3: Job offer

32 15 0
                                    

"You're late again Ms. Valencia" sambit ni prof Cruz.

"Apologies professor Cruz i'm sick and had to go to the hospital before going here" sagot ko at yumuko.

ngumiti lang sya at nag lakad na'ko papunta sa table ko.

pag upo ko ay agad akong kinalabit ni yves at agad ko naman syang nilingon.

"pakopya sa EAL wala kami pretest ni luna" bulong nya at ngumiti ng tipid saakin.

agad kong kinalkal ang bag ko at inabot sakanya ang test paper ko.

wala naman masamang sa pag papakopya wag nyo lang araw arawin tulad namin.

"class please take note that the studies in the history and theory of literary forms with a focus on one genre, such as the novel, short story, poetry, or drama" nabalik ang atensyon ko sa sinasabi ng prof namin sa harapan ang dali dali kong sinulat sa papel ang sinabi nya.

"and also-" blablabla wala akong maintindihan dahil kumikirot ang braso ko dahil hindi naman talaga ako dumaan ng hospital kanina dinahilan ko lang yon.

pinalitan ko lang din ang benda ng braso kanina bago pumasok.

kagabi ko pa iniisip kung sino ang bumaril saakin.

bracelet nya lang ang tanging naaalala ko dahil ng harapin ko sya ay tumalikod agad at umalis matangkad sya na naka black pants at hoodie.

maluwag ang suot nya kaya hindi ko masabi sa katawan kung babae ba o lalake 'yon dahil suot nya ang hood at mukhang tagong tago ang buhok.

sa paraan ng pag iwan nya kay maya ay alam kong hindi sila magkasama pero alam kong kilala nya si maya.

maaari kayang para kay maya ang bala at nagkataon lang na sakin tumama dahil malapit ako sakanya non...

o baka kaya niya ako binaril para mailigtas si maya dahil alam nyang balak kong kunin ito..

"class dismissed thankyou students" salitang nakapag balik sa wisyo ko, salamat naman at tapos na ang boring na klase.

niligpit ko na ang gamit ko at naglakad papuntang pintuan.

"Ms. Valencia go to the dean's office pinapatawag ka ron" sambit ni mr cruz bago pa'ko makalabas ng pinto.

"i will" tanging tugon ko at lumabas na.

naglakad na'ko papuntang office at baka may sasabihin lang sakin ang dean.

"hoy astrid san gorabels mo tara na punta tayo sa alam mo na" sambit ni luna kaya huminto muna ako saglit.

"deans, baka may sasabihin lang mauna na kayo sunod ako" sabi ko at nagpatuloy sa pag lalakad.

"ayaw mo lang kami ilibre e" pahabol naman ni yves.

hindi ko na sila pinansin at nag lakad na ulit papuntang office.

hanggang hallway ay may nararamdaman ako mabigat na presensya at kung sino man 'yon huwag na syang magpapakita sakin.

huminto na ako sa paglalakad at kumatok sa pintong nasa harapan ko at pumasok.

"good afternoon dean...."

"and Ms. Gauthier" parang nagdalawang isip pa'ko bago ko banggitin ang pangalan ne'tong demonyong sexy na prof sa harapan ko.

"please take a seat Ms. Valencia" sambit ng dean na naka ngiti sakin at etong sexy demon sa harap ko ay puro titig lang sakin pero hindi titig na crush ako, para akong papatayin ne'to sa titig nya e apaka dilim.

"okay so ms. Valencia please listen and stop zoning out" sambit ng dean at agad akong napatingin sakanya.

"your professor here needs an assistant around here in our school and since you're the top 1 on my list i recommended you and she agreed..." huminto sya saglit at tumingin kay ms. Gauthier bago ibalik ang tingin sakin at nagpatuloy.

"i called you here to ask you if you're willing to take the offer" sambit nya.

nanatili akong tahimik saglit at nagsalita.

"it's not my job as a student to be my professor's personal assistant, and if i will accept your offer.." natigil ako saglit at tumitig sa mata ni ms. Gauthier.

"what will i get in return.. po." sagot at binalik sa dean ang tingin.

"you're right Ms. Valencia, and i'm willing to pay you 200k a month" pag sagot ni ms. Gauthier

bigla naman akong natawa sa sinabi nya at lalong tumaas ang isang kilay nya.

"i'm not joking here kid i need an answer now" malamig na sambit ng professor na kaharap ko ngayon.

"i have a meeting in 5minutes maiwan ko na kayo please leave the office pag tapos na kayo magusap" parang inip na sambit ng dean at lumabas sa sarili nyang opisina.

"so.." muling nabaling ang atensyon ko sa prof na nasa harap ko.

"you are fully aware that my family is one of the richest here in our country right professor??" simpleng tanong ko sakanya.

"no." she simply answered kaya lalo akong natawa.

"same answer professor, it's a no for me pwede kang humanap ng ibang estudyante para maging p.a mo" sambit ko at tumayo.

maglalakad na sana ako palayo ng hablutin niya ang kamay ko..

"1million a month, i just need a smart assistant that will handle my other paper works ang check the test of my students because i have business outside the school and i don't know who else i can trust my work with" sambit nya at agad akong napa isip.

apaka desperada naman ne'to hindi lang naman ako ang matalino sa school nangongopya nga lang ako minsan.

"if. you. are. too. desperate..." hinarap ko sya at tumitig sa nga mata nyang kasing berde ng mga damo at 'sing kinang ng mga bituin, ang ganda nya pala..

"what??" biglang tanong nya na nakapag balik sa wisyo ko.

"i'll accept your offer but i can't start today i have to go somewhere" i shrugged and removed our eye contact.

"okay" tanging tugon niya at tuluyang binitawan ang kamay ko.

naglakad na'ko palabas at hindi na nag salita pa.

sayang 1million 200k lang allowance ko monthly e kaya pumayag na'ko, makakatulong din kay ara 'yon.

naglalakad na'ko ngayon palabas ng school at malapit na'ko sa gate..

happy birthday to you~
happy birthday to you~
happy birthday hap-

"ANO BA!!" sigaw ko sa selpon ko.

"bading asan kana kanina pa kami andito bilisan mo 'wag kana bumili ng pagkain meron na dito" sagot ni luna sa kabilang panig ng telepono at pinatay nya na bastos diba.

oo ringtone ko yung happy birthday, si ara nag set nyan para raw laging masaya kahit hindi birthday.

nag taxi nalang ako papunta sa kanto ng villa at hindi naman pwede na dumiretso ang taxi don edi natimbog kami diba.

***

bago pumasok sa villa ay nag tago muna ako sa likod ng isang malaking puno para isuot ang facemask ko na may tatak na half moon lahat ng kasali sa villa may sarisariling mask pero ang sa grupo ko ay may tatak na half moon.

pag suot non ay pumasok na ako agad sa villa hindi na'ko humarap sa scanner at tinype ko nalang ang code at tuluyan ng pumunta sa elevator nakayuko lang ako hanggang makarating sa headquarters namin dahil hindi ko suot ang contact lens ko.

iba ang kulay ng mata ko pag nasa villa ako dahil tinatakpan ko ng grey na contact lens ang kulay asul kong mga mata.

____________________________________________________________________________________TO BE CONTINUED...

malapit na sa plot twist pero malayo pa sa katapusan...

PROFESSOR X1 (ongoing)Where stories live. Discover now