CHAPTER 2

149 16 66
                                    

I M P O S T O R
CHAPTER 2

story written by:
KOKO_HOSHIN

-
-
-
-
-
VINCE’S POV:

TUMAWID naman tayo sa McDonald’s, Vince, para doon mag-lunch,” yakag ng kaibigan kong si Daphne, “Sawang-sawa na ako sa pagkain dito sa dormitory.”

Sa totoo lang ay ayaw kong kumain sa labas ng malaking dormitory namin na naging tahanan ko sa nakalipas na walong taon ng buhay ko pero hindi ko gustong tanggihan ang kaibigan ko.

“Sige na nga!” nakangiti kong tugon.

“Hay, sa wakas! Napapayag din kitang lumabas ng dormitoryo,” natatawang wika ni Daphne pagkatapos ay hinawakan ang braso ko.

Naghanda lang kami saglit at pagkalipas ng tatlong minuto ay nasa loob na kami ng McDonald’s, at pagkatapos pumila ay dala-dala na namin ang tray at pumunta sa bakanteng mesa sa sulok.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Daphne nang isang kasamahan namin sa kabilang dorm ang lumapit na may kasamang boyfriend habang hawak ang tray ng pagkain.

“Hi, Daphne, Vince!” nakangiting bati nito sa amin.

“Hello, Francine. Hi, Roco,” ganting bati ni Daphne sa dalawa. Ako naman ay tumango lang at agad ding nagyuko ng ulo. Umupo ang dalawa sa katabing mesa na inalisan lang ng ibang customer.

“Siya nga pala, Roco, hindi mo nga pala kilala si Vince. Vince, si Roco, boyfriend ko,” pagpapakilala ni Francine. Ako man ay naiilang lang na ngumiti.

“H-hello,” hindi ako halos nag-angat ng ulo.

“Siya ba iyong ikinukuwento mo sa akin, Fran?” ani Roco at insultong ngumisi. Pagkatapos ay hinagod ng tingin ang buong mukha ko.

“Ah, eh... siya nga. Siya ang scholar namin,” nahagip pa ng mga mata ko ang marahang pagsiko ni Francine sa boyfriend niya. Hindi naman umangal ang lalaki at sinubo nalang nito ang in-order nitong french fries. Pagkatapos ay muli itong tumingin sa akin kaya muli akong yumuko at hindi na nag-angat pa ng tingin.

“Gosh, Fran! Paano sa palagay mo papatusin ni Hiro iyan?” hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulong na iyon ni Roco kaya muli na naman siyang siniko ni Francine, “Pero kung totoong rich iyan tulad ng sinasabi mo, well, matatakpan na ng pera ang kapangitan niya. Alam mo naman si Hiro, kahit na sino basta madatung kahit bakla pa iyan! And look at his designer’s watch, Fran, libo-libo ang halaga niyan...”

Totoong bulong lang iyon pero umabot iyon sa pandinig ko. Sandali akong tumigil sa pagkain saka tumayo at halos takbuhin ang pinto palabas ng McDonald’s.

“Vince!” tawag ni Daphne ngunit hindi na ako lumingon.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at tumawid pabalik sa dormitory. Hindi ko na pinansin ang mabilis na pagsulpot ng isang kotse mula sa kung saan. Ni hindi ito bumusina at kahit na nasa gitna ako ay tuloy-tuloy lang ito sa pagtakbo.

“Vince!” muling pagtawag ni Daphne sa pangalan ko. Naramdaman ko nalang ang pagdamba nito sa akin sa sidewalk, “Oh my god!” hiyaw nito kasabay ng pagbagsak namin sa rampa.

“D-daphne...!” nanlaki ang mga mata ko. Ga-buhok nalang ang layo ko sa kotse. At kung hindi dahil kay Daphne ay malamang na nasagasaan na ako. Hinihingal ko pang nilingon ang sasakyan na ni hindi man lang nag-menor at nawala na rin sa pagliko sa isang intersection.

“Are you crazy?!” galit na tanong ni Daphne sa akin, “Nang dahil lang sa dalawang walang kuwentang mag-boyfriend na iyon ay magpapakamatay ka!”

“I-I’m sorry...” nanginginig kong sabi. Inabot ko ang kamay niya na inalalayan ako sa pagtayo. May mangilan-ngilang estudyante at passer-by ang curious na nakatingin sa amin.

“Nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong ni Daphne na nagbaba ng tinig at pinagpagan ang sariling damit ng dumi mula sa rampa.

Umiling ako, “I... am alright, Daph... thank you.”

“Sino ba namang driver iyon at ganoon na lang kabilis ang takbo sa ganitong mataong lugar?” nagngingitngit na nilingon ni Daphne ang pinagdaanan ng sasakyan.

“Forget it. Halika na sa dorm,” sabi ko at hinawakan siya sa braso. I still shaken from the near-death encounter. Pero ganoon pa man ay sumisiksik pa rin sa isip ko ang mga sinasabi ni Roco.

Impostor [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon