Chapter 14

16 1 1
                                    

Eris Veronica 

Nakatikom ang bibig at mahihinang sinampal ko ang aking sarili dahil sa hindi malimot limutang kahihiyan na nagawa ko kanina. 

Kinagat kagat ko pa ang loob ng aking pisngi at umiling na tila ba sa paraan na iyon ay maaalis kung ano mang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. 

Kung bakit ba kasi ay pabingi-bingi ako!? Siguro ay iniisip ni Atlas na manyakis ako.

"What are you doing?" Para akong nabalik sa realidad at napatingin sa lalaking kanina ko pang naiisip. 

Ngumiti ako ng maliit. "A-Ah wala." 

He just looked at me amusingly before sitting beside me on the bed. Umisod naman ako upang magbigay ng espasyo sa pagitan naming dalawa, pero binalik niya akong muli sa pwesto ko.

Para akong sira na pinagmasdan ang kwarto niya na parang unang beses ko lang makapunta rito upang mabawasan ang kung ano mang nadadama ko sa aking dibdib, ngunit nabalik ko ang tingin sa kaniya nang tanggalin niya ang takip ng box na kulay na brown na kinuha niya mula sa walk-in closet. 

Una ko agad nakita ay ang mga bunton na papel, ang iba ay nakatupi ngunit karamihan ay gusot. 

Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Atlas at tila pagbigat ng atmosphere. Binaling ko sa kaniya ang aking tingin. Nawala na ang paglalaro sa kaniyang mata at napalitan ito ng hindi ko mapaliwanag na emosyon.

"A-Ahmm... Atlas. Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin ang tungkol sa nakaraan mo kung hindi ka pa handa. Hindi naman ako nagmamadali," saad ko. Ngunit imbis na tumingin siya sa akin ay umiling siya. Tinanggal niya ang mga papel na nasa kahon at napakagat ako sa ibabang labi ng makita ang isang larawan. Gaya ng mga papel ay gusot din ito, but ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang nasa picture.

"She is my mother that I wish I never had; this was taken when I was four years old when things in our family are still all fine," he said using his baritone voice. Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao na para bang may kung ano siyang naalala.

Naghintay ako ng susunod na sasabihin niya, pero hindi na siya nagsalita pang muli, hanggang sa lumipas ang ilang minuto. Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang mga papel at ibinalik sa kahon bago sarhan ito na siyang ikinagulat niya. Ibinalik ko ito sa loaf ng walk-in closet.

Lumapit ako at tumayo sa harapan niya, at saka inabot ko ang kaniyang kamao bago hinaplos ito.

"Ayus lang, Atlas. Kung ginagawa mo ito dahil sa kondisyon ko at kagustuhan mo na maging girlfriend mo ako, hindi mo kailangang gawin. Naiintindihan ko." Nginitian ko siya. "Hindi naman ako aalis dito sa bahay mo hangga't kailangan mo ako, nandito ako para tulungan ka, hindi bilang empleyado mo lang." Tinitigan niya ako sa aking mga mata na halos kapantay ko lang kahit nakatayo na ako sa harapan niya. 

Nanlaki ang aking mga mata ng hawakan niya ako sa magkabilang braso bago hinigit palapit sa kaniya. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa gilid ng aking leeg, bago ako niyakap ng may kahigpitan sa aking bewang. Natulos ako sa aking kinatatayuan.

"I want you to know me not only because of your condition or because I only want you to become my girlfriend. I'm doing this because I like you, Eris," nagrambulan ang aking puso dahil sa pinahayag niya.

Nauntog ba ulo niya? 

"A-Atlas, baka nagkakamali ka lang sa mg—" napahinto ako sa sinasabi ko nang masama siyang tumingin sa akin.

