Chapter 12

40 2 0
                                    

Eris Veronica 

Halos mabutas na ang kisame kakatitig ko dito upang maiwasan lamang tingnan si Atlas. Nandito kami ngayon sa kwarto niya at gaya na ng inaasahan ko hindi na magkaintindihan ang mga paru-paro ko sa tyan dahil sa sobrang kaba.

Napahigpit ang hawak ko sa aking kumot ng lumingon siya saglit sa puwesto ko. Pinipigilan ko na ata ang paghinga. Sino ba naman kasing hindi? Walang pang itaas si Atlas, nakasuot ng salamin at nakatutok sa harap ng laptop, kaya naman ang sinag ng screen ay tumama sa kaniyang pumuputok na walong abs, pakiramdam ko nga ay nasisilaw ako dahil kahit nandito ako sa kabilang kama.

Umiwas ako ng tingin at tumalikod mula sa puwesto niya ng sarhan niya na ang kaniyang laptop. Magkabukod kami na siyang pinagpapasalamat ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog kung literal na magkatabi kami. 

Noong una naman ako dito ay isang king size bed lang ang mero'n, pero ngayon ay may isang single bed na din dito sa may kanang bahagi ng kwarto malapit sa may bintana. Mero'n ding isang bedside cabinet sa pagitan ng dalawang kama na siguro ay pinasadya niyang ipalagay para sa akin.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan na lamang ang kumikislap na mga bituin sa langit na tanaw sa glass window. Napakalinis ng kalawakan at walang gaanong ulap, kaya naman tanaw ang maliwanag na buwan na nagbibigay ng kaunting liwanag dito sa kwarto. Iniwan ko si Reina sa kwarto naming dalawa, at siya pa ang nagtulak na pumunta sa akin dito ng maalimpungatan siya.

I flinched when the bed sagged and two pairs of hard arms enveloped my waist. Kung kanina ay halos, hindi ako makahinga ngayon pakiramdam ko hindi ko na kaya panghuminga pa. Lalo na ng maramdaman ang pagtama ng mainit na hininga ni Atlas sa aking batok.

Bakit siya narito sa likod ko?

Bahagya niya akong inisod upang magkasya siya at hindi mahulog. Pang isahang tao lang naman, kasi itong kama tapos makikisiksik siya.

"What are you doing here?" I stuttered out of nervousness. Napatingin ako sa kamay niyang mas humigpit ang pagkakayakap sa aking tiyan. Damang dama ko ang hubad niyang dibdib at tiyan sa aking likod. It is pressing me hard.

"Sleep." Tipid niyang sagot sa namamaos na boses. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso na tila ba parang gusto na niyang lumabas sa ribcage ko, at hindi na ako magtataka pa kung nararamdaman niya din ito. "Relax, sweet. I won't bite you. Not in a harsh way." Namula ang aking pisngi sa tinuran niya.

"N-Ngunit may kama ka naman." He nuzzled on my nape, and my eyes went wide when I felt something wet and hot on it.

"Are you more comfortable if we sleep on my bed?" Napailing ako sa sinabi niya. Hindi naman, kasi iyon ang tinutukoy ko. 

"H-Hindi, okay na ako dito." Ani ko sa mababang tono.

"Good. Because I preferred here, I can feel your body more." I bite the inner of my cheeks. "Now, sleep sweet."

Wala akong nagawa kung hindi ang manahimik at hayaan siyang yumakap sa akin magdamag. Kay bilis niya ngang nakatulog. Ilang libong beses pa akong nag bilang mga tupa bago dalawin ng antok, at nagising na lang ako kinabukasan na nasa ibabaw niya. Nakahilig sa kaniyang dibdib samantalang yakap ako ng kaniyang kanang braso.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi ng magreplay na naman sa utak ko iyon. Halos araw-araw kasi naming senaryo iyon sa nakalipas na isang linggo, at parang sanay na sanay na sa akin si Atlas. 

Natatakot nga ako dahil nandito na ako sa puntong komportable na ako sa kaniya.

"Uyy si Ma'am kinikilig!" Nang-aasar na turan na Querine.

"Hindi kaya! Bakit naman ako kikiligin?" Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay upang itago ang aking totoong nararamdaman. Atsaka hindi naman talaga ako kinikilig, nahihiya lang.

My Sleeping BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon