Eris Veronica
Marahan kong pinadausdos ang aking kamay mula sa aking binti pataas sa aking hita habang sumasabay sa maliw ng musika. Dinama ko ang aking katawan at humarap sa maraming kalalakihan na tila darang na darang na ako ay hawakan.
Hinawi ko ng bahagya ang aking buhok na umaabot sa aking pang upo para ipakita ang aking balikat at leeg. Pinagmasdan ko ang lahat kong umuubra ba o kung naakit ba sila sa ginagawa ko. Ngunit wala akong makita kung hindi ang bahagyang nakawaang nilang bibig na parang konti na lang ay maglalaway na sila sa akin.
Huminga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang lahat. Pinanatili ko ang pagtingin sa kanila na nangaakit at ngumiti ng may pagpahulugan, marami ang napalunok ngunit hindi ko mamataan ang pares ng mga matang tila nakakasindak. Kanina ko pa iyong nadadama.
Sa kabila ng malakas na tunog ay hindi nakatakas sa aking pandinig ang pintig ng aking puso, ang sigawan ng lahat at iilan nilang pagsipol. Nakakahiya itong ginagawa ko. Hindi man nila ako nakikilala ay labis kong kinamumuhian ang aking sarili.
Ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Wala na akong pagpipilian. Narito na ako.
Maaaring sinasabi ng iba na maraming choices sa buhay, maraming trabaho ang puwede nating pasukan maliban dito kung ayaw nating madungisan ang ating dangal. Marami daw ibang trabaho na mas maayos kesa dito. May trabaho na mas desente dito. Pero ang tanong ay nasaan? Meron ba niyan dito sa Pilipinas? Mababa ang opurtunidad dito. Malabong makakita ka ng trabahong pagpinasok mo ay may malaking sweldo. Walang kumpanya ang tatanggap agad ng empleyado, kahit nakapagtapos ng pag-aaral at magbibigay ng karampatang sahod. Walang wala.
Kaya hindi na dapat magtaka ang tao sa bansang ito sa lahat ng trabaho at gawain ng iba. Walang pagpipilian sa taong nangangailangan. Walang ranggo o desedesenteng trabaho. Lahat kayang pasukin para sa pangangailan kahit na mali ito o dignidad ang kabayaran.
Tumalikod ako sa lahat bago mariing hinawakan ang tubong kanina ko pa hawak. Sinabayan ko na lamang ng pagindayog ng aking bewang ang ritmo ng tugtuging umaalingangaw sa buong bulwagan na ito.
Mariin kong pinunasan ang luhang tumakas sa aking suot na makislap na maskara.
Hindi dapat ako umiyak. Ako ang nagdesisyon nito. Ako ang may kasalanan, kaya hindi ako dapat magdrama. Hindi ko man ito ginusto ay kailangan kong panindigan ang pinasok ko. Atsaka ito man ang unang beses kong ibenenta ang dangal ko'y ito na din ang huli.
Muli kong hinagod ang aking bewang pataas sa aking dibdib at pumitik sa itaas bilang pagtatapos sa musika.
Nagpalakpakan ang lahat.
"Thank you to our most sexiest and beautiful special dancer for tonight, Crystal!" Sigaw ng host ng club na ito.
Huminga ako ng malalim at humarap upang yumuko ng bahagya ng magpalakpakan muli ang lahat. Lahat sila ay tuwang tuwa at tila gusto akong iuwi. Ngunit hindi ko magawang ngumiti. Hindi ito achievement, isa itong kahihiyan.
Nagingay sila lalo ng tumalikod na ako patungo sa backstage. Marami ang sumigaw na isa pa daw at yung iba siguro'y nag expect na pupunta ako sa baba upang mang entertain. Ngunit hindi ko na iyon binigyan ng atensiyon, bagkus ay pinagtuunan ko ng pansin ang aking matang nangingilid ng luha. Tumingala ako ng bahagya.
Pagkalabas ko sa backstage ay bumungad sa akin ang matamis na ngiti ni Tina.
"You did it! I'm so-"
Mataman akong nagmasid sa paligid. "Nasaan ang CR?" Agaran na tanong ko.
Bakas sa mukha niya ang pagkabigla, "A-ahmm... May CR sa office ko. Dun ka na lang pumunta." Aniya sa akin na tila kabado. Tumango lang ako ng saglit at nagumpisa ng maglakad. Bumagsak ang aking balikat habang naglalakad. Lumiko ako sa kaliwa at nagderedertso hanggang sa dulo. Tumigil ako isang pinto at pumasok doon.
BINABASA MO ANG
My Sleeping Buddy
RomanceDescription Nothing is more important than your loved one, that is what Eris Veronica Dela Cruz believes. Matapos mamatay ng kaniyang Ate ay siya na ang nagpakananay kay Reina. Reina is suffering from a heart disease and she already needed an operat...