happy birthday to you~
happy birthday to you~
happy bir—at kay samang umaga nanaman ang nauna pa ang ringtone sa alarm ko.
"hey, good morning" sambit ng nasa linya.
"what is it" sagot ko naman.
kilala ko ang boses ng isang demonyitang tulad nya.
"i.. uhmm.." tila nahihiya pa syang sabihin kung ano 'yon.
"it's too early to annoy someone miss" sambit ko naman.
"i tried to cook something im uhh... im here infront of your door" sambit nya at agad naman ako napabalikwas ng bangon.
binaba ko ang tawag at agad na nag punta sa cr para ayusin ng itsura ko.
dali dali din naman ako lumabas ng kwarto at pumunta sa pinto para pagbuksan ang propesora ko.
"good morning" bati nya pagbukas ng pinto at nagbigay ng malalalambing ng ngiti, parang nag stop pa nga saglit ang puso ko at tsaka sya nginitian din.
"are you done staring?" sambit nya at agad din naman akong tumugon.
"come in po" sagot ko at naglakad naman sya papasok kaya sinarado ko na nga pinto.
pag pasok ay dumiretso naman sya sa dining table at inilapag ang dala nya.
"i uhm... im not a good cook but i did tried my best.." sambit nya kaya tinignan ko naman ang dala nya na nasa lamesa.
"nice adobo, thanks professor" sambit ko at agad na kumuha ng plato, dalawa na ang kinuha ko at baka hindi pa sya kumakain mabait muna ako sakanya habang anghel pa sya.
nilapag ko ang plato at mga kutsara sa lamesa at tsaka naupo, may dala din pala syang kanin kaso konti lang.
"what's your schedule for classes today" pag putol nya naman sa katahimikan.
"i only have 3subjects today po, so 11am to 3pm lang po ako sa school" sagot ko naman.
"ohh okay.." tanging sagot nya habang tinitignan ako sumandok ng pagkain, nilagyan ko narin ang plato nya dahil mukang puro titig lang sa pagkain at saakin e.
"uhh about the uhmm... about your question last night and my answ—"
"what the f—" naputol ko ang sasabihin nya ng matikman ko ang luto nya agad ko naman din tinakpan ang bibig ko para hindi matuloy ang sasabihin.
"why? is it bad? it's not edible?" agad nya naman tanong.
humagalpak naman ako ng tawa dahil sa lasa ng pagkain at dahil sa tanong nya, binuhusan nya ata ng asukal 'to e HAHAHA asukal na may konting adobo.
"hey stop laughing how was it?" agad din nyang tanong kaya tumahimik muna ako saglit para mag ipon ng hangin naubos ata kakatawa.
"to answer your question miss i firstly want to asked on how did you even become a professor" sambit ko habang nagpipigil ng tawa, at dahilan naman para titigan nya ulit ako ng masama.
"im sorry but it's too sweet miss, it's tolerable naman po and still edible but it's not the right taste for adobo" sambit ko, nagulat naman ako ng bigla syang tumaray at yumuko ano yan pabebe haha.
"next time if you want adobo miss, you can call or text me.. i'll cook for you" parang nagsabi ako ng magic word ng muli nya akong tinitigan at nginitian.
akma naman na kukunin nya ang mga pagkain sa lamesa at ang plato ko pero agad kong hinawakan ang kamay nya para pigilan.
"hey it's okay im sorry.. i don't know how to cook, let's just uhmm throw those" sambit nya naman.
"i told you it's tolerable miss i'll eat those, don't waste food" sa salitang yon ay nanahimik sya ulit at naupo nalang ulit sa harapan ko.
hindi pa man ako tapos kumain ay tumayo na agad sya habang naka tutok sa selpon nya kaya agad naman nalipat sakanya ang atensyon ko.
"i have to go, i have an emergency let's talk later" sambit nya at nagmadaling lumabas ng pinto na dahilan para hindi na'ko makapag salita.
hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagkain ng minatamis na adobo.
pag tapos kumain ay inayos ko na ulit ang pinagkainan at tinakpan nalang ang natirang pagkain sa lamesa.
hindi naman sya kumain at panay tingin lang sakin habang kumakain kanina, ilang beses ko rin inalok pero hindi sya nagsasalita at puro iling lang ang ginagawa.
parang hindi sya ang propesora ko parang double ganger lang, ang kilala kong propesora ay yung malditang demonyita ang ugali at puro kasungitan lang ang ginagawa pero yung kaharap ko kanina ay mabait kung hindi lang sya maganda iisipin ko talagang demonyita syang may kakambal na mangkukulam e, pinakulam nya ata ako dahil para akong mahuhulog sa ganda nya pag nakangiti sya.
hindi ko rin maintindihan minsan dahil nagbibigay na sya ng motibo pero madalas ay puro pagsusungit lang ang ginagawa sakin.
tila nabalik naman ako sa katinuan ng marinig ko ang buzzer ng condo ko, dali dali akong naglakad papunta sa pinto para buksan 'yon
"wassup person blooming mo naman" bungad ni luna ng mabuksan ko ang pinto.
tinarayan lang sya ni yves at dirediretsong pumasok sa loob ng condo ko.
"uyy adobo pahingi ahh" sambit ni yves at dirediretsong kumuha ng kutsara at agad na kumuha.
hindi na'ko naka angal dahil itong si luna parang bata na gusto rin maki tikim at talagang inunahan din akong makapasok sa loob ng sarili kong condo.
"PUTA!!" sigaw ni yves.
agad naman akong humagalpak sa tawa at ganon nalang ang tingin sakin ni luna na para akong nababaliw.
dumiretso naman si yves sa kusina at nagmumog hindi kasi mahilig sa matamis yung tao na 'yon, si luna naman ay parang wala lang sakanya ang reaksyon ni yves at naki tikim rin.
"gago astrid luto mo ba 'to?? yung huling luto mo ng adobo samin masarap naman ahh bakit naging minatamis 'to" pigil na tawang sambit naman ni luna.
"kapal ng muka nyo nakitikim nalang kayo may gana pa kayong mag reklamo, tsaka im not the one who cooked that ha" sambit ko at agad naman tumingin ang dalawa sakin.
"who did?"
"eh sino?"
sabay nilang sambit."secret lumabas na nga kayo may klase kayo diba nainis nyo pang dumaan dito" mabilis ko namang sambit at pumasok sa kwarto at nilock ang pinto.
mag aayos nadin kasi ako dahil 9:30am na at 11 ang unabg subject ko, yung dalawang 'yon ay naisipan pa akong guluhin dito samantalang 10:30 ang first subject nila.
__________________________________________________TO BE CONTINUED..
who did the "first move"??
please excuse the grammatical errors i promise to fix it as soon as i can, padayon readers!!
-adi
YOU ARE READING
PROFESSOR X1 (ongoing)
Mystère / ThrillerDisclaimer: This story is written in taglish and all scenarios are purely made out of the author's imagination. (vote to boost) happy readings peeps!