Kabanata I

17.9K 121 4
                                    




I promised to him na magba-bar kami mamaya bago s'ya umalis ng apartment ko at umuwi sa kanila,  Natatawa nalang ako sa tuwing naaalala ko ang dahilan kung bakit s'ya naglasing kagabi at halos hindi na makatayo sa sofa. Sa bahay ko na nga lang s'ya pinatulog dahil mukhang hindi na s'ya makakapagmaneho pa pauwi sa bahay nila dahil sa sobrang kalasingan. Nung magising s'ya kaninang umaga,wala s'yang matandaan na kahit ano, ang alam n'ya lang eh pumunta s'ya dito sa apartment ko dahil may problema s'ya then the rest ay hindi na n'ya maalala. Pinagbintangan pa nga akong ginahasa ko daw s'ya dahil nagising s'yang wala ng anumang saplot sa katawan. Ang kapal ng mukha diba? Tinanggalan ko lang s'ya ng damit dahil punong puno na iyon ng suka n'ya tsaka ambaho na din. Dito ko narin s'ya pinaglunch dahil halatang may jetlag pa s'ya kanina. Mga 1 pm na din s'ya naka-uwi dahil tanghali na s'ya nagising kanina.





Nakalimutan n'ya nga ang mga kalokohang pinang-gagagawa n'ya kagabi pero hindi ang problema n'ya. Habang nag-la-lunch kami kanina ay panay parin ang mura n'ya at bakas parin ang galit n'ya sa daddy n'ya na gumawa ng napakagandang desisyon para sa kan'ya. Hindi narin naman 'to bago sa mga Montemayor,ang magkaron ng arranged marriage , Kuya Aethan marry Ate Ara na in-arranged marriage din ng family nila, they have great love story. Ang daddy din ni Vin at ang mommy n'ya ay ganun din. Benefits of these arranged marriage ? Para mas mapalawak pa ang ari-arian ng mga Montemayor. Lalaki kasi ang nagdadala ng pangalan kaya sa kanila mapunpunta ang lahat ng responsibilities ng babae na maghandle ng kumpanya nito.... But I think Calvin doesn't like  this kind of set up. Mas gusto n'ya pa din na sya ang mamimili ng pakakasalan n'ya, at isa pa,marrying the person you haven't met and seen before is totally freaking out! 




Habang nagpupulot ako ng ilang basyo ng alak na nagkalat sa sahig ng apartment ko,narinig kong may nag-doorbell kaya mabilis kong naipatong ang bote at takbuhin ang pinto sa pag-aakalang si Vin yun na bumalik at nagbago ang isip na umuwi sa kanila. Pero nagkamali ako ng pag-aakalang si Vin 'yun.. It's Carl, ang napakagwapo kong boyfriend..



I smiled at him and he bend over and gave me a brief kiss on my lips.



"Hi,a-anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa ka'ya. Pinapasok ko s'ya sa loob ng apartment ko at tumuloy naman s'ya sa sala. Ang alam ko kasi tuwing ganitong araw ay may pasok s'ya kaya nakakapagtaka kung bakit s'ya nandito ngayon..





"Free cut kami ngayon kaya dito ako tumuloy, Besides,I missed you!" He said as he wandered his eyes around. Biglang kumunot ang noo nito ng mapansin ang ilang basyo ng alak sa sahig at sa lamesa pati narin ang upos ng sigarilyo sa ashtray at balat ng mga corn chips "May bisita ka kagabi?" tanong nito na hindi mawala ang kunot sa noo n'ya.




"Uhmm.. Yes, Vin was here last night. May problema kasi s'ya kaya nag-yayang makipag-inuman!" Gosh! Why I'm explain to him like a defensive girlfriend?

Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon