I’ve been standing here for almost 2 hours. Hindi ko magawang gumalaw; para bang namamanhid ang buo kong katawan. Napapikit nalang ako ng kalabitin ako sa ikasampung beses na.
Lumingon ako sa babaeng may katandaan na at tinaasan ng kaliwang kilay.
“May kailangan pa ho ba kayo?” nagtitimping tanong ko. Sa isang oras na tinayo ko rito, hindi lang isang beses ako nito kinukuwit at naiirita na ako.
Kanino bang magulang ito? At bakit hinahayaan nilang lumakwatsa mag-isa rito sa labas?
“Iha... isang oras ka nang nakatayo riyan, wala ka bang balak na tawagin iyang pamilyang pinagmamasdan mo?” tanong nito na ikinairap ko.
Alam ko naman na concern siya sa akin and I appreciated it, okay? Pero kasi napipikon na rin ako at bakit hindi niya alam ang mind your own business qoute! Aishhh! Matanda na kasi!
“Lola, mas maganda ho ata kung umuwi na kayo at baka may mangyari pang masama sainyo...”
Hindi ko alam pero umirap ito at inayos ang tayo. May hawak siyang bayong na palagi niyang dala tuwing naaabutan akong pinapanood kung gaano kasaya ang magulang ko sa kaniya-kaniya nilang pamilya.
Kaya pala pinadala nila ako sa manila kasi ayaw nilang masaksihan ko ang paghihiwalay nila....
Ang sakit. Ang sakit lang isipin na nilihim nila sa akin ang lahat.. Habang nasa malayo ako, na ang akala ko’y ayos lang ang lahat; na may uuwian pa rin akong magulang— pero wala, tangina kasi mga gamit ko lang ang mayroon sa bahay.
“Kung mayroon lang din naman akong uuwin aba’y hindi na ako magpapalaboy-laboy dine,” sabi niya na out of the blue. Nagugulat nalang ako dahil biglang nagsasalita!
Nilingon ko ito nang bigla niya akong hablutin. “Ako na ang naaawa sa mga paa mong iyan, iha.. umupo ka naman at kaawaan ang iyong sarili,” sermon nito kaya nagpatianod na lang ako.
Hinila ako nito paupo sa isang bench na nakasilong sa isang punong mangga. May inilabas itong mansanas sa bayong na dala niya at inabot sa akin.
Tinitigan ko lang ito. Seryoso ba ang isang ito?
“Aba’t kung makatingin ka sa prutas na iyan ay parang ninakaw ko, asus! Kuhain mo iyan at pinitas ko iyan mismo sa puno at hindi ninakaw sa palengke,” natatawang saad nito. Napailing nalang ako at tinanggap na ang prutas.
Ang tamis. Siguro nga ay kakapitas lang nito. Pero ang tanong....
“Saan niyo ho ba ito pinitas?”
“Hayun oh! Iyong puno sa bakuran ng bahay na iyan..” inosente nitong tinuro ang bahay na katabi ng bahay ng tatay ko at pamilya niya.
Naibuga ko ang mansanas. Sinasabi ko na nga ba! Itong matanda talaga na ito!
Wala nang ibang nasa isip kundi ang kalokohan! Pagsisisi talaga at nagpahila ako sakaniy! Joskoh!

YOU ARE READING
When She Cries
ContoShantelle's parents sent her to a boarding school in Manila for reasons she didn't fully understand. Years later, after earning her license and starting work, she decided to take a vacation to her hometown. Upon arrival, she found an empty house. He...