4: Ara's girlfriend

33 15 0
                                    

"oh balot na balot naman parang famous actress lang ahh" sambit ni Naya na nagpatawa kay luna at yves.

"wala akong contact lens." tanging sagot ko at naglakad papasok ng kwarto ko o sa master bedroom.

nilapag ko lang ang bag ko at hinubad ang hoodie na suot ko tsaka lumabas at lumapit ulit sakanila.

"PUTCHA MAG DAMIT KA NAMAN" sigaw ni luna ng makita ang suot ko hindi naman revealing to ah naka sport bra naman ako.

"i agree masyadong malaki yung siopao e" singit ni yves habang si Naya tawa nang tawa habang nag luluto ewan ko kung anong niluluto nya.

tinarayan ko si luna at bumalik sa kwarto ko kumuha lang ako ng random tshirt na una kong nahawakan sa closet at sinuot 'yon.

pag labas ko ay naalala ko ang dalawang bunso namin..

"asan yung dalawa?" tanong ko at inabot ang lollipop na nakita ko sa gilid ng lamesa.

"nasa kwarto nyo ni ara kanina pa nga 'yon don e" sagot naman ni yves.

agad ako tumalikod sakanila at kumatok sa kwarto ni ara.

"hoy kayong dalawa lumabas na at kakain na rin" sambit ko habang kumakatok at maya maya bumukas din ang pinto at tumapat sakin si ara na parang hinihingal at sa likod nya naman ay si Yana na naka ngisi.

tinignan ko lang mula ulo hangang paa si ara at tumalikod.

hindi nila ako maloloko.

"kain na luto na 'tong adobo" pag aya ni Naya.

kumuha si ara ng anim na Plato at si Yana naman sa mga kutsara.

mabait sila ngayon ahh dapat ganyan lagi.

"baka late na'ko umuwi bukas" sambit ko habang nag sasandok ng kanin.

"bakit? uuwi ka sa bahay nyo?" tanong ni luna.

"hindi" maikling sagot ko habang ulam naman ang sinasandok.

"san ka nanaman pupunta astrid" parang nanay na suway ni Naya kaya tumitig ako sakanya.

tumahimik muna ako at nagsalin ng tubig sa baso ko, pansin kong naka tingin silang lahat saakin kaya nag salita na ako.

"may trabaho ako bukas simula 1m daw monthly sayang din" pagka sabi ko non ay nagtinginan ang tatlo habang si Yana at Ara ay hindi nalang pinansin ang sinabi ko at nagsimula ng kumain.

"isang milyon buwan buwan??? anong trabaho 'yan astrid baka pumatay ka naman nyan" sambit ni luna na may bakas na gulat sa boses.

saglit akong natawa ng mahina at sinagot sya "p.a ng sexy na demonyitang teacher natin"

natahimik muna si luna na parang nag iisip.

"bakit nya ka—"

"tama na ang interview ayoko ng sagutin ang kahit anong tanong nyo" pag putol ko ng magsasalita pa si Naya.

nagpatuloy nalang ako kumain pero ramdam ko ang pabalik balik na tingin nila saakin.

ewan ko ba sa mga 'to parang first time naman nilang malaman na mag tatrabaho ako e pumasok nga ako bilang waitress sa bar dati...

kaso para sa misyon..

matapos kumain ay si luna na ang nag ligpit nasa mood daw kasi sya kaya pumasok na'ko sa kwarto at naabutan ko si ara na nakatingin sa selpon at naka ngiti.

"alam ba ni Naya ang tungkol sainyo" mga salitang nagpatigil kay ara kung ano man ang ginagawa nya sa selpon nya.

"po?" parang naubusan sya ng salita at yun nalang ang lumabas sa bibig nya.

"kung sa iba makakapag tago at sinungaling kayo, saakin hindi kaya kung ako sayo magsabi kana sakin at huwag mo ng hintayin na ako ang makahuli sainyo" sambit ko habang nag aayos ng study table sa kwarto kahit hindi ako nakatingin sakanya ramdam ko ang panic sa presensya nya.

"alin po ate?" parang tangang tanong nya.

"anong alin ara?? may hickey ka dyan sa gilid ng leeg mo pasalamat ka at hindi napansin ng mga ate nyo" humarap ako sakanya at nakita ko ang takot sa mga mata nya.

"ate kas—"

"huwag kang mag dahilan sakin ara dalawang linggo ko na kayong napapansin hindi lang ako nag sasalita, hindi ba ang sabi ko sayo nag aral ka muna grade 11 kalang anong balak mo" hindi ako galit sakanya dahil sa may girlfriend sya o kung ano man sila, galit ako dahil hindi sya nag sabi agad sakin.

"sor—"

"tawagin mo si Yana at kakausapin ko kayong dalawa rito, pag nag tanong si Naya sabihin mo ay may iuutos lang ako." putol kong muli sakanya at agad agad naman syang tumayo at lumabas ng kwarto.

supportado ako kay ara dahil si Naya naman 'yan at pinsan ko ang kinatatakot ko lang ay ang mapabayaan nya ang pag aaral nya, dumaan na ako dyan at hindi maganda ang ganon kaya sana marunong si ara kung pano ihandle ang mga sitwasyon.

"ate.." mahinang salita ni ara at dinig parin ang takot sa boses nya.

humarap ako sakanila at nakita kong hinawakan ni ara ang kamay ni yana,
naupo sila sa kama at lumapit naman ako at sumandal sa pader na nasa harapan ng kama para maharap sila.

"ate moon let me explain po" takot din na sambit ni Yana.

"hindi ako galit pero sana nag sabi kayo, tsaka Yana dapat nag sabi ka sa ate mo dahil sakin walang problema basta naka focus kayo sa pag aaral nyo tsaka sa susunod na lalagyan mo ng hickey itong si ara yung tago naman respeto naman sa mga single, uulitin ko ha mag sabi kayo sa ate mo at magagalit 'yon pag nalaman nya pa sa iba" sambit ko at umayos na ng tayo.

natahimik saglit ang dalawa kaya nag lakad ako ulit papuntang closet para kumuha ng bagong twalya.

"thankyou po ate moon, but can you help us with ate po i think she's homophobic po, last week when we saw a lesbian at the mall nag hi po sakanya then she said fuck off shibuli" pag eexplain ni Yana at kumawala ang tawa namin ni ara sa sinabi nya.

"sig– pfft" nagpipigil parin ako ng tawa dahil sa sinabi nya at sa muka nyang parang nag sasabi ng bakit kami tumatawa

"sige sige bukas pag nag breakfast paguusapan na natin agad 'yan sa ngayon bumalik ka muna sa kwarto nyo at sabihin mo sa ate mo lutuin bukas yung pancake bigyan ko kamo sya 20k" natatawa parin na sabi ko at pumasok na sa cr.

kahit nasa cr ay dinig ko ang sabay na sigaw ng dalawa.

"thankyou ate Suhaila we love you and we know you're gay too"

__________________________________________________________________________________________TO BE CONTINUED...

AN: THE FOLLOWING CHAPTERS MAY HAVE A VERY DETAILED LOVE SCENES IF YOU'RE UNDER 16YRS OLD PLEASE SKIP IT TO PREVENT ANY ISSUES, THANKYOU.

PROFESSOR X1 (ongoing)Where stories live. Discover now