CHAPTER 13

70 6 0
                                    

I M P O S T O R
CHAPTER 13

story written by:
KOKO_HOSHIN

-
-
-
-
-
VINCE'S POV:

MABILIS akong bumaba matapos makapagbayad sa taxi. Diretso kong tinungo ang McDonald's saka pumasok at hinanap ng mga mata ko si Daphne. Sa isang sulok malapit sa glass wall ko siya natagpuan.

Amuse akong lumapit sa kanya saka ko inilapag sa katapat na silya ang shoulder bag ko.

"I'm sorry, Mister," sansala ni Daphne sa akin, "That chair is occupied. Hinihintay ko ang kasama ko."

"Daphne," nakangiti kong usal.

"Yes? Kilala mo ako?" she frowned. Nakangiti naman akong umupo sa katapat na silya.

"Don't you even recognize my voice, Daph?"

Nanlaki ang mga mata niya, nakanganga niyang hinagod ng tingin ang kabuuan ko, "Vince? No! You're not Vincent. Sabihin mo sa aking hindi totoo ang nakikita ko!"

"Shhh!" sabi ko at natatawang nilinga ang paligid dahil nagtaas na ng boses si Daphne, "I think I made a mistake of meeting you here. I should have chosen a more private place..."

"Is-is it-really you, Vincent?"

Lumipat ako ng puwesto at tumabi sa kanya. Maingat kong nililis ang trouser sa may binti ko.

"See this?" ipinakita ko ang pulang balat sa tagiliran ng binti ko isang pulgada mula sa alak-alakan, "Naalala mo ba ang sinabi mo sa akin tungkol sa balat na ito? Ang sabi mo ay nakapagdaragdag lang ito ng atraksyon sa binti ko, 'di ba?"

"Oh, my!" tinakpan ni Daphne ang bibig niya upang pigilan ang pagsigaw, "I-I couldn't believe this!"

"Believe it, Daph. Ako ito, si Vincent, ang kaibigan mo," bulong ko, "All right, kung hindi ka naniniwala, then listen to this. You will turn twenty-two six months from now, on the eighteenth of May. Nahulog ka sa punong sampaloc noong siyam na taong gulang ka kaya may pilay ka sa braso hanggang ngayon. Crush mo si Val Kilmer at tres ang nakuha mo sa finals natin sa Math last semester dahil po hindi ka nag-review at nakipag-date ka sa isang look-alike ni Val Kilmer, only to come home disappointed dahil bad breath ang dream boy mo," at humagikgik ako sa ala-alang iyon kasabay ng pag-ikot ng mga mata paitaas. At kabisado niya ang mannerism kong iyon.

"But... but what happened? Ano ang nangyari at... oh, no!" she shook her head wildly, tila hindi pa rin makapaniwala. Pagkatapos ay muli akong tinitigan, "You're so handsome! Mukhang dinaig mo si Val Kilmer ko!" bulong paghangang bulalas nito.

"Very!" pagsang-ayon ko na marahang tumawa, nakadama ako ng matinding galak sa bagong mukha ko, "At makinig ka at sasabihin ko sa iyo kung paano nangyari..." at detalyado kong ikinuwento sa kanya ang buong pangyayari. Pagkukuwentong lalo lamang ikinamangha nito.

"I am dreaming!" bulalas ni Daphne, "Tell me I am having a nightmare, oh, please pinch me!"

"Ang OA mo na, ha," amuse kong saway rito.

"You couldn't expect me to be calm pagkatapos ng..." isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, "And you're Mr. Lary Clemente now. Oh, Vince, ano itong pinasok mo?" ang kaninang pagkamangha at pagkagalak niya ay nahaluan na ng pag-aalala, "Paano kung malaman ng... asawa ni Lary... o ng asawa mo ang buong katotohanan?"

"I am worried about that all the time," seryoso ko namang sagot, "Halos asamin kong dumating na ang divorce papers namin. Then at the same time parang hindi ko kayang tanggaping mawalay kay Dominic at Noah, Daph, I... I have learned to lo-like them. And I have this strange possessiveness for them as if they are my real family," may lungkot na sumungaw sa mga mata ko kasabay ng pag-ling.

"Oh, Vince! Huwag mong dagdagan ang komplikasyon by falling in love with this man," accurate niyang pahayag, "No matter how strikingly handsome he is. Isa kang impostor. Maliban pa roon, sabi mo nga, Mr. Clemente hated his husband dahil sa infidelity nito. You are already in big trouble, Vince. Hindi mo kailangan ng komplikasyon sa ngayon..."

"I don't know what to do, Daph. Gusto kong tawagan ang Papa at sabihing buhay ako at nasa mabuting kalagayan. At kinakabahan akong baka kahit ang Papa ay may nagtatangka sa buhay," pagkatapos ay marahan kong ipinitik ang dalawa kong daliri sa mesa, "Why? You can help me!"

Lumalim ang kunot sa noo ni Daphne, "Ano ang naisip mo?"

"You can call my father and inquire about me, Daph. Magkunwari kang nangangamusta sa akin. Kulang dalawang buwan na akong nawawala. Tawagan mo siya mamaya pagbalik mo sa dorm at pagkatapos ay tawagan mo ako. Ibibigay ko sa iyo ang phone number sa mansiyon, okay?"

"That's easy. Pero iyan ang ugat ng problema mo ngayon, 'di ba?"

"Yeah," malungkot kong sagot habang ginagap ko ang kamay niya, "But at least, you are here, Daph. I don't feel very much alone."

"Narito akong lagi, Vince. Bagaman ngayon ay nakadarama ako ng insekyuridad na baka hindi mo na ako kailangan. You will be meeting a lot of friends with that kind of face."

Ngumiti ako, "Silly you. You are still my one and only best friend."

Impostor [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon