CHAPTER 3

96 7 0
                                    

I M P O S T O R
CHAPTER 3

story written by:
KOKO_HOSHIN

-
-
-
-
-
VINCE’S POV:

MAMASAMAIN mo ba ang sasabihin ko sayo, Vince?” ang nag-aalalang tanong ni Daphne nang nasa loob na kami ng silid ko. Sa lahat ng mga nakatira sa dormitory ay ako lamang ang may sariling kuwarto.

“You’re my friend, Daph. And I know you only mean well for me,” sagot ko saka dumapa at isinubsub ang mukha ko sa unan.

Narinig ko ang mahabang hiningang pinakawalan ni Daphne bago muling nagsalita, “I know you’re rich, Vince. Sa loob ng tatlong taong pagsasama natin dito sa dormitory ay alam kong nakakaangat ka sa buhay kahit na pilit mong ikinakaila iyon...”

Hindi ako kumibo at patuloy lang akong nakikinig sa tinutumbok niya.

“Have you—have you tried to speak to your father about plastic surgery?” naiilang nitong tanong. Bumuntong-hininga ako.

“I have thought of that often, Daph. Pero hindi ko alam kung gaano kalaki ang kayamanan ng Papa. Wala akong ideya. Tumatanggap lamang ako ng monthly allowance mula sa abogado ng pamilya. At hindi ko naman matanong ang Papa tungkol doon. You see, may sarili na ring pamilya ang ama ko,” may bitterness sa tinig ko sa bahaging iyon, “At ayokong pagtawanan at kaawaan nila ako. I know my step-mother and my step-brother hated me,” mapait kong sagot.

“Wala namang masama kung isusuhestiyon mo.”

“Thank you for the concern, Daph, but I can take ridicule and I have had enough of it. Isa pa, sa palagay mo ba ay may magagawa pa sa mukha kong ito?” patuya kong tanong para sa sarili.

Isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Daphne habang nakatitig sa akin kaya marahan akong napapikit.

Matalino naman ako, may katamtamang taas, at may makinis at pinong kutis. At iyon lang ang namana ko mula kay Mama. At kung tutuusin ay magaganda naman ang mga mata ko. Unusually expressive and thickly-lashed eyes.

Subalit natabunan lahat ng mga katangian ko ng iba pang bahagi ng mukha ko. Malaki at malapad ang ilong ko. Hindi lang iyon, malayo ang pagitan ng ilong ko hanggang sa upper lip at isang balat na itim sa kanang pisngi ko.

Sabi sa akin ni Daphne ay hindi naman daw ako gaanong kapangit. Subalit hindi iyon ang tingin ng marami at kahit ako mismong may-ari ng katawan. At dahil dito’y natatakpan ang lahat ng mga magagandang katangian ko kasali na roon ang pagkakaroon ng mabuting pag-uugali.

ISANG umaga habang nagliligpit ako ng mga gamit ay biglang pumasok sa loob ng kuwarto ko si Daphne. Sandali akong napahinto at muling bumalik sa pag-iimpake.

“Hey, going somewhere.”

“Kailangang umuwi ako ngayon din ng asyenda, Daph,” sagot ko saka isinara ang maleta, “May tumawag sa landlady natin at sinabing inatake sa puso ang Papa.”

“Oh, I’m sorry, Vince,” pagkatapos ay umupo ito sa gilid ng kama ko at niyakap ako.

“Natatakot ako Daph. Baka kung anong mangyari sa Papa. Kapag nagkataon ay mag-iisa na lang ako sa mundong ito.”

Naramdaman ko ang banayad na paghaplos niya sa likuran ko, “Be optimistic. It could be a mild attack dahil kung hindi ay tiyak na dinala na dito sa Maynila ang Papa mo.”

Kumawala ako sa yakap niya at sandaling napaisip sa sinabi niya. Pagkatapos ay marahan akong tumango, “I guess you’re right,” saka ako bumuntong-hininga, “I know I’m being silly. Natatakot akong mag-isa na lang sa mundong ito gayong kung tutuusin ay para na rin lang naman akong nag-iisa, ‘di ba?”

“You have me,” Daphne said gently.

“I know at nagpapasalamat ako na hindi mo ikinahihiyang maging kaibigan ang isang tulad ko.”

“Hindi kita ikinahihiyang kaibigan, Vincent Ursal. Hindi kita ipagpapalit kahit na kanino pa man sa mga kaibigan nating may magandang mukha,” anito pagkatapos ay ngumisi, “Ang drama talaga natin, ano? Paano ka nga pala uuwi?”

“Susunduin ako ng driver dito,” saka ako tumayo at tiningnan ang sarili sa salamin, “Isn’t it selfish, Daph, na higit akong nag-aalala sa sarili ko kung sakaling may mangyari sa Papa kaysa sa kalagayan niya?”

“Don’t be hard on yourself, Vince. Sabi mo nga, sa nakalipas na walong taon ng buhay mo dito sa dormitoryo ay mabibilang mo sa iisang kamay ang pag-uwi mo sa inyo. At ganoon din ang pagdalaw sa iyo ng iyong Papa dito,” napatango ako sa sinabi niya. Sinikap kong itago ang sakit na nadarama ko.

Kahit ang sarili kong ama ay hindi gustong makita ang pagmumukha ko.

Ilang sandali pa’y isang marahang katok ang narinig namin at pagkatapos ay bumukas ang pinto at sumungaw ang mayordoma ng dormitoryo sa pinto.

“Nasa ibaba na ang sundo mo, Vince.”

Impostor [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon