I M P O S T O R
CHAPTER 19story written by:
KOKO_HOSHIN-
-
-
-
-
VINCE’S POV:IKATLONG araw ko na sa asyenda at apat na araw na lang ay beinte-uno na ako. At wala kahit na anong palatandaan mayroon ang paligid upang malaman ko kung sino ang maaaring nagtangkang pumatay sa akin.
Nang hapong iyon na pauwi kami ni Jerome galing ng pamamasyal ay sunod-sunod ang kaba ng dibdib ko nang makita ang pamilyar na sasakyang nakaparada sa harap ng mansyon katabi ng pick-up namin.
“Land cruiser. May bisita ba tayo?” tanong ni Jerome na mabilis na bumaba sa kabayo at inakbayan ako. Halos hilahin ako nito upang makapasok agad sa mansyon at malaman kung sino ang bisita habang nililinga ang mamahaling sasakyan.
Atubili naman akong nagpa-akbay. Teka, anong kailangan ni Dominic dito? Ano na ang nasabi niya kay Papa? Masisira na ba ang mga plano ko?
“Narito na pala ang dalawa, Mr. Clemente,” si Papa nang bumungad kami sa pinto ni Jerome, “May bisita ka, Lary...”
“Hello, sweetheart,” nakangiting tumayo si Dominic at humakbang pasalubong sa akin, pagkatapos ay hinapit niya ang baywang ko at mariin na hinalikan ang mga labi. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon.
“Sino siya, Lary?” biglang tanong ni Jerome sa magaspang na tinig. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Dominic who explained smoothly.
“Dominic Clemente,” sagot nito na iniabot ang kamay. Atubili naman iyong tinanggap ni Jerome saka nagpakilala rin, “And Lary, here is my fiancé,” saka siya masuyong lumingon sa akin, “Gusto niyang samahan ko siya dito dahil nga sa birthday ni Vince but I got tied up kaya pinauna ko siya. Hindi ko inaasahang matatapos nang maaga ang inaayos ko...”
Nakita ko ang pagguhit ng iritasyon sa mukha ni Jerome, tila biglang nawala ang charm nito. Pagkatapos ay ibinagsak nito ang sarili sa upuan, “Oh, well, hindi ako makapaniwalang naging mga kaibigan kayo ni Vince. How about you, Dominic? Have you met Vincent Ursal?”
“Yes,” diretsong sagot naman ni Dominic, “Is it so strange na maging kaibigan kami ni Vince, Jerome?” dugtong nito. Napatingin ako kay Papa na matalim na nakatingin kay Jerome.
“Strange it is. And I’m only glad na walang larawan si Vincent sa bahay na ito. I couldn’t bear it,” paismid niyang sabi.
Natigilan ako. Tumaas-baba bigla ang dibdib ko at akma ko na sana siyang pagsalitaan nang biglang pinisil ni Dominic ang palad ko. I took a deep breath para pakalmahin ang sarili ko.
“Jerome, sumusobra ka na! Anak ko ang nilalapastangan mo!” alsa-boses ni Papa na itinaas ang baston at akmang hahampasin si Jerome ngunit mabilis na akong lumapit dito.
“Baka po makasama sa inyo ang magalit, M-Mr. Ursal...” pagpigil ko saka ko tinitigan ng masama si Jerome na nagkibit-balikat lang at tumayo at nagtuloy-tuloy pumanhik sa itaas.
“Pagpaumanhinan ninyo ang kagaspangan ng stepson ko. Maliliit pa silang mga bata’y hindi na magkasundo si Vince at Jerome,” paliwanag ni Papa.
“Don’t worry about us, Mr. Ursal. Kilala ko ang anak ninyo at para sa akin, he’s unique in more ways than one. At ikinagagalak kong naging kaibigan si Vince,” nakatuon lamang ang mga mata ni Dominic sa akin habang sinasabi iyon. Gustong manayo ng mga balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagkatitig niya sa akin.
“Ang mga kaibigan ng anak ko’y kaibigan ko na rin. Wala man si Vince...” sandaling huminto sa pagsasalita si Papa at tumingala upang punuin ng hangin ang dibdib, “Ay matutupad ang nais niyang magkaroon ng salu-salo sa kaarawan niya at narito ang mga kaibigan niya. At apat na araw na lang iyon mula ngayon, Mr. Clemente.”
BINABASA MO ANG
Impostor [BL]
RandomBefore losing consciousness, he was Vincent Ursal, a twenty-one year old student. But when he opened his eyes, he was no longer Vincent-he was now Lary Clemente, a 29 year old and married to a well-known and handsome businessman with angelic feature...