Eris Veronica
"Ang laki po, Naynay! Sigurado po ba kayong dito tayo titira?!" Bakas ang galak sa boses ni Reina sa tanong niyang iyon. Nakatingala siya sa mataas na gate ng mansiyon ni Atlas, at kahit ako din. Kung mag aakyat bahay nga ako ay hindi ko yata kakayanin na akyatin ang gate na ito.
"Oo, dito tayo titira." Huminga ako ng malalim, na para bang kumukuha ng sapat na lakas ng loob.
Sinabi ko kay Atlas na ngayong araw kami pupunta, isang linggo matapos ang paguusap naming dalawa. May ilang bagay pa kasi akong inayos. Hindi ko na sinabi sa kaniya kung anong oras ang punta namin dahil alam ko naman na ang daan papunta dito at saka isa pa ayaw kong makaabala sa kaniya.
"Ma'am, magandang umaga po. Pasensiya na po, may ginawa lang po ako sa loob. Kanina pa po ba kayo diyan?" Naiwagayway ko ang kamay ko at umiling.
"Hindi naman po, kakarating rating lang po namin. At hindi po ako bisita, trabahante lang din po ako dito, kaya huwag niyo po akong tawaging, ma'am." Ngumiti ako ng matamis. Si Reina naman ay napahawak sa aking kamay, kaya napabaling ako sa kaniya. Nangingislap ang kaniyang mga mata dahil sa galak na makakita ng isang gwardya sa isang malaking mansiyon.
"Ngunit ipinag uutos po iyon ni Sir." Turan niya. "Tuloy na po kayo." May kung anong pinindot si Kuya sa guard house at kusang bumukas ang gate gaya ng una kong punta dito.
"Ako na po diyan Ma'am." Aangal sana ako kay Kuya na hindi ko alam ang pangalan ngunit nakuha niya na agad ang bag sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang mag paubaya.
Nang makatapak kami sa sahig ng mansiyon ay mas lalong natuwa si Reina. Bumitaw siya sa akin at masiglang naglibot.
"'Nak, huwag masyadong malikot ha. Wala tayong ipangbabayad kapag nakabasag ka." Hindi lumingon sa akin si Reina, pero tumango siya.
"Iuuna ko na po ito sa itaas. Querine ikaw na ang bahala kay Ma'am." Napangiwi ako sa pagtawag niya muli sa akin ng Ma'am, bago binalingan si Querine na nasa may daan papuntang kusina, kumaway lang ako sa kaniya.
"Nica na lang po ang itawag niyo sa akin." Pagbibigay alam ko, pero nginitian lang nila ako.
Ng makalapit sa akin si Querine ay agad ko naman siyang tinanong. "Si Mr. Castillejo?" Bulong ko.
"Nasa opisina pa po si Sir, baka mamaya pa pong alas dyes ng gabi iyon uuwi o hindi kaya ay alas dose." Nabigla ako sa sinabi niya.
Bakit gabing gabi na?
Pero ano ba ang concern ko doon? Buhay naman niya iyon? Kaso hindi ba magiging sleeping buddy niya ako! Ibig sabihin ay hihintayin ko siya.
Napasimangot ako. "Masyado naman, atang tutok sa trabaho si Mr. Castillejo."
"Naku hindi po, Ma'am Nica. Sadyang gano'n lang po talaga ang normal na uwi ni Sir, pag nandito din naman po sa bahay ay nagtatrabaho lang din naman po siya." Napakunot ang noo ko.
"Hindi na siya natutulog?"
"Natutulog naman po, Ma'am. Minsan po kapag umiinom siguro ng sleeping pill-" naputol ang sinasabi niya ng may tumawag sa kaniya na may kalakasang boses.
"Querine!" Napakamot siya sa kaniyang pisngi.
"Saglit lang Ma'am Nica ha? Puntahan ko lang ang Mamang sa kusina. Babalik ako agad." Kahit ko pang mag tanong ay wala akong nagawa kung hindi hayaan siya.
But sleeping pills? Gano'n ba kalala ang kondisyon niya? O baka naman, insomnia?
Kaysa naman mabaliw ako kakatanong sa sarili ay binantayan ko na lamang si Reina. Agad din namang nakabalik si Querine at hinatid ako sa magiging kwarto ko sa taas na katabi ng kwarto ni Atlas, dapat nga ay magkabukod kami ni Reina, pero dahil ayaw ko at bata pa nga siya ay hinayaan na ako ng mga katulong.
BINABASA MO ANG
My Sleeping Buddy
RomanceDescription Nothing is more important than your loved one, that is what Eris Veronica Dela Cruz believes. Matapos mamatay ng kaniyang Ate ay siya na ang nagpakananay kay Reina. Reina is suffering from a heart disease and she already needed an operat...