12: Falling

21 3 1
                                        

"hey professor wake up we're here" sambit ko pero apaka lalim na ata ng tulog nya at hindi manlang gumalaw.

"Ms. Gauthier" sambit ko ulit pero sa pagkakataon na 'to ay tinatapik ko na ang balikat nya.

agad din naman nyang minulat ang mata at tumitig saglit saakin at nag iwas ng tingin.

tinanggal nya ang seat belt at sabay kaming lumabas ng sasakyan.

"thankyou Suhailah" sambit nya at ngumiti.

maganda sya pero mas maganda talaga ako e.

sabay narin kaming nag lakad papasok sa building, pero hindi pa man kami nakakapasok ay natatanaw ko na si kristen.

pag pasok namin ay tama nga ako at sya yung nakatayo sa gilid at mukang may inaantay.

"uyy astrid" tawag nya sakin na nagpahinto samin ng demonyitang katabi ko.

"Kristen hey" sambit ko naman at ngumiti sakanya.

"i came here to give this to you naiwan ata kanina ni Joy sa shop ko" sambit nya at inaabot ang wallet na mukang si luna nga ang may ari dahil naka tatak sa wallet ang buong pangalan nya.

"why didn't you go to joy's place instead" biglang bulong naman ng katabi ko kaya pareho kaming napatingin sakanya at huling huli pa nga ang pag taray nya.

"ahh sorry po miss andyan po pala kayo, tinext ko narin po si joy wala daw po sya sa condo nya at si tina po nasa party kanina kaya dito ko nalang po naisipan dalhin" pag papaliwanag naman ni Kristen pero saakin naka tingin.

"it's okay thankyou kristen" sambit ko at muli syang nginitian pero agad din nabali ng biglang may kumurot sa tagiliran ko, child abuse na 'yon diba tanggalan nyo na nga ng lisensya 'tong demonyitang propesora na'to.

"uhh Astrid.." muling tawag ni kristen sa atensyon ko pero pati katabi ko ay mukang nakikichismis, bakit ba kasi andito pa sya pwede naman syang dumiretso nalang sa unit nya.

"pwede bang maki stay muna ako saglit maya maya pa kasi yung sundo ko at medyo malayo pa raw" sambit nya at yumuko.

ngumiti naman ako sa sinabi nya, hindi naman na sya ibang tao samin.

"sure sige lang, wala rin naman akong kasama" sambit ko at tinapik ng mahina ang balikat nya, at hindi talaga nakalusot sa mata ko ang mataray na mata nanaman ng katabi ko.

"what now? are we gonna tambay here?" masungit na sambit ng demonyitang 'to.

"ahh kristen let's go, make yourself comfortable ha" sambit ko at naglakad na kami papuntang elevator dahil mukang inip na inip narin 'tong boss ko.

hindi kaya sya nahihilo kanina pa ikot nang ikot yung mata nya laging naka 360 degree.

nang makarating sa 4th floor ay lumabas na kami ni Kristen at nagulat naman ako ng lumabas din ang propesora at mukang pareho pa nga kami ng floor.

"miss anong room ka?" tanong ko naman ng maglakad kami sa hallway.

"204" simpleng sagot nya.

aba ayos pala katapat ng room ko pa talaga dahil room 211 ako.

hindi na kami nag salita hanggang makarating sa harap ng door room namin.

pag bukas ng pinto ko ay pinauna ko ng pumasok si kristen, susunod palang ako papasok pero may humila na agad sakin at ramdam ko ang malambot na dampi ng isang labi sa pisnge ko.

"don't you dare flirt again with that woman" sambit nya at tumalikod.

para bang hindi agad nag response ang utak at katawan ko dahil nakapasok na sya bago ako ulit makagalaw.

kinuha nya na nga ang first kiss ko nung nalasing sya chumansing nanaman sobra na 'yon ha, tsaka straight ako pero bakit ganon sya maka akit. nakakainis hindi nakakakilig.

pumasok na'ko sa loob at nakita ko naman na nakaupo sa sofa si kristen at nakatutok sa selpon.

"water?" tanong ko.

agad din naman syang lumingon at tumango lang ng nakangiti kaya tumalikod na'ko at kumuha ng tubig.

pagkakuha naman ay dali dali narin akong naglakad pabalik at inabot sakanya ang isang basong tubig.

hindi pa man naiinom ay may narinig na'kong nag buzz ng room bell ko kaya pumunta ako sa pinto para pagbuksan dahil mukang yung propesora lang naman ulit yon.

"where's kristen?" bungad sakin ng buksan ko ang pinto.

"tina?" takang tanong ko sakanya, pumunta si yves para kanino daw..

"im here to pick u-" naputol ang sasabihin nya ng magsalita ang tao sa likod ko.

"hey" sambit ni kristen.

"kris let's go im tired" sambit naman ni yves.

"ikaw susundo sakanya?" tanong ko.

"i-" mag sasalita na sana si kristen ng putulin sya ni yves.

"yes she messaged me earlier that she's going to bring joy's wallet back but i was busy partying earlier so i told her to come here and then she told me that she need a ride so i decided to leave the party yes because im also tired narin, okay na?" sambit naman ni yves habang papalapit kay kristen.

"okay, leave" tanging sagot ko.

"thanks"
"salamat astrid"
sabay nilang sambit at naglakad na palabas ng pinto, lumingon naman ulit si yves sakin at kumindat, weird talaga ng tao na 'yon e.

pag sarado ko ng pinto ay agad naman akong pumasok sa kwarto at binuksan ang selpon ko, at kung sadyang malas ka talaga ay bumungad sakin ang text ng demonyita kong propesora.

demonyita


did you flirt?.

hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o maiinis apaka random talaga ng propesora na 'to e, buti nalang at maganda sya kaya ko pa itolerate pagiging demonyita nya.

demonyita

did you flirt?.
reply to my messages.

i did flirt miss
what's wrong about it?


tawang tawa pa nga ako habang tinatype yon.

kaso sa kalagitnaan ng tawa ko ay narinig ko nanaman yung buzzer ng pinto ko kaya tumayo muna ako sa kama at lumabas ng kwarto para buksan ang pinto.

pagbukas ko ay isang sampal agad ang natanggap ko at agad namang tumalikod yung demonyitang sumampal sakin at muling pumasok ng room nya.

ayos talaga ang paguugali ng isang yon.

pagsara ko naman ng pinto ay hindi na ang pinto yung nag buzzer, selpon ko na.

happy birthday to you~
happy birthday to you~
happy birthday happy birthday~
happy birthd-

"go to the villa tomorrow night, i'll send you some info about something" seryosong sambit ng nasa kabilang linya at pinatay agad ang tawag kaya agad ko naman binuksan ang chat box, alam ko naman na si Naya yon halata naman agad sa boses.

SharoNaya

sent a video.
sent a photo.
check those out.

k.

pagka send naman ng message ko ay pinatay ko na agad ang selpon ko, bago pa nya isend ay nakita at napanood ko na 'yon nung nasa sasakyan ako kanina naka low volume pa nga dahil may tulog na demonyo kanina sa tabi ko..

_________________________________________________TO BE CONTINUED..

good night peeps!
-adi

PROFESSOR X1 (ongoing)Where stories live. Discover now