Erykah Sunshine
.
Ramdam ko ang init at pamumula sa pisngi. Ang baliw ko talaga! Ba't ko tinanong iyon?
I didn't get his size. After he gave me his answer, I walked away because I felt embarrassed.
'It's not a problem, Erykah. It's not like you have seen me naked and was sure of my size. Don't worry about it. May mga naiwang gamit ako roon, at okay pa iyon na gamitin ko.'
I stopped to calm myself.
Parang sirang plaka na pabalik-balik ang sagot ni Glenn sa akin kanina. Tama nga naman siya! Hindi ko naman nakita ang sa kanya! Ba't pa ako bibili? Malay ko ba!
Napailing ako at nagpatuloy na. Marami akong bibilhin ngayon at ipapakaltas ko ito sa sweldo ko.
Pagkaraan ng trenta minuto ay nakuha ko na ang lahat ng gusto ko. Iilang damit, jeans, shorts, t-shirts, bra at panty. Binayaran ko ito gamit ang card ni Glenn at lumabas na ako sa woman's area. Insakto naman na katapat lang nito ang men's area, kaya pumasok na ako. Namili ako ng damit ni Glenn, shorts, at brief.
I couldn't help it, but somehow I need to get something for him. Natagalan ako sa bahaging ito, at mabuti na lang ay tinulungan ako ng babaeng in-charge.
"Bonds ang magandang brand, Ma'am. Ito po. Ano po ba ang size ng mister mo, Ma'am? May iba't-ibang sizes kami rito."
Natahimik ako, at hindi ako makasagot. Nakatitig ang mga mata ko sa sizes, pero hindi ko alam kung ano ang size ni Glenn.
"Hindi ako sure, Miss, eh."
Napalingon siya sa paligid na para bang naghahanap ng lalaki.
"Kasing hugis po ba ng katawan niya ang mister n'yo, Ma'am?" Itinuro ng mga mata niya ang lalaking nasa unahan. Medyo malaki ang lalaking iyon at bilog ang katawan.
"Hindi, Miss. Ano siya... tall, not so dark, and handsome."
Tangina, anong klaseng deskripsyon iyon, Erykah!
"H-Ho?" Natulala siya na parang gustong matawa, at pinigilan lang.
"Gwapo siya, Miss. Matangkad syempre, at hindi mataba. Hindi siya maputi at katamtamang moreno lang din. Engineer kasi siya, Miss, at madalas nasa field. Kaya bilad ang balat minsan sa araw. Pero makinis, maayos, at matigas ang. . . Tindig!"
Ano pa ba ang matigas sa isip ko! Eto na nga ba. Nagiging green minded na ako.
"Ahh, so parang itong modelo, Ma'am?" Itinuro niya ang artistang modelo na nasa likod namin. Isang half foreigner ito at naka-brief lang din.
"Oo, magkapareho sila ng katawan, Miss! Ganyan na ganyan nga siguro kalaki ang sa kanya!" Turo ng kamay ko sa suot na brief ng modelo. Ito lang yata ang tinitigan ko ngayon at humalakhak ako. Nagkatinginan na sa akin ang iilang kababaihan na nasa gilid.
"Bigyan mo ako n'yan, Miss! Iyang suot ng model ang gusto ko. Iba't ibang kulay. Isang dosena!" Ngisi ko. Pinagmamalaki ko pa talaga ano?
Isang dosena nga naman ang kinuha niya, ibat-ibang kulay at binayaran ko na ito. Pagkalabas ko ay sa grocery area ang bungad. May bibilhin din ako rito. Pagkatapos ng lahat ay nasa trolley na ang mga pinamili ko. Sakto naman pagkalabas ko ay si Glenn agad ang sumalubong. Mukhang kanina pa yata isya naghihintay.
"Did you got everything you need?" Isa-isa niyang nilagay sa likod ng sasakyan ang lahat.
"Oo. Nag grocery rin ako. Ikaw? Ano ang pinamili mo?" Dumapo ang mga mata ko sa likod na bahagi at nakita roon ang iilang supot. Mukhang may prutas at may masarap.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 Mature content She's haunted by her past, and his heart is off-limits. They were never meant to cross paths, but when their lives collide, they find solace in each other's arms. Can they break the w...