CHAPTER 10

74 8 0
                                    

I M P O S T O R
CHAPTER 10

story written by:
KOKO_HOSHIN

-
-
-
-
-
VINCE’S POV:

DADDY Dom, Daddy Lary!” nagulat ako nang sa pagbaba ko ng kotse ay patakbong kumawala sa yaya ang isang batang lalaki at sumalubong sa amin.

Ako ang unang bumaba ng sasakyan kaya ako ang unang tinumbok ng bata. Yumuko ako at sinalubong ng yakap ang batang lalaki na sa tantiya ko’y dalawang taong mahigit. Malaking bulas at gwapito.

“Daddy Lary...” tuwang-tuwang yumakap sa akin ang bata. Kinarga ko ito. Kapag nasa malapitan ay spitting image ni Dominic.

“Hello, darling. Kumusta ka na?” saka ko ito mahigpit na niyakap at hinagkan sa pisngi at sa noo. Naulinigan ko pa ang pagsinghap ng yaya ng bata at ng isang matandang babae na marahil ay ina ni Dominic.

Likas na magiliw ako sa bata kaya natural na lumabas ang affection na ipinapakita ko, kasama na ang guilt na dahil sa akin ay nawalan ng isang magulang ang batang ito. Idagdag pang natangay ako sa mainit na pagsalubong nito sa akin na kahit papano ay nakadama ako ng sense of belonging.

“Iyak ako. I miss you, Daddy Lary. You too, Daddy Dom,” sabi nito na nilingon si Dominic na halos magdikit na ang mga kilay sa pagkatitig sa amin.

“I miss you too, sweetheart,” masuyo kong sagot at dinampian ito ng halik sa ilong.

“Anita, pakikuha mo si Noah,” galit na utos ni Dominic sa yaya na nagmamadaling lumapit sa amin at kinuha ang bata. Pero mahigpit na kumapit sa leeg ko si Noah.

“No!” hiyaw ni Noah, “Stay with my Daddy Lary!”

“Hayaan mo na sa akin ang... ang anak ko, Dominic,” nauutal kong sabi na nilingon ito na kinakikitaan ko ng matinding galit sa mukha. Umiwas na lang ako ng tingin.

Galit namang dinampot ni Dominic ang mga maletang ibinaba mula sa trunk at lumakad patungo sa bahay. Hinagkan pa nito ang isang matandang babae sa pisngi bago tuluyang pumasok sa loob ng mansion. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng matandang iyon ngunit aalamin ko iyon ngayon. Bigla namang humakbang papalapit sa amin ang matandang babae.

“Welcome back, Lary. I’m glad you have fully recovered,” wika nito in a distant but in polite way.

“T-thank you...” sa nakita kong paghalik ni Dominic dito ay iniisip kong ina ba niya ito o kanyang tiyahin.

Napansin ko ang pagsalubong ng mga kilay niya, pagkatapos ay inabot nito si Noah na atubiling bumitaw. May mali ba sa sagot ko?

“Come to Lola, Noah. Your Daddy Lary is tired and he needs rest,” pagkatapos ay muli niya akong tinitigan, “Magpahinga ka na muna at natitiyak kong napagod kayo sa mahabang biyahe.”

Wala sa loob akong tumango at sumabay sa kanila sa paglakad patungo sa estrangherong bahay at estrangherong mga tao. Sa loob ay sinalubong ako ng ilang mga katulong at kinamusta kahit kitang-kita ko sa mga mukha nito ang pangingilag.

Palakaibigang ngiti ang ibinigay ko sa mga ito habang taglay sa isip na mataktika kong aalamin ang pangalan ng bawat isa nang walang maghihinala.

“Iwan na ninyo ang senyorito ninyo,” anang matandang babae sa mga katulong. Lalo namang lumalim ang kunot sa noo nito, “Sige na Lary, pumanhik ka na sa itaas...”

“S-salamat...” hindi ko matiyak kung ano ang tawag ni Dominic dito. Ilang sandali pa’y ngumiti ako kay Noah, “I’ll see you later, Noah.”

Nag-aalangan akong pumanhik sa malaki at carpeted na hagdan. Teka, alin sa mga silid sa itaas ang akin? O, sa ibang salita, ang sa aming dalawa ni Dominic kung magkasama nga kami sa iisang silid? And that alone, troubles me.

Sa itaas ay hindi ko malaman kung kakaliwa o kakanan sa mga pasilyo. Nanatili lang akong nakatayo at nagpalinga-linga. Ang pagdili-dili ko’y napukaw nang magsalita si Dominic sa may kanang bahagi ng pasilyo.

“What’s wrong, Lary?” si Dominic na nakapamewang at pinagmamasdan ako, “Parang ngayon mo lang nakita ang kabahayan kung lingain mo, ah?”

I took a deep breath at humakbang patungo sa kanya, “Halos isang buwan din tayo sa ibang bansa, Dominic. N-naninibago ako,” huminto ako sa tapat ng pinto at nahagip ng tingin ko ang loob ng silid. Naroon ang mga maleta namin sa loob kaya natitiyak kong iyon ang master bedroom.

“Dalawang buwan o higit pa kung magbakasyon ka sa ibang bansa kung nakakalimutan mo,” nanunuyang patuloy ni Dominic.

I sighed wearily, “Alalahanin mong naaksidente ako at... at wala pa ako sa sarili ko. I hope you won’t always take notice of what I am doing,” pumasok ako sa silid at sinikap na huwag igala ang paningin sa loob ng malaki at marangyang silid.

“At ano ang gusto mong palabasin sa ginagawa mong pakitang-giliw kay Noah?” galit nitong tanong.

“Wala ba akong karapatang maging magiliw sa... sa... anak ko, Dominic?” hinaluan ko ng pagdaramdam ang tinig ko.

“Shit!” pagmumura niya, “Anong klaseng laro ang ginagawa mong ito, Lary? Kailan ka pa naging magiliw sa anak mo? You hated him simula pa lang noong i-surrogate natin siya! And you hated him more nang siya’y lumabas na!”

I tried to control my gasp sa sinasabi ni Dominic, umupo ako sa gilid ng kama, “I am trying to rectify those. Give me a chance, Dominic, please...”

“No!” marahas niyang sagot, “Hindi kita pahihintulutang saktan ang damdamin ng anak ko! Maghihiwalay tayo sa sandaling bumaba ang divorce papers,” pagkatapos ay naghihinala siyang tumingin sa akin, “O baka naman ginagamit mo ang bata upang pigilin ang divorce natin ngayong patay na si Zyke?”

“H-hindi ko alam ang sinasabi mo...”

“Kilala kita, Lary!” marahas niya akong itinaas mula sa pagkakaupo sa kama. Napangiwi ako na tila bakal nitong mga daliri na bumaon sa mga braso ko, “You never wanted this divorce sa kabila ng relasyon ninyo ni Zyke dahil wala siyang sapat na salapi para sa luho mo. Sa simula pa lang ay pera ko na ang mahalaga sa iyo, ‘di ba?”

“N-nasasaktan ako, Dominic...”

“I’m warning you, Lary,” wika niya sa mapanganib na tinig, “I will not allow you to hurt my son. You’ve hurt him more than enough. At hindi pa ba sapat sa iyo ang malaking halaga at mga ari-ariang ipagkakaloob ko sa sandaling maghiwalay tayo? Talaga bang sagad sa buto ang kasakiman mo?” patuloy niya sa nagngangalit na bagang.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at gagawin. With troubled eyes ay nanatili akong nakatingala at nakatitig sa mukha niya. Parang bakal ang kamay niya sa braso ko. At nasasaktan ako and yet I was mesmerized by his striking handsomeness even in anger.

Dominic’s clean breath that fanned my face created havoc in my senses. At hindi ko maintidihan iyon. Guwapo rin si Jerome at mataas pero hindi ko maramdaman ang ganito noong pinagtangkaan ako ng step-brother ko.

Nakita ko ang paglikot ng mga mata ni Dominic at natigilan sa pagyuyugyog sa katawan ko. Napatitig siya sa mga mata ko pagkatapos ay bumaba sa mga labi ko.

Parang napakahabang panahon ang lumipas bago ako pagalit na binitawan ni Dominic. Nawalan ako ng panimbang at napaupo ako sa kama.

Mabilis siyang lumabas sa silid. I gave a faint sighed at naguguluhang tumitig sa kisame. Moments ago, I was sure I was being hypnotized. And was equally sure that he was going to kiss me. At inasam kong hagkan ako nito. Our lips inches away from each other. And I could feel him fighting for self-control para hindi ako hagkan.

In one way or another ay parang nakadama ako ng panghihinayang na hindi nangyari ang inaasam ko and at the same time, relief, dahil hindi ako nito hinagkan.

The man hated me! No, not me. It was Lary that Dominic hated. Pero hindi ba at ako na ngayon si Lary? Mula nang mangyari ang aksidenteng iyon ay naiwala ko na ang identity ni Vince Ursal.

That I will be forever Lary Clemente. At kung sakaling bumaba ang divorce papers namin ay hindi pa rin ako makakabalik bilang si Vince Ursal. Tuluyan nang naglaho ang tunay kong pagkatao.

Impostor [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon