kong naitulak si Atlas.

Napisil ko pa ang ilong ko ng may lumabas dito na kaunting wine.

"Naynay?" Pagtawag muli ni Reina. Napatingin ako sa pinto ng balcony.

"Po?! Nandito si Naynay!" Tugon ko. Napabaling ko ang atensyon ko kay Atlas at pangiti-ngiti naman siya.

"I think I should go now," he cockily said. Before coolly moving away, "You can sleep in your daughter's room, I'll work tonight." Tumalikod na siya sa akin habang ang sumulpot naman na si Reina na malditang nakatingin kay Atlas ang dumating. Ginulo naman ng isa ang buhok ng bata bago tuluyang pumasok sa loob ng mansiyon.

Napahawak ako sa aking labi at namula ang aking pisngi dahil sa mga nangyari.

Am I his sleeping buddy or a kiss buddy? Pati ako naguguluhan na.

_

Paturo na ba us uminom kay Atlas? :)

ErmisSan

My Sleeping BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon