This Would've Been

4.5K 96 66
                                    

VENICE'S POV

***

It took me ten seconds before my brain worked again.

Thanks to that small and soft voice who called me back to my trance.

“Tita Ven?”

I blinked before my eyes met the eyes of the small boy sitting on the bed in front of me.

Bukod sa kaguluhan sa utak ko, nararamdaman ko ang kirot sa dibdib ko. Tumitindi iyon habang lumilipas ang mga segundo.

“Ludwig,” I whispered, inching closer to him. Nang wala nang isang dangkal ang layo ko sa kaniya, kaagad niyang iniangat ang dalawang kamay sa akin.

“Eat! Kain!” he chanted before his little arms wrapped around my waist.

Nanlambot ang mga binti ko sa init na nagmula sa dalawang maliit na brasomg yumakap sa aking bewang. Hindi ko na napigilan ang mga emosyon.

Lungkot. Pangungulila. Pagsisisi. Higit sa lahat, matinding galit sa sarili ko at sa mga nangyari sa nakaraan.

“Hungry, Tita!”

“Anak ko,” I uttered in despair before I let all the emotions be expressed.

Napaluhod ako at mahigpit na niyakap si Iggy. Marahil dahil walang ibang nandito kaya ko hinayaang bumigay ang sarili ko. O baka dahil sadyang mabigat na talaga at hindi ko na rin kayang pigilan ang mga emosyon.

Para akong ulap na matapos ang mahabang tag-araw ay ibinuhos na ang ulan.

“Son, I'm so sorry. Sana mapatawad mo si Mama. Sana nasa maayos kang kalagayan,” parang bata akong umiyak habang mahigpit na yakap si Iggy. He felt like my son. My own flesh and blood. “I'm so sorry. I'm so sorry, Eli. Sana makita kita ulit. Kahit saglit lang.”

Kahit ano pa ang maging kapalit, gagawin ko para makasama ulit si Elijah.

Kahit saglit lang...


Nawala sa isip ko na 4 years old lang ang batang iniiyakan ko.

Iggy let me cry on his shoulder for a couple of minutes.

At nang bumalik ako sa katinuan, kaagad akong humiwalay sa mahigpit na yakap kay Iggy.

Nagkatitigan kaming dalawa. His pair of wide doe eyes stared at me. There's nothing but pure innocence and definitely clueless of what happened.

Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko at kinompose ang sarili ko. I smiled at Iggy before I held both of his hands.

“Sorry, Iggy.” I tried my voice to be as gentle as possible. “Did I scare you?”

Mabilis siyang umiling bago tumayo sa ibabaw ng kama. “Okay na?”

I blinked twice before I chuckled with his question. How could a four-year-old like him be this mature?

“Chad raised you well, Iggy,” hindi ko napigilang sabihin bago tinapik ang ulo niya. “Dapat sinabihan mo agad ako na tumigil sa pag-cry,” I added.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three to TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon