14: Stare

6 2 0
                                    

"class dismissed" sambit ni professor gauthier.

tumayo na kaming lahat at sunod sunod na lumabas.

palabas na rin sana ako ng muli syang mag salita "Ms. Valencia bring this to my office"

"goodluck babe hindi kana namin hihintayin" sambit ni yves at sabay silang umalis ni luna.

bumalik ako sa professor's table at kinuha ang gamit, pagkuha ko naman ay tumalikod din agad su Ms. Gauthier.

hindi nalang ako nag salita at sumunod sa likod nya at baka bumuga pa ng apoy ay demonyitang 'to.

patuloy parin kaming nag lalakad at kitang kita sa muka ng mga estudyante na madadaanan namin ang pagka mangha.

naka black fitted dress sya ngayon na hanggang siko ang sleeves at may slit sa ibabaw ng hita nya, bakat na bakat yung hubog ng katawan sinabayan pa ng naka lugay na buhok nya na kala mo ay may sariling buhay dahil sa sobrang lambot.

"are you done checking me out?" nabalik naman ako sa katinuan ng marinig ang mga kataga niya.

"miss?" sagot ko naman dahil nagulat pa nga ako at nasa harap na pala kami ng office nya.

tinarayan nya lang ako at pumasok na sa loob kaya naman sumunod ako.

pag lapag ko ng gamit nya ay agad nalang din akong lumabas para maka alis na uuwi ako ulit sa condo ko para kunin yung ibang gamit dahil pupunta ako mamaya sa villa.

habang nag lalakad naman sa hallway ay nag vibrate ang selpon ko kaya huminto muna ako saglit para tignan, inaantay ko kasi kung may chat si Naya.

Demonyita

how dare you leave me here.

im still your boss.

ok.

pagka reply ko naman ay sineen nalang nya kaya naman nag lakad nadin ako pabalik.

kating kati na'ko pumunta sa villa kaya baka mag resign na'ko dito sa pagiging p.a ng demonyitang 'to at nakakaistorbo din at dahil pa baka pag tinuloy ko pa isama nya na'ko sa impyerno.

pag dating naman sa tapat ng office ni ms. Gauthier ay pumasok na'ko at bumungad sakin ang taas kilay niyang matalim na tingin.

"are you ignoring me?" tanong niya na agad ko naman kinagulat, hindi ba't sya ang hindi namamansin..

"are you?" balik ko naman.

"i asked you first" sambit nya at itinuon ang tingin sa papel na nasa harap niya.

"no, are you?" sambit ko pabalik pero sa papel parin sya nakatingin.

"yes." simpleng sagot nya na agad ko rin naman ipinag taka at para bang ramdam nya ang reaksyon ko.

"i was just thinking about something" dagdag nya pa.

"what is i-" naputol naman ang sinasabi ko ng tumayo nya bigla.

"it's nothing" sambit nya at naglakad papasok sa restroom ng office nya.

agad nalang din ako naupo sa harap ng table nya at sinilip ang papel na inaayos nya kanina.

kukunin ko pa sana ng makita ko ang sirang bracelet sa gilid ng table nya na nakalagay sa maliit na garapon.

antagal ko pang tinitigan yon habang nag iisip kaya nagulat ako ng bigla syang naupo sa harap ko at dinampot yon at tsaka itinapon sa basurahan.

"tsk" dinig ko kong daing nya kaya tumitig lang ako sakanya.

iniisip ko kasi kung saan ko nakita 'yon.

"what are you thinking" biglang sambit nya naman.

nanatili akong nakatitig sakanya at hindi nag sasalita, parang ang lakas ng connect sakin ng bracelet na 'yon.

"hey" muli nyang sambit.

hindi parin ako sumagot at nanatili paring nakatitig sakanya, hanggang sa makaramdam ako ng palad sa gilid ng muka ko.

"FUCK!" bulalas ko naman ng maramdaman ang malakas na sampal mula sakanya.

"you're acting weird" sagot nya naman.

hindi nalang ako ulit nag salita dahil nakahawak ako sa gilid ng muka ko ngayon, ang hapdi kasi ng sampal nya.

"here check these" inabot nya sakin ang file ng mga papel, tinitigan ko muna ito bago kunin at tsaka nagsimula narin.

lumipat di ako sa kabilang table dahil masyado ng masikip ang table nya.

maya-maya naman ay wala pang isang oras ay natapos ko rin agad 'yon kaya muli ko ng inilapag sa table nya, naka focus sya sa ginagawa niya ngayon at suot narin ang salamin niya, abg ganda nya sa close up.

maganda naman sya pero pag mas malapit ay mas maappreciate mo ang ganda nito dahil sa makinang na mata niya.

"you're checking me out agaid" sambit nya habang nakatuon parin ang atensyon sa papel na pinipirmahan na nya ngayon.

"i.. im done with those na" ang tanging naging sagot ko.

tumango lamang sya at hindi nag salita.

"i have to go now professor, just send me a message if i have more tasks to do po, thankyou" sagot ko.

isang tango lamang ulit ang natanggap ko mula sakanya.

agad nalang din akong tumalikod at lumabas ng office, nagmamadali na akong mag lakad dahil pupunta pa nga ako sa villa.

_________________________________________________TO BE CONTINUED..

PROFESSOR X1 (ongoing)Where stories live. Discover now