"I am a serious person, Eris. And before I say something, I'm always sure of." Parang naumid ang dila ko at hindi ko alam kung anong dapat itugon doon. "I chose you to become my sleeping buddy not only because I want someone beside my bed but because you gave me a sense of comfort and peace. That out of three hundred eighty-seven different people that I lay next to in the past few years of my life, you're the only one that made me put in the deep slumber." Malamyos na saad niya na ikinakunot ng noo ko.

"Three hundred eighty-seven people?" nagtatakang tanong ko. 

"Yes, three hundred eighty seven people," sagot niya na para bang walang balak sabihin sa akin kung anong mismong pinupunto niya. 

Unti-unti kong pinagtagpi-tagpi ang lahat, mula sa nakilala ko siya, pagbabayad niya sa akin upang maging isang sleeping buddy niya at pagpapatira niya sa amin dito sa bahay niya.

Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto ang lahat. "So are you saying that you had three hundred eighty-seven women here at your house before me!?" exaggerated kong tanong pa, pero pitik sa noo lang ang natanggap ko. Napasimangot ako. "Aray ko naman. Nagiging hobby mo na 'yan ha."

"Sorry," he said before giving my forehead a gentle kiss that sends a lot of butterflies through my stomach. 

"That's not what I meant." He looked in my eyes before grabbing me on both sides of my hips, which made me straddle on his lap. My cheeks heated because of our position. "Those people that I'm talking about are not all women, and I'm not letting them to stay here in my house. There is a condo unit that I'm using just for that."

"Hindi ko medyo maintindihan..." utal na saad ko.

Inayos niya ang ilang takas na buhok sa mukha ko bago inipit ito sa magkabila kong tainga. "I have been struggling to sleep for almost twenty-four years, and I have been deprived by my doctor by using the sleeping pills because it's already affecting my health. He suggested that I should find something or someone that would help me to sleep easily. That's why I negotiated with the people who's in need in order to find the comfort that I need. I already face different people with different personalities and status in life yet no one succeeded to be my sleeping buddy, but luckily I found you. That's why I'm thankful that you're here, Eris. But seeing you with Atticus earlier made me panicked. I don't want anyone to get you from me." Pilit na inuunawa ang nga impormasyon. Sa loob loob ko ay hindi ko mapigilan ang malungkot para sa kaniya.

Ngunit isa lang ang hindi ako maaaring magkamali, alam kong kasama ang Mommy niya sa dahilan kung bakit. 

Bumuntong hininga ako at inalis ang hiya sa katawan bago marahan siyang niyakap. Naramdaman ko ang pagkatulos niya sa kaniyang kinauupuan. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay mas niyakap niya ako at isiniksik ang sarili sa aking leeg.

I gently tapped his back before caressing it like a baby. 

"I will always be here, Atlas. I will always be by your side no matter what it takes." I paused for a while before putting my chin on his left shoulder comfortably. "You can treat me as your pillow that you can hug on the most painful night of your life; make me your comforter that can give you heat at your coldest midnight; and most importantly, make me your someone that you can rely on. Because... I can stay, Atlas. I will stay as long as you need me."

Hindi ko na alam kung tama ba itong mga desisyon ko sa buhay, ang pagpayag sa trabahong ito, ang pananatili, ang hayaang pagpasok ni Atlas sa buhay namin ni Reina, pero... pero habang kasama ko si Atlas... Habang naririto ako sa puder niya ay parang laging may bumubulong sa akin na ito ang nararapat kong gawin. Na lahat ng bagay na ginagawa na kabilang siya ay tama lang at hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon.

Lihim akong bumuntong hininga sa loob loob ko. 

Sino kaya ang magiging daan ko upang mas makilala si Atlas? 

_

Hello po! I'm really sorry for the very late update. Medyo naging busy lang talaga po, soon po babawi ako. Medyo sabaw din po ang part na ito kaya sana maintindihan niyo po. 'Yon lang, thank you and take care po sa inyo. I hope y'all doing fine at safe po kayo ng family niyo♥️

ErmisSan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sleeping BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon